"Bata bata oiii" sabi ng isang batang lalaki sa batang naka-talikod sa kaniya na ngayon ay may hawak na kwaderno at nagsusulat
"Hoi pansinin mo kaya ako"maktol ng batang lalaki pero katulad ng unang ginawa niyang pagtawag dito ay hindi pa rin siya pinapnasin nito
di sumuko ang bata at kinulbit pa rin ng ilang ulit ang babaeng nasa harap niya ngayon ngunut ganun man kalakas ang determinasyon ng batang lalaki ay di rin naman nagatalo ang kaisipan ng batang babae na dapat ay walang gumambala sa kahit na ano mang ginagawa niya
Sigurado kasi siya na kapag may 'umepal' pa daw sa kaniya ay panigurado namang di niya matatapos ang ginagawa niya kay nanatili lang niyang di pinansin ang batang lalaki at patuloy pa rin sa pagsusulat
"Huy pansiniin mo ako sabi ko" mababatid na ang lungkot sa tono ng pananalita ng batang lalaki pero di pa rin nag-patinag ang babae at pinatuloy pa din ang kaniyang pagsusulat dahil pursigido siyang matapos ito
dahil sa di pagpansin sa kaniya ng kaniyang nais na makilala ay naka-isip naman siya ng kalokohan "Ah ganon di mo ako paansinin hah" sabi niya saka kinuha ang salamin ng batang babae at di naman siya nabigo dahil nilingon na rin siya nito
"Ano bang kailangan mo"inis na tanong nito sa kaniya "uh wala lang gusto lang kitang kilalanin" sabi naman nito sa kaniya at ibinalik na din naman ang salamin niya
"Ako nga pala si Ezekiel call me zeke" sabi niya at inilahad ang kamay sa harapan niya "Nicole" isang sagot lang ang ginawa niya at inabot na yung kamay niya para makipag-shake hands
nagtaka naman siya ng di pa din binibitawan ng batang si zeke ang kamay niya hawak hawak pa rin siya nito at umupo sa kaniyang tabi
"Yung kamay ko hoy" sabi ni Nicole kay Ezekiel habang pilit kinukuha ang kamay niya sa batang si zeke pero di pa din nito binibitawan "saglit lang kasi" sabi ni Zeke at tiningnan ang mag-kaahaak nilang kamay
"Bat para kang matanda mag-salita" sabi ni zeke at tumingin kay Nicole na ngayon ay nangungunot ang nuo "Eh bakit ba matagal na akong ganito tsaka pake mo ba" saagot niya at inirapan pa si Zeke
"Iba talaga pakiramdam ko sayo" sabi ni Zeke "Anong ibig mong sabihin" tugon naman ni Nicole sa kaniya at naguguluhang tumingin kay Zeke na matiim na nakatingin sa kaniya
"Ewan ko parang may nag-sasabi lang sakin na lapitan kita at makipag-kilala swerte mo ikaw lang unang babaeng kinausap ko" sabi nito at ngumiti ng nakakaloko
"Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo , swerte pa ko sa sinabi mong yan? eh ginambala mo nga ang pag-susulat ko tsk" inis na inis na sabi ni Nicole at pilit kinuha ang kamay niyang hawak-hawak ni Zeke "Ang init naman ng ulo mo" sabi ni Zeke at hinalikan ang likod ng palad ni Nicole kaya natigil siya sa pagpiglas namumulang tumingin sa kaniya
"B-Bakit mo ginawa yun" sabi niya "eh wala ang init kasi ng ulo mo eh hayaan mo na akong hawakan ang kamay mo di ko alam eh pero sa palagay ko ay kailangan ko gawin ito" sabi niya at lalo pang hinigpitan ang pagkaka-hawak sa kamay ni Nicole
"Tignan mo yun oh" sabi niya at tinuro ang araw na papalubog. Nasa isa kasi silang parke malapit lamang ito sa dagat kaya naman kitang kita kung gaano kaganda ang paglubog ng dagat. Tahimik lang silang tumingin at pinanuod ito ng mag-kahawak pa din ang mga kamay hanggang sa tuluyan ng naka-lubog ang araw
"Nicole makikita pa kita dito bukas diba?" biglang tanong ni Zeke at tumingin kay Nicole "Oo babalik pa.."sagot ni Nicole habang nakatangin pa din sa dagat
Kakatuwa mang isipin sa mga batang edad nila kung panunuorin ay tila mga matatanda sa loob ng isang bata at isang magkasintahan na magka-hawak ang kamay
kung iisipin dapat ay kanina pa umalis si Nicole dahil sa bigla na lang nitong pag-hawak sa kaay niya ngunit di niya alam ang kaniyang nararamdaman ay para bang may nag-sasabing napaka-tgal na niyang hinahanap ang init ng mga palad na iyon kahit na ngayon a lang niya nakita si Zeke ay di niya alam kung bakit magaan ang loob niya dito at pinababayaan lang niyang hawakan nito ang kamay niya
Ramdam na ramdam niya ang seguridad sa presensya nito ngunit ayaw niya na lang itong pansinin
Napatingin naman siya kay Zeke napaka amo ng mukha nito, malamlam lang ang tsokolate niyang mga mata at ngayon lamang niya napansin na may biloy pala ito sa kaniyang pisngi, mahahaba din ang pilik-mata nito at ang kilay ay napakaperpkto ng hugis, at panghuli ang kaniyang buhok na sumasabay sa ihip ng hangin na kulay itim at tila napakalambot kung ito ay mahahawakan. Nakaramdam naman ng hiya si Nicole ng maisip niya kung ano ang kaniyang ginagawa at muling ibinalik ang tingin sa dagat
Habang nilulunod niya sa panenermon ang kaning sarili ay di niya naman napansin na nakatitig na sa kaniya si Zeke
Tinitignan nito ang bawat parte ng mukha niya ang mata niyang kulay dark brown at ang kabila naman ay matingkad na asul dahil sa sakit niya , ang pilikmata niyang napakahaba, ang ilong niyang saktong lamang ang tangos at ang mala-rosas na kulay niyang labi matapos niyang titigan si Nicole ay ibinalik niya din sa dagat ang kaniyang tingin para sa kaniya napaka-pamilyar ni Nicole ngunit di niya alam kung kailan o saan ba sila nagkita dahil ang ala niya ay ngayon niya lamang ito nakita pero napaka-pamilyar pa di nito..
Tahimik lang sila dinadama ang malamig na hangin na humahampas sa kanilang balat pumikit silang dalawa at sa hindi malamag dahilan ay may mga pangalan na hindi naman nila kilala ngunit nabanggit na lamang nila
"Amihan"
"Ybrahim"
.
.
.
.
.
.
.
.
Yo bago toh ewan basta may naisip
YOU ARE READING
Let's Write Us
FanfictionMaari bang talaga? Na ang dalawang manunulat? Ang magsulat ng tadhana? At istorya nilang dalawa? . . . . Kyru fanfic uleeee