"Dito ka muna! Tawag ka na ba ng boyfriend mo?"
Napairap ako. Minsan na nga lang ako magkaroon ng kasama sa condo, aalis pa agad. Inaya ko siyang mag-lunch sa unit ko ngayon dahil naiinip na ako. Mag-isa lang ako dito lagi.
"What? No!" Mabilis siyang nag-deny. "By the way, bakit ang clingy mo these days? Ikaw, ah! Hindi pa ako umaalis, miss mo na agad ako?!" Natawa ito sa sariling biro.
Napaiwas ako ng tingin. Clingy na ba 'yon? "Luh, asa ka! Hindi ba puwedeng naiinip lang ako mag-isa? Dami mong learn!"
"Tch, okay lang naman kung umamin ka." Dagdag nito na ikinatawa ko.
"Ako? Miss ka? 'Di ka naman special!" Pang-aasar ko.
Sa totoo lang, hindi ko rin naman talaga siya mami-miss. Araw-araw ba naman kaming magkasama. Pero kung sakali... Siguro mami-miss ko rin siya? Ewan!
Sinamaan ako nito ng tingin. Mukhang mananakmal na aso.
"MAMA!!"
Napatakbo ako ng mabilis nang habulin niya ako ng nakanganga. Sabi ko na mananakmal 'to, e.
"Aray, tama na! MAMA!! May rabies ka, hoy!" Napasigaw na lang ako ng malakas nang mahablot niya ang braso ko at kinagat iyon. Diniinan pa nga!
Paluha na ako nang tumigil siya sa pagkagat sa akin. Bakat na bakat ang ngipin niya sa balat ko. Hayop talaga 'to! Natatawa pa, e!
"Hoy, seryoso, iiyak ka na?" natatawang tanong nito. "Sorry na!" Lumapit ito ulit sa akin at inalalayan akong makatayo dahil natumba kami kanina.
Kumunot ang noo ko dahil kahit nakatayo na ako ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Namula tuloy ang mukha ko!
"Luh, feel na feel 'yong kamay ko, oh! Bitaw nga!" Mabilis kong inagaw ang kamay ko.
Marahan niyang itinulak ang braso ko. "Pangit mo! Feeling mo masarap hawakan 'yang magaspang mong kamay?!"
"Hindi kaya magaspang 'to!" Depensa ko sa sarili saka marahan din siyang itinulak gaya ng ginawa niya sa 'kin kanina.
Hanggang sa nauwi na kami sa tulakan.
Na-out of balance tuloy siya at napahiga sa kama ko. Saktong nahila niya ang braso ko kaya pati ako ay natumba. Natawa na lang kami sa nangyari.
Not until I realized... 'Yong posisyon namin. Mabilis akong umalis sa puwesto ko at umupo na lang sa kama. Umiwas ako ng tingin dahil baka mapansin niyang namumula na ako. Buti na lang, hindi niya napansin dahil tawa siya ng tawa. Ang inosente niya! Paano?!
"Kain tayo, nagugutom na ako."
Tumayo na lang ako dahil nag-aya ito.
Lumipas lang ang mga oras na kasama ko siya. Gabi na nang umuwi siya. Hanggang sa paglipas ng mga araw, ganoon na lang ang naging gawain namin. Kapag hindi lumalabas ang tropa, kami na lang ni Sol ang lalabas. Pero madalas pa rin kami sa condo.
"Caless, pahingi na kasi!" Mukhang gusto pang mag-lumpasay nitong gaga na 'to, oh!
"May pagkain ka naman!" Tinabig ko ang kamay niyang kukuha sana sa pagkain ko.
Break time kasi ngayon at dating gawi kami. May pagkain naman siya pero hindi ko alam kung bakit gusto niya pang humingi sa pagkain ko. Gutom nga ako, e. Gutom! Gutom! Hindi na nga 'to sapat tapos hihingi pa siya? Knorr!
"Patikim lang!"
"Heh!"
Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya at kinagat ako sa braso. Bilang ganti, pinaulanan ko siya ng hampas. Sino ba siya para kagatin ako?!
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
De TodoCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...