ALLY TOWN

6 0 0
                                    

CHAPTER 1      

Lumipas ang ilang minuto huminto ang train na aking sinasakyan.Napatingin ako sa labas ng bintana at nagtaka ng makita ang masukal at nagtataasang mga damo sa gilid ng riles.

Nasiraan ba kami?

Hinintay ko na muling umandar ang train. Maya maya'y nakarinig ako ng katok mula sa labas ng compartment ng train kung saan ako nakapwesto. Bumukas Ito at sumilip ang conductor.

"Miss, nandito na tayo" anito.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Wait, what!?

Muli akong sumilip sa labas ng bintana. Kakahuyan at mga damo ang bumungad sakin.

This can't be. Ito na ba Yun? Ang bayan ng Ally town.

Tumikhim ang conductor para ipaalam na siya ay naghihintay. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa labas at sa conductor ngunit wala rin nagawa kundi ang bumaba mula sa train. Halos balutan ng alikabok ang aking sapatos ng tumapak sa kahoy na sahig. Napailing na lamang ako. The wooden floor creaked with my weight.

"This can't be happening,baka..baka may mali lang ,hindi  pwedeng ito ang Ally town "kunot noong sabi ko habang palinga linga sa paligid. Agad kong kinuha sa bulsa ng suot na pantalon ang isang maliit na papel. Dito ko isinulat iyong  binigay ni tita Odette na address noong nakausap ko siya sa telepono "There's nothing here,not even a proper train station."kunot noong sabi ko habang tinitignan ang papel.

Nilibot ko ang tingin sa abandunadong platform.

Station 06: Ally Town

No!

Napaatras ako. Nandito nga ako. Hindi ako makapaniwalang  Ito nga...ito ang bayan ng Ally Town. This is far from what I expected. I don't know that Ally Town is located in the middle of nowhere.

Halos mapasigaw ako sa gulat nang isang busina ng sasakyan ang aking narinig. Luminga ako sa pinanggalingan ng busina at nang makita ko Ito ay agad kong kinuha ang maleta ko at halos takbuhin ko ang distansya papunta  sa daan. Natakot ako, baka bigla akong lampasan ng sasakyan. Malaking pasasalamat ko noong huminto ito.

Nang makalapit ako'y bumukas ang pintuan ng sasakyan,iniluwa nito ang isang may edad na matandang lalaki. Mukha siyang mabait ngunit hindi muna ko nagsalita at tumitig lamang ako sa kaniya.

"Gray Montefalco"

Huh! Ano raw? Montefalco?

Kumunot ang aking noo dahil sa itinawag niyang pangalan sa akin ngunit agad din nalinawan ng maalala ang ibinilin ni tita Odette na iibahin ang aking  apelyido,ngunit di ko  alam na Montefalco pala iyon.

"A-ahh opo! ako po yun"agad na sagot ko at ngumiti.

"Ako si Barron Crisostomo,narito ako upang sunduin ka binibini"anito ng hindi man lang ngumingiti at deretso lamang ang tingin sa akin "sakay na Ms. Montefalco" dagdag nito.

Hindi agad ako gumalaw. Hindi ko maiwasang mangamba  lalo't ngayon ko lamang siya nakita.

"T-teka lang ho m-manong, s-sino pong nagsabi sa inyo na susunduin niyo  a-ako?" Utal utal na tanong ko.

"Ang ministro na kasalukuyang namamahala sa Academia ang nag utos sa akin na sunduin ka sa station na ito." Anito

"Ministro?" Kunot noong tanong kong muli.

Tumango Ito bilang sagot.

"T-teka ho! bakit naman po ako p-pinapasundo ng m-ministro?"

" Isa ka sa studyanteng ibinilin ng mga magulang niyo sa kaniya na papapasukin at gagabayan habang kayo'y nag aaral" seryosong salaysay nito.

Moon Warriors: Salvatore                                                    Where stories live. Discover now