Malalaki ang mga hakbang na ginawa ni Seth palabas ng arena, napuno ng selos ang kanyang dibdib ng sandali na iyun lalo pa nang makita niya ang malapad na pagkakangiti ng anak ng gbernador na iyun kay Gabriella na kung tutuuusin ay muntik na nitong mapangasawa at ang naging dahilan noon kung bakit siya hiniwalayan ni Gabriella.
Tila ba bumalik ang lahat sa kanya kanina, alam niyang nakaraan na iyun pero, pero, argh! Ang inis na sabi ng isipan ni Seth.
Tapos minaliit pa ni Gabriella ang pwedeng maging sanhi ng ginawa nitong pagsakay kay Lace ng bareback! For what? For the sake of enetertainment na tila gustong palabasin ni Gabriella sa sinagot nito sa kanya kanina. Padabog siyang naglakad palabas at hinanap ng kanyang mga mata sina Aaric at Rauke habang naririnig nila sa background ang hiyawan ng mga taong nasa loob pa ng arena at nanood ng bull riding.
Kailangan na nilang makabalik sa rancho, dahil na rin sa may inihanda na salu-salo ang mga taga-rancho bilang pagdiriwang sa araw na iyun. Nang mamataan niya ang mga kapatid ni Gabriella na isinakay na ang kanilang mga kabayo a horseboxes kasama na rin si Lace ay naglakad na siya palapit sa mga ito. Nakasakay na sa mga kani-kaniyang jeep sina Alaric at Rauke, at tanging jeep na lang ni Gabriella ang wala pang pasahero maliban kay Bobby na nasa driver seat.
"Si Gab?" ang tanong ni Alaric sa kanya pagkalapit niya sa mga ito.
"Pasunod na iyun nasa likuran ko lang," ang sagot niya kay Alaric na kumunot lang ang noo sa kanya at sumilip ang ulo nito sa kanyang likuran na tila ba hinahanap nito si Gabriella na lumitaw sa kanyang likuran.
Sumakay siya sa kanyang motorsiklo na nakaparada sa tabi ng jeep ni Gabreilla, nakangising tiningnan siya ni Bobby at sinimangutan niya ito ng mukha.
"Ano?" ang inis na tanong niya sa kaibigan at mas lalong bumusangot ang kanyang mukha dahil tumawa pa ng malakas ang kaibigan niya sa kanya, yung tawang nakaka-bwisit kaya mas lalo siyang nainis ng sandal na iyun.
"Ha ha, nakakatawa Bobby," ang walang saya at sarkastikong sabi niya sa kaibigan na hindi man lang tinablan ng kanyang pagmamaktol.
"Mukha ka kasing kulang sa kast"-
"Huwag mo ng ituloy!" ang inis na banta ni Seth sa kaibigan na mas lalo lang lumakas ang tawa at sinabayan pa ito ni Rauke.
"Idiretso mo na si Gab sa bahay Seth at mag-celebrate na kayong dalawa sa loob ng apat na sulok ng inyong silid," ang sabat ni Rauke sa kanila at tumiim lang ang labi ni Seth at pinigilan niyang bulyawan ang kapatid ni Gabriella.
"Ha ha ha! Rauke mahirap yata iyan mangyari, baka nga outside the kulambo iyang si Seth sa nangyari kanina ha ha ha!" ang natatawang sabi ni Bobby kay Rauke, at humagalpak ng tawa ang dalawa, mabuti na lang at wala ang dalawa pang kaibigan ni Rauke kundi siguradong sasabog na parang bulkan ang ulo niya.
"Tumigil nga kayo!" ang galit na bulyaw niya sa mga ito at pinaandar na niya ang makina ng kanyang motorsiklo. Kung tutuusin ilang minuto na silang naghihintay sa labas at ang inaasahan niyang nakasunod na si Gabriella ay nananatiling no-show hanggang sa sandali na iyun.
"Nasaan na si Gab?" ang takang tanong ni Alaric at mukhang ang announcer na ang sumagot sa kanilang tanong.
"At ang susunod natin na kalahok sa bull riding, mukhang ginugulat po talaga tayo ng babaeng ito, Gabriella Kirkland!" ang malakas na sabi ng announcer sa mikropono nito na umalingawngaw sa speaker ng arena.
Nagkatinginan silang lahat nang marinig nila ang pangalan ni Gabriella na binanggit ng announcer at halos talunin nilang lahat ang pagbaba sa sasakyan.
"Bobby maiwan ka diyan, bantayan mo ang mga kabayo!" ang hiyaw ni Alaric kay Bobby habang nagmamadali silang tumakbo papasok ng arena at nagsimula nang maghiyawan ang mga tao sa loob at mukhang nagsimula nang sumakay si Gabriella sa toro.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981