Chapter 8

211 12 37
                                    

"Sige sige, bye." Nagpapaalam si Nikolai sa mga sumasalubong sa amin na mga kasama niyang player ng TKD. Nang sa wakas ay nakalabas na kami roon pagkatapos ng maraming batian, marami naman ang nakakilala sa akin.

Though unlike Nikolai, I did not greet them back. Hindi ko binabati kailanman ang mga bumabati sa akin. "Hindi mo sila papansinin?" tanong niya.

"I do not know them."

"Pero kilala ka nila..." aniya sa mahinang boses.

"That's not my problem." Narinig kong bumuntong hininga siya sa naging sagot ko pero wala naman siyang ibang sinabi. Papunta ako sa direksyon ng parking lot kung saan naghihintay si Mang Lucio nang tumigil si Nikolai.

"Bakit? Tara na."

"Maglakad na lang tayo."

Kumunot ang noo ko. "Ang layo!" reklamo ko. Hindi ko na sinabi na ayaw ko lang talagang maglakad. Ayaw kong mapagod.

Walang imik na kinuha ni Nikolai ang palapulsuhan ko at hinila ako sa likod ng isang building.

"What are we doing here?" Umalingawngaw pa ang boses ko dahil sa sobrang tahimik. Napalilibutan ng nagtataasan na bamboo at puro mga bisikleta ang nakaparada dito. Hindi pa ako nakapunta sa parteng ito ng school.

Nikolai removed the lock of one of the bicycles. "Is that yours?"

"Syempre. Hindi naman ako magnanakaw."

Humalukipkip ako habang pinanonood siyang alisin iyon sa isa sa mga mount. Habang nakatalikod siya ay kinuha ko ang pagkakataon na iyon para i-text si Kuya Gael na pauwiin na muna si Mang Lucio. Kuya Gav will ask too many questions if I text him.

Lumingon na sa akin si Nikolai kaya mabilis kong itinago ang phone ko.

"Sasakay tayo diyan?" namamag-asa kong tanong. Hindi ko pa naranasan makasakay sa bike! Ayaw kasi nina Mommy na matuto ako dahil masusugatan lang raw ako at baka magkaroon ng peklat sa balat.

"Wala ka pang pwedeng upuan dito, maglalakad nga tayo..."

Ngumuso ako. "I want to experience it. Lalo na 'yung nakasakay sa likod."

Tiningnan niya ako nang matagal, naghintay ako ng sasabihin niya pero wala naman siyang sinabi.

One thing I've noticed from him is that he's a lot more quiet now than he was when we were kids. Maybe because he's going through puberty, slowly maturing.

Masiyahin pa rin naman siya ngayon at palakaibigan. Hindi lang siguro ako sanay na hindi na siya 'yung Nikolai noon na puro laro.

Nagsimula na kaming maglakad, akay niya ang bisikleta sa tabi. The wind is strong tonight and every gush of it fills my ears, along with the sound of the bicycle's wheels.

"Nasubukan mo na ba doon sa Totobits?" he asked out of the blue. Oo nga, hindi ko alam kung saan niya ako dinadala. Basta lang na sumasabay ang paa ko sa lakad niya. I even unconsciously match our steps.

Totobits? "What's that?"

Natawa naman siya sa tanong ko. He even covered his mouth with his fist but I can clearly see his smile. It reaches his eyes.

Sa ganitong kadilim ay halos hindi ko maaninag ang kulay ng mata niya kung hindi lamang dahil sa mga poste na nadadaanan namin.

My hair dances with the night wind as I watch him walk right next to me. Siya ang nasa tabi ng kalsada at nasa kabila niya ang bisikleta niya. He glanced at me from the side of his eyes.

Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon