Chapter 42

70 8 0
                                    



Depend on You
TWICE
2:35 ──────|── 3:18
|◁          II          ▷|



ELY



Vince just called me earlier and told me that we are going to have a church date this afternoon.

Yes, it's official. I'm going to a date with Vince from now on until Saturday. 'Di ko alam kung siya or ako ba ang nap-pressure dahil  ito ang first date ko kasama siya. Buti na lang, he decided na mag-church date muna kami bago gumala.

Namomroblema pa ako sa gagawin ko kanina at buti na lang tumawag si Claire. Sabi niya, it's really a good idea to start a date sa church. She also advised me what to do and what to wear at nakinig naman ako pero habang tumatagal, parang kinakabahan ako.

Nakabihis na ako at nag-aantay na dumating si Vince nang naka-receive ako ng isang text. Nasa labas na daw siya.

Tumayo ako at huminga nang malalim.

I left my apartment and went down the stairs to reach the ground floor. Nadatnan ko naman siya na entrance ng building. We were both wearing the same color of clothes.

I was stunned when I saw his hair brushed, exposing a bit of his forehead. Napakaaliwalas ng mukha niya today. I didn't know na may ganitong side na pala si Vince.

"Do I look weird?" tanong niya na agad kong ikinailing.

"N-No, you look... great."

Sumunod na ako sa kanya sa kotse. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan at nagpasalamat naman ako saka tuluyan sumakay. I really don't know what to feel dahil first time ko 'to. I just keep smiling at him to hide this awkwardness I feel inside, even though I've known Vince since high school.

Pinaandar na niya ang kotse at nagsimulang mag-drive. Sa pinakamalapit na church kami papunta ngayon kung saan kami magsisimba.

Nang nakarating na kami ay naghanap muna si Vince ng area kung saan niya ipaparada ang kotse. Medyo maraming tao kasi ang dumagsa ngayong hapon dito.

Nang naka-park na siya, lalabas na sana ako sa kotse nang pinigilan niya ako at naunang lumabas. Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan saka ako nakalabas. "Vince, you don't have to do this all the time—"

"Nope, you can't stop me, Ely. I'm courting you," he interrupted and smiled at me.

Sabay kaming pumasok sa simbahan at nadatnan naming malapit nang mapuno ang seats sa loob. Nakaramdam naman ako ng biglang hilo, na nagpapaalala sa akin na may agoraphobia pala ako. Pasimple lang akong napahawak sa sentido ko ngunit agad namang napansin ni Vince.

"Are you oka— oh, sorry, I totally forgot your phobia," Vince said and took my hand instead to take me outside the church.

I have this kind of phobia since I was a kid, pero minsanan na lang ito nagt-trigger sa akin. Nakakaramdam talaga ako ng hilo sa mga crowded areas, especially kapag closed places. Napagsabihan ko na nito si Vince noon, pero hindi ko aakalaing maaalala pa niya hanggang ngayon.

Nang makahinga na ako nang malalim, tinignan ko naman siya. He looks very worried. Shocks, I don't want to ruin our first date.

"Let's go back again inside," I said.

"But how about you? You're not feeling fine—"

I smiled at him. "I'm okay now, Vince. Nahilo lang ako saglit nang makita ko yung dami ng tao. Let's just find vacant seats na malapit sa altar."

He asked me once again but I insisted to back inside again. Ayaw ko namang ma-miss ang misa ngayon nang dahil lang sa pahamak na phobia ko.

Dumaan kami sa side entrance ng church at sa pagpasok namin ay nakakita naman kami ng vacant seats sa harapan kaya doon na kami umupo. Sa dulo kami ng upuan kung saan nasa tabi ko na ang aisle at malapit rin kami sa altar.

Marahan naman akong tinapik ni Vince kaya nabaling ako sa kanya.

"Aalis lang ako saglit. Babalik ako," he said and I nodded. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero ayos lang naman kasi hindi pa naman nagsisimula ang misa.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita ko na ang pari sa gilid ng altar at bago pa siya makarating sa altar ay nakabalik naman sa aking tabi si Vince na may dala ng water bottle.

"For you," sabi niya sabay abot ng tubig sa akin.

"Thank you," sabi ko naman.

I can really see how genuine he is sa kanyang ginagawa ngayon. He's really concerned of me. I just smiled at him again thinking about that.

Nagsimula naman ang misa na sinundan ng pagtayo ng lahat. Binaling ko muna ang atensyon ko kay Lord mula kay Vince.

Habang nasa kalagitnaan naman kami ng Homily ay nakarinig ako ng mahinang usapan sa aking likuran. Hindi na ako lumingon pa at ibabalik sana ang atensyon ngunit huli na ng maintindihan ko ang usapan ng dalawang babae.

"Jusko, magboyfriend ba 'yang nasa harapan natin?"

"Parang gano'n na nga, 'day. Ang lakas naman ng loob nilang humarap sa Diyos kung nakikipagrelasyon pa rin sa kapwa-kasarian..."

Sinusubukan kong kalimutan ang narinig ko pero nakaramdam na ako ng pagkadismaya. Sana naman, magkaroon sila ng respeto sa harap ng Diyos habang nasa misa.

Nakaramdam naman ako ng isang kamay na lumapat sa kamay ko. Lumingon ako kay Vince na nakita kong lumingon sa likuran namin saka bumaling sa akin. Mukhang narinig rin yata niya ang narinig ko.

"Don't mind them," he said and I nodded. Nagpatuloy na lang kaming makinig sa pari hanggang sa maayos na natapos ang misa.

Aalis na sana kami palabas nang nakita kong nagsisiksikan rin palabas ang mga nagsimba. "Ely, look at me," biglang sabi ni Vince kaya napunta sa kanya ang tingin ko.

"We'll just wait na makalabas na sila saka tayo susunod. Baka may mangyari pa sa'yo."

Tulad ng sinabi niya, pinauna na namin ang mga nagsisiksikang tao na lumabas ng church. Sa unang tingin palang ng dami nila, parang mahihilo na ulit ako.

Ilang sandali ay makita kong kaunti na lang ang mga tao sa exit kaya lumabas na rin kami. Nakahinga naman ako nang maluwag. Napansin kong dumidilim na ang langit kaya napatingin ako sa watch ko.

Saka ko lang din na-realize na yung kamay ko kung saan ko suot ang watch ko ay hawak pala ni Vince kaya agad akong napabitaw. Sobrang higpit pa ng hawak ko sa kamay niya.

Isa pa ang napansin ko, medyo pawisan na ang mukha ni Vince at mukhang kanina pa siya naiinitan doon sa loob. Kaya agad ko namang kinuha ang panyo ko sa bag at humarap sa kanya. "Vince, harap ka muna saglit..."

Pinunasan ko na ang pawis sa noo niya gamit ang panyo ko. Marahan kong iginalaw ang panyo sa mukha niya hanggang sa nadapo ang tingin ko sa mga mata niya.

Napakagwapo niya talaga ngayon.

Nagtagpo ang aming mga mata ngunit saglit lamang iyon nang ibinalik ko ang ulirat ko at umatras kasabay ng pagbaba ko ng kamay ko na may hawak na panyo. "T-Tara, alis na tayo," nauutal kong sabi at inunahan siya sa kotse niya.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon