Chapter 27 - Ilocos Sur

64 4 0
                                    

"HAAAAAYYY !"

Hindi ko alam kong pang ilang buntong hininga ko na ito.Super nakakastress kasi itong araw na ito.

Hindi ko pa masyadong nakakausap si Danica dahil talagang iniiwasan ko siya.Hindi ako umuwi sa bahay namin kagabi at kay Lei ako nakitulog.

Hindi naman habang buhay na iiwasan ko nalang si Danica.Hindi ko pa talaga siya kayang harapin.Arrgghh!Anong gagawin ko?anong iaasta ko sa kanya? Siguradong magkikita na kami mamaya dahil uuwi na ako sa bahay.

"Krystel tapos na.Gusto mong panuorin?"

Hay buhay ko nga naman,wala na ata akong karapatang lumigaya.Buset kasing love na yan.

Sigurado pag nagaminan yung dalawa maghihiwalay din sila dahil WALANG FOREVER! Bitter ako eh !

At kapag nangyari yon aagawin ko na agad si Zowin.Tama yon nalang ang gagawin ko.

"HOY !"

Tiningnan ko ng masama si CM.Pitikin ba naman yong ilong ko.Mamaya mapango pa to.

"You're physically present but mentally absent.Sabi ko tapos na yung music video natin"

Wow di ko man lang namalayan na tapos na palang iedit yon ni CM.Ah oo nga pala,about kay CM at Ralp okay na sila.Bati na silang dalawa kaya tinuruan ko na ring tumogtog si Zowin.Well,alam na niyang tumogtog ng guitar.Hindi naman siya ganoon kahirap turuan.Tapos na din kami sa pag fifilm ,kahit sobrang awkward para sa akin na makitungo kay Zowin,tiniis ko para matapos na agad yong project namin.

"Oo nga pala,tapos ka na bang mag ayos ng mga gamit mo?"

napakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

"Don't tell me nakalimutan mo na iyong sinabi ni Zowin?"

Napaisip naman ako saglit,ah oo nga pala ngayong week na ito ang punta namin sa Ilocos Sur.

"Bukas nalang,huwebes pa lang naman.Sa biyernes ng hapon pa naman ang biyahe natin"

"Hindi mo ba narinig yung announcement?"

napakunot yung noo kong tumingin sa kanya.

"Wala kayang pasok bukas kaya malaya tayong makapagbiyahe mamayang gabi"

"Ha?mamayang gabi na?Hay bakit hindi man lang ako nainform?"

Tsk ! ganon ba kalutang ang isip ko?

"Iniinform na nga diba?"

BLLAAAAAAGGGGG

Pareho kaming napatayo sa gulat si CM.Bigla ba namang may bumalibag sa CR?Nasa library kasi kami,wala namang tao dito kundi kami lang ni CM at yung libririan.Napatakbo kami papunta doon.Pati na rin yung librarian nakitakbo.

O_O

Halos mabinat na yung mata ko sa sobrang paglaki nito.Kulang na nga lang ay lumuwa yong eyeballs ko.Napatapik tapik pa nga ako sa pisngi ko pero totoo talaga yung nakikita ko.Si CM naman halos hindi na maipinta yung mukha.Tapos yung librarian kulang nalang magsilabasan na yung mga sungay at umusok ang ilong.

I can't believe this.Mukhang nag lelevel up na si Lowigie.Mukhang tama yung ginawa ko para sa kanila.

"YOU TWO,WHAT ARE YOU DOING ?"

Tsaka lang tumigil si Lowie at Kitty sa paghahalikan ng sumigaw na yung librarian.Sino ba naman ang matinong staff dito sa school na hindi magagalit kong makakakita ng dalawang tao na naghahalikan sa loob ng CR at ang laswa pa ng Puwesto?

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon