Ang Huling Ikaw

34 4 4
                                    

"Hopefully, someday we will still be, as we were before."

Bata pa lang si Alyzza ay tinutukso na ito ng kanyang mga nakatatandang kapatid dahil umano sa special treatment nito kay Ivan, ang kanyang kababata.

Sa kabila ng panunukso ng kanyang mga kapatid ay naramdaman din nito ang malafairytale na love story sa murang edad na katorse anyos, hanggang sa nag migrate ang kanilang pamilya sa US ay hindi na nito malilimutan ang mga matatamis na ngiti at maamong mukha ni Ivan. 

Tulad ni Jack na para kay Rose at ni Romeo na para kay Juliet, So para sa Kanya ba si Ivan? Every girl dreams a perfect man. 

What if, the man she dreamed of to be her Jack and Romeo would be seeing her as the young Alyzza rather than being a woman like the beautiful Cinderella. 

CHAPTER I


Napamulat si Alyzza ng marinig ang boses ng Kapitan hudyat ito na malapit ng lumapag ang eroplanong kanyang sinasakyan.

Sa wakas, after 13 years I'm back Philippines. I am back for you and I really missed you. How are you now? Ivan… 

Labing tatlong taon na rin ang lumipas at bente singko anyos na ito. Parang kailan lang, ngayo'y isa na itong sikat na designer at nauna itong umuwi upang maghanap ng magandang kakapwestuhan para sa kanyang itatayong boutique. Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na rin ito sa kanilang bahay. Bumungad sa kanya ang isang matandang babae at makikita mo sa mga mata nito ang halong galak at tuwa. 

"Anak!" paunang wika ni Aling Nelia ang tagapangalaga ng kanilang bahay. Si Aling Nelia rin ang naging Yaya nito noong Bata pa lamang siya. 

"I miss you so much Nay!" niyakap niya ito sabay hinagkan sa noo. 

"o sya sige na, magpahinga ka muna. Tatawagin na lang kita mamaya pagkatapos kong magluto" tugon nito sa kanya. Dumeretso na siya sa kanyang kwarto, pagpasok pa lang niya ay naaamoy na nito ang napakabangong paligid. Dumampa ito kaagad sa kanyang malambot kama at napapikit, biglang sumapi sa kanyang isipan si Ivan. Simula noong pag-alis nila ay wala na itong kontak Kay Ivan, maski sa social media ay hindi niya ito mahanap-hanap. 

"Thirteen years Ivan, it's been thirteen years hindi ko pa rin makakalimutan ang napakatamis mong ngiti at malambing mong boses" 

Naglalakad si Alyzza papuntang Park sa labas ng kanilang subdivision upang maghanap ng street foods, namimiss na niya ito pati na rin ang pagsakay sa jeep. Kahit mayaman sila ay hindi naman ito mayaman kung umasta at kahit successful na ito ay wala pa ring nagbabago sa kanyang pag-uugali kung ano siya dati ay ganun pa rin ito hanggang ngayon. Kaya lang kahit ganun siya ay wala itong masyadong kaibigan dahil na rin siguro sa nakatira sila sa subdivision at hindi siya madaling makalabas dati sapagkat bata pa ito.

Sa kanyang paglalakad may nakita itong nagtitinda ng siomai kaya't napangiti ito. 

"Magandang hapon po manong, isang order nga po ng Japanese, beef at isang chicken at isang order na rin po ng black gulaman. Salamat po"  hindi nito mapigilan ang pagkicrave ng siomai kaya't ganun na lang kung maka-order pumasok sa isipan niya ang dating mga alaala nila ni Ivan, siomai ang dahilan kaya't nagkakilala sila. Pagkatapos niyang makuha ang kanyang inorder ay umupo ito sa bench. Napatingin siya sa paligid at napansin nitong siya lang ang walang kasamang kumain, karamihan sa mga nandoon kung hindi magpamilya ay magjowa. NapapaSana All na lang ito at napabuntong hininga. 

"Uhmm. Excuse me Miss, pwede magpapicture" biglang approach ng lalaki sa kanya. Napatingin siya rito, nakasmile ito sa kanya pati na rin ang babaeng kasama nito. Napangiti na lang siya. 

"Sure, No problem" napansin niya agad ang singsing sa kamay ng babae habang nakipagholding hands ito sa kamay ng lalaki. Pagkatapos nitong kunan ng picture ang dalawa ay binigay na nito ang camera. 

"Congratulations sa inyo" wika niya sa mga ito. 

"Thank you" sagot ng babae sa kanya. 

"I'm Elaine and this is Lucas" pakilala nito sa kanya. 

"Alyzza" pakilala niya sa mga ito. 

"Alyzza pwede Maki set-in? Napapagod na rin kasi kaming maglakad-lakad" tanong ni Elaine sa kanya. 

"Sure, wala rin naman akong kasama" pagsasang-ayon niya rito. Napatitig siya sa fiancé nito napakatahimik lang. Sa isipan niya, mas okay kung may makasama basta hindi lang magjowa. Naiilang siya sa mga ito kaya't pagkatapos nitong kumain ay nagpaalam na siya sa mga ito, ayaw niyang maging third wheel sa mag fiancé at hindi niya maalintana ang kasweetan ng dalawa para bang pinapahiwatig nito na bente singko anyos kana Alyzza maghanap ka na ng lalaking magpapasaya sa'yo habang maaga pa. 

Pagkauwi niya sa bahay nila ay dumeretso agad ito sa banyo at naligo, napaisip siya sa mag fiancé kanina, naaninag niya ang maamong mukha ni Ivan sa mga ngiti ng lalaki.

Haysss, get back to your senses Alyzza. Napakalabo mong mag-isip, asahan mo na ang Ivan noon ay iba na sa Ivan ngayon, baka nga kasal na at merong isang dosenang anak. 

Hindi mapigilan ng kanyang isipan na kontrahin ang kanyang paniniwala at nararamdaman. 

Nakaraan na iyon at bata pa kayo, masasaktan ka lang kung manatili kang umaasa. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya't nagmamadali itong tinapos ang pagligo. 


……(Chapter 2 soon)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Huling IkawWhere stories live. Discover now