Chapter Twenty Five

928 19 1
                                    

Celine Ferrer POV



"Babe gusto ko yun!" turo ni Louise sa isang cocktail dress na naka-display sa isang boutique.

Pinagmasdan ko muna ang dress kung babagay iyon sa kanya."Sige bilhin mo na.Pero pupunta muna ako saglit sa banyo."

Tumango ito at pumasok na sa botique.

Naghanap agad ako ng malapit na rest room dahil ayoko itong mag hintay ng matagal at sa hindi inaasahan ay nakita ko ang isa sa mga kaibigan ni Ate Calli.

Pero lumapit parin ako para masigurong sya nga ito.

"Ate Maggie?" saad ko para mapansin ako nito dahil naka tuon ito sa hawak na cellphone.

Lumingon ito."Celine? Oh my God Celine!"

Niyakap nya ako kaya pinagtitinginan kami ng mga taong  tulad namin ay naka pila rin.

"My gosh!Ang saya ko dahil nakita ulit kita."

"Ang saya ko din po." saad ko at mas lalo ko pang idinikit ang katawan ko dito.

Kumalas ako sa pagkakayakap dahil may kumakalabit sa braso ko.

"Iihi ba kayo Miss?" saad ng babaeng kasing kapal ng kalyo ang make up.

Nginitian ito ni Ate Maggie na naging dahilan para mamula ang pisngi nito."I'm sorry Miss."

"Psh! May taglay din naman palang kalandian." bulong ko.

"Let's go Celine." pukaw ni Ate Maggie kaya ikinawit ko ang kamay ko sa braso nito.

"So how are you? How's Calli?"

"Okay lang naman po kami Ate Maggie. Kayo po kumusta?"

Sumandal ito sa pader kaya tumigil ako sa paglalakad.

"I'm fine, infact kakarating ko lang kanina from Cambodia. Three months lang ako doon pero parang ang bilis mong lumaki. I mean,dalagang dalaga ka ng tingnan." saad nito na hindi nawawala ang ngiti.

Palihim akong ngumiti. "Kayo din po.Mas lalo nga po kayong gumanda ngayon."

Napa-pikit ako ng may ilang hibla ng buhok ang humarang sa mata ko. Pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba ng dumikit ang kamay nito sa pisngi ko para hawiin ang buhok.

Alam kong namumula ang pisngi ko kaya yumuko ako para hindi nito mapansin.

Hinawakan pa nito ang kamay ko at giniya ako palabas ng banyo.

"Hmm may kasama ka ba?"

"O-opo A-ate Maggie."

Kalma self,ano ba yan nabubulol ako.

May dinukot ito sa bulsa kaya tumigil ulit kami sa paglalakad.

"Save your mobile number here." saad nito habang inaabot ang cellphone.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti habang tina-type ko ang number ko.

"Heto na po Ate Maggie.Ahm tsaka, mauuna na po ako.Bye po!"

Tumango lang ito kaya tumakbo agad ako pabalik sa boutique dahil alam kong galit na yon si Louise.

At hindi nga ako nagkamali dahil nakapamewang ito habang naglalakad palapit sa akin.

"Kanina pa kita hinihintay pero ang tagal mong bumalik.Akala ko pa nga nakain kana ng inidoro." hiyaw nito kaya tinakpan ko ang tenga ko.

"Sorry na.Nakita ko kasi si Ate Maggie sa rest room kaya nakipagka kwentuhan pa ako."

Into You ( gxg tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon