Dahil sa armchair!

124 7 1
                                    

Hayyyyyyssssssss....

As usual boring na naman ng chemistry.

Actually hindi naman talaga sa boring, gwapo nga yung teacher namin eh . Kakagraduate lang at fresh na fresh!! haha ECHOS

Ako na manyak!

Well, as i was saying, hindi naman talaga boring, It's just that wala lang talaga akong maintindihan...

At dahil isa akong mabait na estudyante, may pumasok na bright idea sa isip ko.XD

Magva- vandalize na lang ako!! Muahahahaha

kinuha ko ang mahiwagan ballpen ko sa at nagsimulang mag sulat sa armchair ko. 

"Ang BORING ng CHEM. Wala akong matutuhan" sulat at nagdrawing din ako ng isang Angry cute face.XD

"Ms. Hannielyn Guerrero, hindi ka na naman ba nakikinig?" sabi ng gwapo kong teacher.

Napatayo na lang ako sa gulat. Ikaw ba naman tawagin sa full name mo habang lumilipad ang isip mo, tignan lang natin kung hindi ka mapatayo sa gulat.

"Nalu sir, sa maniwala man kayo o hindi. Nakikinig po talaga ako." pagpapalusot ko w/ matching nangungumbinsing facial expression pa.

"Oh really, then will you please answer my question?" sabi ng teacher ko sabay smirk. naku pasalamat ka at gwapo kung hindi pinatulan na kita!

Teka, question? Anak na nanay mo oh. Ni hindi ko nga alam na nagtanong siya eh. Isip. Isip. Isip. Alam ko na!

"Di po sabi ko nakikinig ako, pero hindi po ibig sabihin na naintindihan ko na^_^"  sabi sabay smiling face. Wow ang honest ko talaga^-^V

"Take your seat. I want to talk to you after class in my office understood?" nag-nod na lang ako at umupo. Niyuko ko na lang ang mukha ko sa sobrang hiya. Pati kasi yung crush pinagtatawanan na ko:(

Muli akong nabalik sa katinuan dahil sa nakita ko.

Yung sinulat ko, may response!

Pero sino kaya ang gagawa nun. Tumingin ako sa paligid pero mukhang wala namang lumapit sa upuan ko.

Tinignan ko ulit ang nakasulat na "Oo nga eh. Sakit sa ulo!" tapos may drawing pa ng cartoon na nakapeace sign. Ang kyut!

Nag sulat ulit ako.

"Sino ka multo ka ba?" -ako

"Ako Paul at hindi ako multo. Baka nga ikaw yung multo eh. Bigla na lang kasi lumabas yung sulat sa armchair ko." -Paul

"Huh? Nagsulat lang naman ako sa armchair ko tapos bigla na lang lumitaw yung respose mo." -ako

"Hmmm...pano ko ba mapapatunayan na hindi ako multo?" -Paul

"Alam ko na. Tatanungin kita. Anong meron sa tabi ng blackboard namin?"-ako

Hehe ang wierd naman ng tanong ko pano niya malalaman eh wala naman siya dito. Malay mo nagteteleport lang yung sulat niya.

"Marka ng suntok." -Paul

Napatayo na lang ako sa gulat. Tinignan ko ang mga nasa paligid ko. Sigurado na ako kaklase ko ang kasulatan ko.

"May problema ba Hannielyn?" sabi ng teacher ko habang nakacross arms.

"Sorry po." tapos umupo na ulit ako. Wierd kasi wala namang nagsusulat. Lahat sila nakatingin lang kay sir.

Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagsusulat.

"Pano mo nalaman? Anong bang section mo?" -ako

"Ako kaya gumawa niyan kani-kanina lang. By the way, 3rd year na ko section B." -Paul

Classmate ko pala siya pero wala naman akong classmate na Paul ang pangalan ah. At anong siya yung gumawa eh history na nga yan eh. Balita ko 5 years na yang nandito.

" Ako din eh. Sino ka ba talaga? wala naman kasi akong kaklaseng Paul eh. At ano yung sinasabi no na kakagawa mo lang nung marka na yun eh matagal na kaya yun." -ako

"Ang kulit mo. Lahat ng sinasabi ko totoo. Ako nga ang gumawa nun at ako nga si Paul. Eh ikaw, ano bang pangalan mo?" -Paul

"Hannie" -ako

By the way, Hannie is short for Hannielyn. Haba kasi eh at para maiba naman. Lahat kasi tawag sakin full name eh.

"Ang tamis naman nun:) BTW wala din akong classmate na Hannie." -Paul

"Ay ewan. Bahala na." - ako

At iyon na nga ang nagsimula ng pagsusulatan namin ni Paul. Naging karamay ko siya sa twing problema ako at naging kasama ko rin siya sa  tawanan. Naging palagay na ang loob ko sa kanya. Wierd nga kasi magaan ang loob ko kahit hindi ko pa siya nakikita.

End of the school year na. Nalulungkot talaga ako dahil mawawala na ang communication namin ni Paul. Next year kasi sa ibang room na ako at dahil dun mapapalayo na rin ako sa armchair na lagi kong sinusulatan, ang nag-iisang communication namin ni Paul.

"Bye Paul mamimiss kita." -ako

"Ako din:(" -siya

Papaiyak na ako dahil sa sobrang lungkot ng biglang umepal ang teacher kong gwapo.

"I NEED YOU IN FACULTY, HANNIELYN. NOW!" 

Oh my gulay. Ano na naman ba 'tong napasok ko.

Sumunod ako kay Sir Evans papunta sa faculty. Ang chemistry teacher ko nga palang ito ay Guidance councilor din namin. 

 "Sit down." sabi sakin ni Sir Evans. Napalunok na lang ako at umupo.

"Alam mo na naman ba ang nagawa mo?" mahinahon na sabi ni Sir Evans habang tinatanggal ang eyeglass niya na lalong nagpagwpo sa kanyaXD

Umiling ako bilang tugon.

"Nakita naming puno ng sulat ang armchair mo. That is vandalizing and vandalizing is against tha school rules."

"I can explain....you see there is a guy na lagi kong kasulatan sa armchair. Whenever I write something there, nagsusulat din siya. It sound crazy but it's true. I swear sabi pa nga niya, siya daw yung gumawa ng punch mark sa tabi ng blackboard eh." sabi ko. Nakita ko na lang na bumuntong hininga si sir. And for me it means "I'm sorry."

Yumuko na lang ako at tumayo. Paalis na sana ako ng may biglang humawak sa wrist ko at pagtingin ko, sino pa ba edi si Sir Evans. 

"San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." sabi niya.

"Eh hindi ka naman na niniwala eh." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang biglaang pagyakap niya sa akin. 

"At sino namang nagsabi niyan?" naramdaman kong huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Of course I believe you, Hannie" 

Naramdaman ko na lang tumulo ang luha ko. 

Sa wakas nahanap ko na ang nag-iisang taong tumatawag sakin ng "Hannie", si Paul.

"Ang tagal na kitang hinahanap, Hannie" muli sabi ni Sir Evans este Paul

A/N:

Para po sa mga hindi nakaintindi....

Yung armchair po ay may majical power kaya po napagconnect niya ang young Paul or yung past ni Paul kay Hannie na nasa present. Kaya totoo yung sinabi ni Paul na siya yung sumuntok sa paderna nasa gilid ng blackboard which is nangyari 5 years ago sa time ni Hannie. 

Basta yun na yun paki intindi na lang

Dahil sa armchair!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon