BE MY LAST. (PART 2 OF HINDI MO NAMAN TALAGA AKO GUSTO, GINUSTO MO LANG AKO KASI GUSTO KITA)
"Simula ngayon, we're officially done. I'm breaking up with you axcel. Kalimutan na natin ang isa't isa," Agad kong nilisan ang lugar na 'yon.
Pagkatapos kong putulin ang relasyon namin ni Axcel, inayos kong muli ang sarili ko. Hindi ako nagmukmok o umiyak man lang dahil sa nangyare. Aamin ko na nasaktan ako, syempre minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko.
Hindi ko hahayaang makulong 'yung sarili ko dahil sa nangyare. Noong araw din na 'yon, tinapon ko lahat ng mga bagay na binigay niya sa'kin. Pati ang mga munting ala-ala namin ay pinilit kong kalimutan, kahit na mahirap ito para sa'kin ay ginawa ko pa rin syempre kahit saan ako tumingin sa kwarto ko ay ala-ala namin ang nakikita ko.
Pero nanatili pa din akong malakas sa kabila non.
"Sorry miss," paghingi ng paumanhin ng lalakeng nakabangga ko.
Tinulungan niya akong damputin ang mga libro kong nabagsak niya dahil sa pagkakabanga namin sa isa’t isa. Gwapo sana pero tanga tanga.
"Sorry talaga hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi ako e," pagsasalita niya habang may kinukuhang kung anong papel sa bag niya.
Nagulat naman ako ng iabot niya 'to sa'kin. Kinuha ko naman ito at tinignan.
Calling card pala.
"Andiyan 'yung number ko tawagan mo na lang ako kung may masakit sayo or may kailangan ka. Pambawi ko na dahil sa nagawa ko pasensya kana ah," tumango lang ako sa kaniya bilang tugon ko na ayos lang.
Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko ng bigla kong maalala 'yung lalaking nakabungo ko. Agad akong napabangon sa higaan ko at kinuha sa bag ko ang papel na ibinigay niya.
Dr. Kleyiah Max Morgan
09*********Para akong baliw na napangiti na lang ng mabasa ko ang pangalan niya. Gusto ko 'yung pangalan niya, ang ganda. Doctor pala siya, pwede ko kayang ipaggamot ang sugatan kong puso sa kaniya? Napatawa ako sa naisip na kalokohan.
-
Para akong sinaksak ng paulit ulit ng makita ko sila kisha at axcel na magkayap, ngayon... sa mismong harapan ko. Akala ko ay okay na ako, pero hindi pala. Kasalukuyan kasi akong naglalakad lakad dito sa parke ng mapadaan ako sa lugar kung saan tinapos ko ang lahat lahat pati sarili ko noong araw na 'yon ay nais ko na ding tapusin.Tumalikod ako sa kanila at pinunas ang luhang pumatak na hindi ko namalayan.
"Oh, panyo mukhang kailangan mo eh." nagulat ako ng may maglahad ng panyo sa harapan ko. Tsk nakakahiya, tumingala ako dito upang makita ko ang mukha niya. Mas namula pa ako sa hiya ng ang lalaking nakabangga ko ito no'ng isang araw.
'tsk, alex nakakahiya ka'
"Kunin mona, nangangawit na ang kamay ko oh." napatingin ulit ako sa kaniya, nakangiti na ito. Kinuha ko ito sa kamay niya at pinunasan ang luhang natuyo na dahil sa hanging dumampi sa balat ko ilang minuto lang ang nakakalipas.
"Pasensya na, nakakahiya naman sayo at nakita mo pa akong ganito." sambit ko habang nakatingin sa panyong hawak ko ngayon.
"Ah, ayos lang bakit ka ba umiiyak?" pagtatanong nito, bakit ba ang pakelamero niya.
"Ibabalik ko na lang sa'yo ang panyo mo pagkatapos kong labahan." pagiiba ko ng usapan. Aalis na sana ako ng humarang ito sa dadaanan ko. Paepal naman 'to.
"If it's okay for you, pwede bang malaman ko ang pangalan mo? Btw, I'm Kleyiah." nakangiti ito habang sinasambit ang bawat kataga. Tsk, ba't ba biglang uminit dito.
"I-im alex," ba't ako nauutal? Napatango naman siya sa sinabi ko.
Napangiti ako ng maalala ko ang araw na 'yon. Ang sarap balik balikan. Napangiti din ako sa lalaking kumakaway sa'kin. Sinalubong ko ito ng may malawak na ngiti, at kasabay no'n ang mahigpit nitong yakap sa'kin.
"I miss you baby, kumain kana?" Pagtatanong nito ng magbitaw kami sa mahigpit na yakap kanina. Umiling ako dito habang sinasabi na "Hindi pa, nagugutom na nga ako eh," napatawa naman ito dahil sa inasal ko sakaniya.
Ilang taon na ang lumipas madami ng nagbago, masaya na ako sa buhay ko kasama ang lalaking hindi ko inaasahang magiging akin. Nagsimula lang lahat ng mabangga niya ako at ng makita niya akong nagpupunas ng luha sa parke.
Tama si kleyiah nga ang lalaking tinutukoy ko. Siguro kung hindi kami nagkabanggaan noon ay hindi ako makakatakas sa sakit ng nakaraan ko. Tinulungan niya akong makalimot, ginawa niya lahat lahat para sa'kin. Hindi siya mahirap mahalin kaya mabilis din niyang nakuha ang loob ko.
Sa ngayon wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama pa siya ng matagal panghabuhay.
"Ahm, baby?" abala ako sa pagkain ng tawagin niya ako, tinapunan ko naman siya ng tingin.
"Dito ka lang ah, may bibilhin lang ako. 'wag kang aalis ah." sabi nito sa'kin, tumango ako dito. Hinalikan ako nito sa noo ko bago siya umalis sa resto.
Nang sundan ko siya ng tinggin, para akong nanlamig sa nakita. Kita ko mula sa kinauupuan ko ang lahat, nakita ko kung paano siya nasagasaan ng isang bus na parang nawala sa preno. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko.
Napatakip na lang ako ng mukha sa nangyare, hindi panaginip lang 'to. Parang awa niyo na gisingin niyo ako. Ayoko na sa panaginip na 'to.
'Kleyiah Max Morgan, Death on arrival. I'm so sorry miss alex.'