Harmony's hands were trembling as she fold the letter she was going to give Henry. Hindi nya alam kung bakit gustong-gusto nya ito.
She sealed the letter containing of the words, "Dear Victor
Gustong gusto talaga kita. As soon as I fall asleep, you slip into my dreams, take me in your arms, and dance with me all night long! I think about you all the time, from the moment I wake up in the morning until I put the cat out at night."
She signed the letter "Yours, Harmony."
Natutuwa sya sa kanyang nakikita. Iniligpit nya ang librong pinagkunan nya ng mga words na isinulat niya. Lumabas sya ng kwarto at pumunta sa kwarto ng kanyang lola, at hinanap ang pinakamabango at pinakapaborito nyang amoying pabango. Bumalik sya sa kwarto nya dala ang pabango na galing sa kwarto ng lola nya.
She sprayed some on the letter, at saka inamoy ito. Napangiti na naman sya. Siguradong maaalala sya ni Victor sa tuwing maaamoy nya Ang pabango.
Ibinigay nya ang sulat sa best friend nyang si Kathleen kinabukasan.
"Ikaw na magbigay sa kanya," sabi nya dito nang mag-lunch break sila. "Hintayin mo kung anong reaksyon nya ha."
"Oo," sagot nito. "Ako bahala." At umalis ito para gawin ang pinapagawa ng kaibigan.
Pag-alis ni Kathleen, Harmony was nervous as hell, but excited at the same time. Iniisip nya kung ano kayang magiging reaksyon ni Victor. Matutuwa kaya ito?Maya-maya, nakita nya si Kathleen na humahangos. Tumatakbo ito papunta sa kinaroroonan nya. Nanlaki ang mga mata nya sa pagtataka.
"Bakit?" Tanong niya dito nang makalapit Ito sa kanya. "Ano'ng nangyari?"
"Pinabasa nya yung..." Sagot nito habang naghahabol ng hininga. "Sulat mo kay Kyle." Himihingal parin Ang kaibigan niya.
"Ha?" Napatulala sya. Tiyak na naman na kakantiyawan sya ni Kyle and the rest of the classroom pagkatapos ng lunch break.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Kathleen. Hindi na sya makasagot. Iniisip nya Ang kahihiyan na sasapitin nya mamaya sa classroom nila.
Maya-maya, tumunog na ang bell hudyat na natapos na ang lunch break, at sisentensyahan na sya ng matinding kantiyaw at kahihiyan sa kanyang mga kaklase. Halos ayaw nyang igalaw ang mga paa nya. Kung hindi sya hinihila ni Kathleen, ay siguradong hindi sya makakaalis sa kinaroroonan.
When they walked into their class, the teacher welcomed Harmony and assigned her new seat, right next to Victor! "What?" She thought. "Pati ba naman si ma'am?"
Hindi nya na kailangang maamoy ni Victor ang pabangong inilagay nya sa sulat na ibinigay nya dito para maalala nya ito, dahil magkatabi na sila. At sobrang hiya ang nararamdaman nya, at pakiramdam nya ay mas malala pa ang pagka-pula ng mukha nya sa red lipstick na ginagamit ng kanyang teacher."Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya kay Kathleen nang pauwi na sila nang hapong iyon.
"Hindi ko alam," sagot nito. "Nalingat lang ako sa bagong cellphone ni Matt, tapos paglingon ko, binabasa na ni Kyle yung sulat mo kay Victor." Naglalakad sila palabas ng school.
Gusto nyang matunaw sa hiya. Kanina pa sya kinakantiyawan ng mga nakakasalubong nyang kaklase.
"Kung may magic powers lang sana all katulad ni Harry Potter," she thought. "Nabura ko na sana sa isip nila yung nangyari."
They both spent the rest of the semester without looking at each other.
----"Grade 8 palang tayo nun," Sabi nya kay Kathleen. "Alam mo Yung infatuation? Yun yung pinakamali ko nung time na yun."
Tumawa ang kaibigan at sumagot. "Cringe."
"If anyone can die of cringe, I'm probably dead by now."
They are looking at old photos, tapos nakita nila ang isang photo nila together na nagpapaalala sa kanila ng pangyayaring iyon. Ipinasa nya ang photo album sa kaibigan.
"Pangit ko pa diyan," Sabi niya sabay tingin kay Kathleen. "I was bullied, ikaw yung witness no'n."
"Hindi ka naman pangit," sagot nito. "You just don't know how to take care of yourself that time. Besides, grade 8 palang tayo nun. Super bata pa natin."
Ngumiti sya sabay tumango.
"And note this," dagdag ng kaibigan. Tumingin sya dito. "Hindi ka magiging Miss Valentina kung pangit ka since birth." Sabi nito sabay tawa. Natawa na rin sya.
Last week, she bumped in to Victor sa hallway ng school. Even ngayong college, parehas parin sila ng pinapasukan. Siguro, like her, ayaw na ni Victor ma-hassle sa pagpunta sa Manila para mag-aral. Or maybe his parents. Baka ayaw nila malayo ang anak nila sa kanila.
Simula nang mangyari Ang pagkapahiya nya that year, hindi na siya nagtangkang kausapin pa ito. Umiiwas sya dito hangga't maaari. Pwera nalang kung group mates sila sa isang activity. They talk pero limited. Like someone ask, and someone answer.
She heard her lola Maxima call her and Kathleen for lunch. Wala silang pasok sa school that day kaya nagkukuwentuhan lang sila. Tumayo sila pareho.
"Ang bango naman, lola," Sabi ni Kathleen nang marating nila ang lamesa. "Kaya gusto kong nandito palagi e. Nabubusog ako." Umupo ito sa paborito niyang upuan tuwing dito sya kumakain.
"Harmony," sabi ng lola nya. "Kinukumusta ka ng mama mo kanina."
"Ano pong sinagot niyo sa kanya?" Tanong ni Harmony.
"Sabi ko ayos ka naman," sagot ng lola niya. "At sinabi kong inaalagaan naman kita, at Hindi naman kita pinapabayaan."
Tinitigan sya ni Kathleen. Ngumiti lang sya at naglagay ng kanin sa kanyang pinggan.
Inisip niya ang sinabi ng lola niya. Tama ito. Inaalagaan siya nito ng gusto, na hindi nagawa ng nanay niya. Nagtatrabaho kasi ito sa ibang bansa simula bata pa sya at naiwan sya sa pangangalaga ng lola niya. Ang tatay niya naman, hindi niya nakilala sa dahilang ayaw ito pag-usapan ng nanay at lola niya.
"Tawagan mo naman minsan," sabi ng lola nya. "Namimiss ka na no'n"
"Kapag hindi ako busy, 'la." Sagot niya dito sabay ngiti.
YOU ARE READING
Not Applicable
RomanceLate bloomer Harmony Vega found love to her elementary bully's best friend, Victor Laurel.