03Girlfriend
"I mean, He likes a lowkey wife."
"Paasa pala si madame," bulong ko sa gitna ng pag kagulat. Ngunit parang narinig niya ata.
"What did you just say?"
"Uhm... Ang sabi ko po PASA hehe oo...PASA nga!" Kinagat ko ang isang daliri ko dahil sa kaba. Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Pasa?" naguguluhan niyang tanong.
Jusmiyo marimar naman kase. Baket napalakas ata 'yong bulong ko. Naku! Hindi talaga nag-iisip 'tong walanghiya kong bibig.
"Uhm hehe... Pasa- DO! Tama 'yon nga ang ibig kong sabihin. PASAdo na siguro akong maging asawa ng anak niyo, madame?"
"Uhuh?" Tula nag dalawang-isip pa siya do'n.
Bakit naman kaya gugustuhin ng anak niya na mapangasawa ang isang tulad ko 'no? Feeling ko tuloy simple lang din siyang lalake kahit na sobrang yaman na niya idagdag pa ang pamana ng kanyang lolo. Pagdating din sa pisikal na anyo ay sobrang lamang siya at alam ko ring mataas ang pinag-aralan niyang tao. Ang hirap-hirap niyang abutin.
"I don't want to force you though. We can still find someone like you but if you don't really agree, then you must find other way to pay for your debts."
Inipon ko ang lakas na natitira sa 'kin at nakipagtitigan sa kanya. Blino-blockmail ba ako nito? Feeling ko tuloy wala na akong kawala. 25 years old na ako at dalawa pa lang ang nagiging ex ko pero no'ng High School pa 'yon. Hindi ko na tuloy alam ang pakiramdam na may ka-relasyon. At ang mas masahol pa dito ay asawa na agad.
"Kelan po ba ang kasal? Hehe." Lubos-lubusin ko nalang dahil baka magbago pa ang isip niya at magka-interest pa kami sa utang.
Napatawa siya nang mahina sa tanong kong iyon. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya kahit hindi naman talaga halata na meron ako no'n.
"Don't rush, Ms. Carina Garcia. There will still be lots of process before marriage. First, hmm... I guess you need to be prim and proper. Don't worry 'cause I will be your guidance to that but, if happens-
Agad kong pinutol ang sinasabi niya dahil lubos akong naguluhan.
"P-prim and p-proper po?" Tumikim siya at tumango. Anong bang ibig sabihin niya do'n?
"Yeah. I heard that you're working as a maid of the West Family and a janitress in one of their companies, right?"
Nagulat ako nang banggitin niya 'yon. Paano kaya niya nalaman? Haysss...Malamang na pina-imbestiga na nila ako. Ano pa bang aasahan ko sa mga mayayaman? At tsaka para na rin makasiguro sila na wala naman akong record sa mga police station. Dahil kung sakali ay madudungisan ang pangalan nila kung magiging parte ako ng kanilang pamilya.
At dahil nga hindi ako nakapag-tapos ng pag-aaral ay 'yon lang muna ang makakaya kong makuha na trabaho. Ang West Family ay isa rin sa maimpluwensiyang pamilya dito sa bayan namin. Balita ko nga rin ay kakumpitensya nila ang mga Alejo.
"Uhm... Opo."
"Well, I just want you to learn proper etiquettes to be a real Alejo." Ngumisi siya sa 'kin nang nakakaloko na parang may binabalak pa. Ngayon ko nga lang rin napansin na may maliit din pala siyang dimples sa mag kabilang parte ng kanyang labi. Mas lalo tuloy nadepina ang mala-diyosa niyang kagandahan.
"K-kailangan po ba t-talaga 'yon?" utal-utal kong tanong. Mas lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko dahil feeling ko ay hindi talaga ako nababagay sa pamilya nila.
YOU ARE READING
Met By Accident
RomanceCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...