"Hay nako! Ewan ko sayo, bahala ka na nga sa buhay mo!"
"Regina, calm down! It's not a big deal." Sabi ni Diane at tinatawanan lang niya ang kanyang pinsan na labis na namromroblema sa kanyang mga ginagawa. They are currently in the CEO's office, talking while they're not busy, as usual. Kinonfront kasi siya ni Regina tungkol sa kanyang napag-alaman na niregaluhan niya pala ang kanyang assistant ng bahay at kotse sa kaparehong village na kanilang tinitirhan. Regina hated that idea. Mistulang sumugod siya sa office ni Diane while her assistant wasn't there.
"Oh tapos, anong nangyari? Tuwang-tuwa siya, tapos pinasalamatan ka niya nang sobra-sobra, at pagkatapos may nangyari na naman sa inyo, ganun?" Regina rumbles on.
Patagong tumawa si Diane kasi nahulaan na naman ng pinsan niya ang nangyari.
"Hay nako, so nabasbasan n'yo na pala agad ang kwarto." Sabi ni Regina sabay hawak sa kanyang ulo at irap sa mata. Sumasakit ulo niya dahil sa kanyang pinsan.
"Hmm.. sa kwarto, sa living room, sa kusina, sa shower.."
"Diane, stop it! I don't wanna know the details!" Regina screams at lalo lang siyang inasar ni Diane. Natutuwa si Diane habang napipikon na ang pinsan niya sa kanya.
After calming down from laughing so hard, Diane says, "Regina, relax ka lang. Hayaan mo nalang ako. And besides, na-eenjoy ko si Alex."
"Duh. You're spoiling your sugar baby too much." Regina said rolling her eyes for the nth time. "Baka masyado kang mag-enjoy kay Alexander, at yung feelings mo d'yan.. hmm."
This time, biglang natahimik si Diane sa huling sinabi ng pinsan. What Regina said has reminded her of so many things. Mga bagay-bagay na pilit niyang binalewala lately kasi ayaw niyang magkaroon na naman ng iisipin. She just wants to focus on her company right now lalo pa't kabababangon lang ng Martinez.
"Oh, natahimik ka ata? Kanina lang ang saya-saya mo, natutuwa kang namromroblema ako sayo. Nag-switch agad ang mood?" Ani Regina. "Hayy, nag-me-menopause ka na nga talaga siguro."
"May mga sinasabi kasi si Alexander sa'kin lately. Pero hindi ko na sasabihin sayo kung ano kasi alam kong mga kalokohan lang naman yun."
"Share It! Sige na, sabihin mo na!" Regina eagerly says with a slam on the table. Nagulat tuloy si Diane at kaya sinabi niya nalang.
"Mahal niya na raw ako."
"What?!"
"Sabi ko sayo diba, kalokohan nga."
"Eh ba't namumula ang pisngi mo?" Si Regina na naman ang nanunukso. "Hala Diane para kang teenager. Pero okay lang, kasi kung tutuksuin mo ako kay René mag-ba-blush din ako."
"Ano ka ba, blush-on talaga yan. Hindi ako namumula! Tigilan mo ako Regina ha. Alam mo namang ayaw ko sa mga ganyang biro."
"Diane, kung hindi man ikaw ang ma-fa-fall kay Alexander, baka si Alexander na ang na-fa-fall sayo. Hala ka! Crush ka pa naman ni bagets noon pa. Tapos ngayong may affair kayo.. Oh god! Tapos ayun, tuluyan na siyang maiinlove sayo. Marami ng ganyan sa teleserye."
Bumuntong hininga si Diane sa kadaldalan ng pinsan niya at saka sinabing, "Sinasabi ko sayo noon pa, bawas-bawasan mo yang panonood mo ng tv, hindi yan nakakatulong. Puro kabitan at agawan lang matutunan mo sa mga teleseryeng pinapalabas d'yan."
"Wow, coming from you." Mahinang sabi ni Regina pero narinig pa rin yun ng pinsan niya kasi tinignan siya ng masama nito. So she decides to be serious.
"Pero seryoso Diane, yang relationship n'yo na with benefits, walang naging successful sa mga ganyan. Ex with benefits, friends with benefits, boss with benifits.. Ang mga taong nagkakaroon ng ganyang relasyon nahuhulog talaga sa isa't isa kalaunan. Kaya ikaw, Diane," sabi pa ni Regina with matching turo sa dibdib ng pinsan niya, referring to the heart. "Ingatan mo yan. Talo talaga ang marupok."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfikceSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...