>Erick's POV<
Ang tanga ko! Ba't ba kasi ako pumayag! TSK! Ngayon lamig na lamig na ako! Wala pa kaming 5 minutes dito ah! Yakap na yakap ko na ang sarili ko, at nakasandal lang ako sa isang pader na pinakamalayo sa aircon nilang napalakas! Pero wala rin eh, ang lamig nung pader, may yelo sa kinatatayuan ko, tapos kahit may jacket ako, hindi pa rin ako makaramdam ng init! Ginagalit ko sarili ko, baka sakali gumana ang init ng ulo ko para hindi ako maabutan ng lamig. Pero hindi talaga, ang lamig masyado.
Hindi ko pinapakita sa kanila yun, baka masira ang araw nila dahil sa akin. Bawal na mag-back out ngayon.. Paminsan-minsan nahuhuli kong tumitingin sa akin si Andrea, trinatry ko ang best ko para mag act natural, nakatingin lang sa baba habang yakap ang sarili, sinusubukan kong pigilan sandali ang panginginig ko at hihintayin na lamang tumingin ulit siya sa iba. Ngayon naglalaro silang tatlo sa yelo, nagbabatuhan at sinisipa ang yelo para lang may tumamang malamig na bagay sa mukha nila. Nakakagaan ng pakiramdam na nakikitang nakangiti sila, pero bibigat rin pagkatapos akong abutin ng lamig. Feel ko maninigas na ang buong katawan ko, pero kailangan maging malakas, I mean, gaano ba katagal ang isang batch? Siguro 15 - 30 minutes lang di ba. Kakayanin ko yan.
Sana-
>Denny's POV<
Jingle bells Jingle bells Jingle all the way! ^__^ WOOHOO! Ang saya dito!! parang nasa north pole ako! Wahahaha! It's super lamig! Ang saya pa magbatuhan ng yelo, yung feeling na may dinukot ka sa freezer XD. Sa loob ng snow world merong Ice Figurines! Meron ding malaking slide! Tapos meron ding maliit na bahay. WAAAH! Ancute naman dito.
Pero si Andrea parang di mapakali. Lagi siyang lumilingon sa kuya niya at parang inoobserbahan ito ng mabuti, halos nakakatakot na nga ang mata eh, Si Erick naman nandoon sa isang gilid, nakatayo lang, at nakayakap sa sarli.. Ba't parang hindi siya makapag-enjoy, may problema ba?
TT^TT Siguro nahihiya lang siya kay Aly, iba talaga kung malapit ka dun sa taong maha-
"DENNY! ILAG!" napalingon ako sa direksyon ni Aly, at may nakita akong snow ball na papunta..... SA AKIN?!
*PACK!*
"Aray!!" sigaw ko nung bulls eye sa face ko. "Ang sakit nun Aly! >3<"
"Hehehe ^___^ Sorry, ba't parang ang lalim ng iniisip mo? Share naman diyan." Sabi niya habang sinusundot ang tagiliran ko. Omygosh! Halata pala ako? Umiwas na lang ako sa tingin niya at tumakbo pa tungo dun sa hall na may Ice Statues.
BINABASA MO ANG
HYSTG meets HYSTB (fanfiction) [Completed]
Hayran KurguSi HaveYouSeenThisGirl, o mas kinikilalang Ate Denny, ay isang magaling na writer sa kasaysayan ng Wattpad, kahit present times. Kilala siya sa mga stories niya na nagpa-iyak, nagpatawa, nagpalakas, nagpalambot at kung anu-ano pa ang ginawa sa puso...