BROKEN

4 1 0
                                    


BROKEN

Tiningnan ko ang ilog na kasing linaw at mapayapang lugar na ito. Umihip ang malakas na hanging na tinatangay ang aking buhok. Tumingin ako sa himpapawid. Unti-unti itong dumilim at kumulimlim. 'Di ko namalayan na may pumatak na tubig saking mukha hanggang sa ito ay dumami.

Kumukulog ng malakas. Nagwawala ang langit hanggang sa umulan na pagkalakas-lakas. Kasabay ng pagbuhos at nag-uunahan na lumabas ang akong mga luha sa'king mapupungay na mata.

Kumikirot ang aking puso. Hindi ko maigalaw ang akong katawan. Nangiginig ako sa Hindi ko malamang dahilan.

Unti-unting bumagsak ang katawan ko sa lupa. Para akong na syptonismo. Umihip ng malakas ang hangin. Napapikit ako sa lamig. Basang-basa na ako sa ulan. Biglang sumilay ang isang ngiti sa aking labi na di ko pa pinapakita sa ibang tao maliban sa kanya.

Bigla ko na naman siyang naalala. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Naalala ko naman ang pagkamatay niya. Mapait na akong napangiti. Gusto kong makasama siya habang buhay. Siya lang ang umiintindi sakin. Siya lang ang nag-aalaga sakin. Siya lang ang saksi ng paghihirap sa buhay ko.
Siya lang ang nagpatibok sa malamig kong puso.

Speaking of puso, sumasakit nanaman ito. Ilang araw na akong walang kain. Ilang araw na din akong di makatulog. Mugtong-mugto na ang akong mga mata. Masama na din ang pakiramdam ko na parang gusto kong hatiin sa dalawa ang katawan ko sa sobrang sakit na naramdaman.

Unti-unti pumikit ang mga mata ko. Linibot ko ang paningin ko. Tinignan ko ang paligid sa huling pagkakataon. May nakita akong isang hugis na tao sa langit. Alam kong siya yun. Siya talaga yon. Pumikit na ako at ngumit ng totoo.

Salamat at makakasama na ako sa kanya sa langit habang buhay. Natupad na din ang aking pangako na kung saan man siya magpunta ay sasama ako. Farewell.

The End.

A/N: OMG HAHAHAHAHA guys, diko alam kong anong pumasok sa ku-kuti kong utak at ganito ang sinulat ko. As far as I remember, NBSB ako, single pero kung umakto parang broken hearted AHAHAHAHAtaena well, sinali ko nalang sa one shot kasi para remembrance atsaka documentation na rin. Actually, 2015 ko pa yan sinulat at ngayon ko lang nakita sa drawer ko kaya nilagay ko nalang dito AHAHAHAHA
Salamat sa pagbabasa! Mwah! '3'

                                                              NEVERMINDME143

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now