CHAPTER 37
MAAGANG nagising si Cohen dahil sa ingay ng alarm clock nya, palagi kasing 6:am ang gising nya sa tuwing may pasok sya sa opisina kaya nakalimutan nyang tanggalin ang set ng alarm clock nya.
Sabado ngayon kaya wala syang pasok. hindi naman sa nagsasara ang kompanya nila tuwing sabado, talagang binibigyan lang talaga nya ang sarili ng oras para makapag-pahinga. Iniiwan nalang nya sa assistant nya ang mga trabaho para sya nalang ang tumapos kapag nakapasok nasya muli sa opisina.
Kakatapos lang ni Cohen na maligo at kakalabas lang din nya ng banyo, kaya naman wala syang ibang suot ngayon kundi tanging roba lang.
Habang pinupunasan ni Cohen ang buhok gamit ang towel nya ay napansin nya ang card na ibinigay ng babae sa kanya kagabi.
Itinigil nya ang pagpupunas sa buhot at kinuha ang card na iyon na nakalagay sa ibabaw ng mesa. kagabi pa nya naisip ang tungkol sa bagay na ito.
"Hindi naman siguro masama kung susubukan ko."
Kinuha ni Cohen ang telepono na nakalapag sa mesa at agad na dinial ang numero na makasulat sa card. naka tatalong ring pa muna ito bago nito sinagot ang tawag nya.
"Hellow this is from Global Health Hospital how may I help you?" anang boses babae.
Napakunot ang noo ni Cohen ng matunugan ang boses nito. pamilyar ang boses na'to pero hindi sya sigurado kung tama nga ba ang hinala nya.
"Hellow?"
"H-ha? ah... yes...yes, g-gusto ko sanang magpa set ng check up ngayon for psychiatric"
"okay sir, we will just text you the exact time of your chek up"
"o-okay thankyou...."
Ibinaba na ni Cohen ang cellohone at wala sa sariling napatitig sa kung saan. hindi nya maintindihan ang sarili, sa tuwing naririnig kasi nya ang boses na iyon ay parating sumasagi sa isip nya si Natalia at aaminin nyang mayrong nabubuhay sa loob nyang nagbabakasakaling ito nga ang dalaga.
Pero alam nyang Imposible iyon pitong taon na ang nakalipas at sa pitong taon na iyon ay alam ni Cohen na hindi na babalik pa sa kanya ang babaeng mahal nya dahil matagal na sya nitong kinalimutan.
Ibinalik ni Cohen ang card at cellphone sa ibabaw ng mesa. Nagtungo sya malapit sa drawer at kinuha ang benzodiazepine na nakalagay sa maliit na plastic bottle. Kumuha sya ng tubig at isang benzodiazepine at agad na ininom iyon.
Laging ito ang ginagamit ni Cohen na panlunas sa tuwing nakakaramdam sya ng panic. minsan kasi kapag nag-iisa lang sya at wala masyadong ginagawa ay bigla bigla nalang syang nenerbyos at bigla bigla syang nakakaramdam ng lungkot.
Nung una akala nya ay normal lang ang makaramdam ng ganun, pero ng malaman nya ang tungkol sa anxiety ay dun nya naisip na baka isa nga ito sa mga mental disorder na maaring naging bunga ng nakaraan nya.
Matapos makainom ni Cohen ng gamot ay nagtungo na sya sa drawer nya pumili sya ng simpleng masusuot at nagsinula nang mag-ayos sa sarili. Nasa ganuong sitwasyon lang sya ng biglang tumunog ang cellphone nya.
Agad agad nyang nilapitan ito at tiningnan ang screen ng cellohone at nakita nyang nag-flash sa screen ang unknown number na tinawagan nya kanina. binuksan nya ang massage at binasa.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Heart [UNDER REVISIONS]
RomansWhen Natalia Santiago fell in love with Cohen Montenero, would she admmit her change of feelings or will she forever keep it hidden? **** Cohen Montenero is a famous welthy person. They own the whole land of Hacienda Montenero. He was known as a col...