"Alex, dito ka lang please."It's not usual for Diane to beg or ask for help from anyone. Pero sa ngayon napaghihinaan na talaga siya ng loob. No one is there for her. It's the least thing her assistant could do for now.
Tumango si Sander saka pinapasok sa office ang mga sinasabing tauhan at abogado ni Mr. Cinco.
"Buen día, señorita Diane Martinez. Soy Denis Marquez, el abogado de Señor Cinco." Sabi ng attorney pero hindi na nakipag-handshake kasi bawal. "Estamos aquí para discutir algunos asuntos muy importantes."
May kasama ring interpreter na mag-tra-translate sana into English but it seemed like, Diane already understood what the Spanish lawyer said.
"I have the right to stay silent until my lawyer comes." Ang tanging sabi ni Diane.
Mga limang tauhan ang nandon, lahat foreigner, mga kalahi ng namayapang negosyante. Ang abogado, ang interpreter, ang dating assistant ni Mr. Cinco, at dalawang bodyguards. Sander is also there pero wala na siyang maintindihan sa kasunod na sinabi ng español na abogado. Pero buti nalang itinranslate ng babaeng interpreter. Sabi niya:
"We don't have much time. All you have to do is to sign some papers."
"What papers? Why would I sign them?" Sunod-sunod na tanong ni Diane.
At doon nila nalaman ang mas nakakagulat na balita. Ang pinunta ng mga panauhin na yun ay hindi para sampahan ng kaso si Diane. Kung di para ipasa sa kanya ang mga assets ni Mr. Cinco.
That's right! Nakapangalan na kay Diane ang lahat ng mamanahing yaman mula sa matandang negosyante. At kaya naroon ang abogadong yun para i-settle na ang lahat dahil babalik na sila sa Spain.
"There's no more use for us to stay here in your country since our boss passed away. We have to go back to Spain as soon as possible." Paliwanag ng interpreter.
Diane was very much surprised sa lahat ng mga sinabi ng abogado. Pati si Sander na nakikinig ay parang nabuhusan nang malamig na tubig. Binigay sa kanya ang will and testament ni Mr. Cinco para mabasa niya ang lahat. If all his properties and assets will be liquidated to money, minus all the liabilities, aabot ng 1.5Billion pesos ang mamanahin ni Diane. But of all the people in the world, why her?
"Why me?" Asks Diane.
"Mr. Cinco has no direct family. He has no one here in the Philippines to inherit his riches. He wants you and only you to get all his wealth."
Naisip ni Diane na baka nananaginip lang siya. All of these were too good to be true. Noong mga nakaraang araw namromroblema pa siya dahil akala ng lahat kriminal siya. Ngayon malalaman nalang niya na ginawa siyang heridera ng businessman na kinasusuklaman niya. She feels so bad to what happened to Mr. Cinco. But maybe all this, happened for a reason, right? Maybe she deserves all of these after all the struggles she'd been through?
Dumating ang lawyer ni Diane at nanguna sa pag-uusap nila doon sa opisina. Sinisigurado niyang dumaan lahat sa tamang proseso at tiyak na legal. Mahirap na baka may sabit.
Pero masyadong atat na ang mga tauhan ni Mr. Cinco. Gusto na nilang lumipad pabalik sa bansa nila dahil aasikasuhin pa nila ang mga naiwang properties ng boss nila doon, kung paano nila ibenta at hatiin ang assets. Many of these will go to charity too. Ngunit sabi ni Diane hindi niya matatanggap ang ganun kalaking pera at hindi naman sila naging ganun ka-close ni Mr. Cinco. Ang gusto ni Diane na 500-Million lang yung kukunin niya kasi yun naman talaga ang amount na pinangako ni Mr. Cinco sa kanya na itutulong sa Martinez Corp. Though medyo feeling niya hindi niya pa rin deserve ang ganun kalaking amount kasi hindi naman nila naisakatuparan ang kapalit nito. Pa-simpleng tinanong rin ni Diane kung ano ang ikinamatay ng matanda.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...