Chapter 1

2 0 0
                                    

Pano ako dumating sa puntong to?
Akala ko pa naman masaya na ang lahat. Akala ko tapos na lahat ng paghihirap pero bakit sa tuwing babanggitin ang nakaraan, hindi parin maalis ang sakit sa kaloob-looban mo.

Kung sino pa pala ang pinakamamahal mo, ang kasama mo sa paghihirap at pinagkakatiwalaan mo. Sya pa pala ang dudurog sayo ng husto. Hindi sa lahat ng oras masaya.

Darating at darating ka parin pala sa puntong pipili ka kung mananatili pa ba o aalis nalang. Mahal mo sila oo pero hindi sapat yun para magpadurog ka ng paulit-ulit sa kanila.

Ano nga ba ang pagmamahal? Sarap sa tenga ng mga salitang " I love you " "aisheteru" " Ti amo" "Ich liebe dich" "Wo ai ni"  lahat ng lengwahe para sabihin ang katagang "mahal kita".

Sa una nakakakilig, sa una puro saya parang arcobaleno kumbaga wala kang iisiping iba kundi siya at siya lang, sa una lagi kayo magkikita, sa una lagi kayong lalabas, sa una magkakahiyaan. Pero minsan hanggang sa umpisa lang talaga ang kasiyahan.

Pero ang pinaka mas masakit non ay ang magmahal ng taong hindi ka naman mahal.

Diba kahit sino masasaktan pag hindi naibalik ang pagmamahal na inalay mo sa taong iyon? Ang mahal iba yan sa crush crush lang ha. Hindi yan mababaw.

Ang crush paghanga lang nagustuhan mo sya dahil gwapo sya, nagustuhan mo sya dahil mabait sya, nagustuhan mo dahil mapungay ang mata o umiigting ang panga mala wattpad ba.

Pero ang pagmamahal? Walang tamang definition jan. Love is blind, minsan hindi mo namamalayan nahuhulog ka nalang bigla sa kanya. Hindi mo alam bakit pag wala sya, sya lagi hinahanap hanap mo. Hindi mo alam bakit sa tuwing may nananakit sa kanya o kapag down na down na sya gusto mo nalang siyang kunin yakapin at ipadama sa kanya ang pagmamahal hindi nila pinadama sa kanya na kahit ikaw na mismo ang mabuos maging maayos lang siya.

Kapag nakahanap siya ng iba ngingiti ka nalang dahil kahit hindi ikaw atleast nahanap nya ang makakapagpasaya sa kanya.

Kaya heto ako magpapakasaya sa kanya hawak hawak ang isang bote ng Gin. Isang tungga para sa kaligayahan nya. Isang tungga para sa taong mahal nya. Isang tungga para sa akin dahil simula ngayon sarili ko na uunahin ko.

"Tama na yan, hindi mo kaylangan sirain sarili mo dahil sa pinagdadaanan mo"

"Wag ka na uminom jan nakakasira yan ng katawan"

"Oo nga tama na yan, tigil mo na paginom mo jan, hindi ka pa naman sanay"

"Huy patigilan nyo yan. Hindi yan sanay, hindi pa yan umiinom ng ganyang hard"

"Uy Gin hahaha pahingi nga isang kalahating bote lang"

"Hoy ano ka ba tigil mo na yan"

Kung ano ano pang mga sinasabi nila sakin, pero ngumiti lang ako sa kanila at tumungga ulit. Isa pa, isa pa, lima pa. Sinusubukan nila akong pigilan pero hindi nila makaya. Kaylangan kong ilabas lahat ngayon.

Iisang tao lang ang makakapagpagaan ng loob ko pero mukhang busy pa sya kaya hayaan na muna natin happy happy lang muna tayo.

"Hoy tigil mo na yan lasing ka na, ngumingiti ka na magisa"

"Ngiting aso amp hahaha huy tama na yan nagmumukha ka ng aso jan"

"Shuta hahaha kamukha mo na aso ko,"

"Yung pusa ko dito natatakot na kakatingin sa cellphone ko hahaha"

Oo asa videocall kami ng mga kaibigan ko dahil magkakalayo kaming lahat, kaya wala kaming ibang paraan kundi magtawagan nalang sa tuwing may problema ang isa, to the rescue agad sila.

"Oh tignan nyo nangiti nanaman hahaha ang creepy nya talaga"

"Kapatid in the power of alak, gumising ka tumayo ka sa kabaong~ i mean tigil mo na yan hahaha pati ako nababaliw na dito"

"Uy namumutla na rin si angel hahaha"

"Mukhang naginuman nanaman ng walang invitation ah mga ugak kayo!"

"Umay sarap pa naman ng mga inumin namin dito oh puro alcohol"

"Mga namumutla na tong tatlo hahaha hayst mga babae talaga, tigil nyo na yan"

"Hoy James! Nambabae ka nanaman! Buset ka!" Sigaw ko sa kanya

"Luh wala akong babae awit. Ayan ka nanaman hahaha"

"Naku pinagpalit mo na kami sa mga babae mo. Kaming andito lagi para sayo, pinagpalit mo pa hayst umay sayo"

"Kaya nga yung mga iba kaya nyang ilibre ng mga ano jan samantalang tayo kahit isa wala" at nagumpisa ng tumulo mga luha ko.

"Halla umiyak pa nga, uy tahan na wag ka na umiyak jan"

"Patigilan nyo na yang tatlo! Mga nababaliw na mga yan, patigilan nyo na bago pa magtawag ng mga demon creature"

Oo ganito kami kagulo tuwing may online inuman, at dahil hindi nga ako sanay sa malalakas na alcohol ako lagi nauunang malalasing sa kanila kaya patawa tawa nalang sila minsan sa mga kung ano anong sinasabi ko.

"Uy may umutot narinig ko yun"

"Baka si Mark un! Hahaha lagi naman yan umuutot eh"

Alas 3 na ng umaga. Hindi ko parin gusto matulog, dahil baka sa panaginip ko siya makita. Lalo na nung nalaman kong may bago na sya.

Habang nagiisip bigla kong natabig ung baso at nahulog ito sa sahig at nabasag.

"Uy may nakabasag sino yun?"

"Oo nga sino na lasing jan taas na ang paa sabay amuyin ang kili kili"

"Amp ginwang aso mga tao dito hahaha"

"Guys parang gusto ko na sumuka diko na kaya HAHAHAHA"

"Geh talon hahahaha"

Buti nalang talaga at may group chat kami ng mga lokong toh at buti nalamg andito din sya

"Truth or dare na ah. Ang di makakasagot isang inom G?"

Nagsitanguhan kaming lahat ng nakangiti. Tas bigla akong tumawa hahaha parang may tama sa ulo ang bugok okay lang yan self

"So Teresa alam nating lahat kung sino talaga gusto mo dito. Ichat mo nga sya" - Jhon

"Alam na hahaha ito ichat mo ha 'kiya pembarya 150 lang sana hahahaha'" - sabi ni Mark

"Mga bugok talaga kayo may girlfriend na yung tao, baka mamaya ako pa maging rason ng pagtatalo nila"

"Sige edi tanungin mo nalang toh" sabay nagchat sya sakin.

"Sabi sakin ng kapatid ko lagyan ko daw ng bitsin yung inumin ko para mas masarap daw. Pero ano epekto?"

"Anong kalokahan nanaman toh? Hahaha sige wait ss ko"

Copy paste nalang ginawa ko at sinend sa kanya. Marami pa kaming ginawang kalokohan gaya neto

"Hoy Luke mag post ka nga sa timeline ni teresa ng I love you hahaha tas mag he-heart react si teresa"

"Easy hahahaha" sabi ng bugok

Maya maya tumunog cellphone ko, ayun na nga ang notif na nagpost sya. At para makaganti naman hahaha

"Oh sige tapos na kami ate ikaw naman i dare you na ichat yung crush mo dati ng "kiya pembarya wala nako pambili ng alak" sabay tawang tawa kaming lahat. Sumibangot naman si ate pero chinat nya parin at nagsend ng ss sa gc

"Oh ayan na ah naku mga kalokohan mo talaga hahaha" sabi ni ate

"Nice nice buti nalang talaga saya ng dare ah hahaha"

Maya maya habang nagkakatuwaan bigla akong nakareceive ng isang chat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 steps to...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon