Suspicious Love
—"How can you define love?" I smiled at him. "You." Tumaas ang kilay niya at kinunotan ako ng noo.
"Really,"
"Really." I hold his hand while looking at it.
"Ikaw?"
He sighed. "I... don't know." Pinigilan ko ang pagtawa. Ang tanda niya na, hindi niya pa rin alam? Eto talaga oh!
"How old are you again, Dawnstriesse?" Inilalayan ko si Nanay Lot sa pag-upo. Galing kami sa park, ipinasyal ko lang siya at para makapagkwentuhan na rin. Matagal na din ang huli naming pagkikita at miss na miss ko na siya!
"Nanay naman, 'wag niyo na po akong tawagin sa buong pangalan. Natatakot po ako sa inyo eh!" Pabiro kong saad. Humalakhak si Nanay at pabiro akong hinampas sa braso.
"19 na po pala ako, Nanay."
I smiled sweetly at her.
"I heard you already have a boyfriend? Is it true?"
Nakarating na pala sa kaniya ang balita. Halos isang araw ay kumalat na iyon sa buong subdivision. Kaya nahihiya na tuloy akong lumabas.
I slowly nodded. Lumunok ako at namula. "Mayaman ba? Magkaedad kayo? 'Wag kang papatol sa mas matanda sa'yo, ha? Ayokong magaya ka sa ate mo."
Nanatili akong tahimik. Napatingin sa akin si Nanay. Nagbago bigla ang kanyang awra.
"Kailan pa?'
Hindi ako makasagot sa sobrang kaba. "N-nay...uhm—"
She sighed. "Okay. But promise me, you chosed the right guy."
I held her hand. "Opo, Nanay. Wala na akong...iba pang hahanapin. I'm already assured po that he's my endgame." I bit my lips.
"Mahal mo?"
"Opo,"
"Mahal ka ba?"
I startled. My eyes widen. I don't know how to say and how to react. Dahil kahit ako... hindi ko alam.
"Hey, 'wag kang masyadong matakot sa 'kin. Hindi lang tayo nagkita ng ilang buwan!" Tumawa si Nanay.
Tumawa din ako kahit na pilit lamang. I hugged her.
"Hindi ako pwede. Marami akong aasikasuhin,"
"Kahit saglit lang? Miss na miss na kasi kita." I pouted. He sighed. "I'm sorry."
I closed my eyes. Eto na naman. "Okay.. I'm sorry for disturbing you." Huminga ako ng malalim at lumabas sa kanyang office.
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Ree.
"Oi, mate! Ano ganap?"
"Ree—" Malapit nang tumulo ang sipon ko kaya suminghap ako.
"Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"
"Ree. Kapag totoo bang love yung nararamdaman ng isa, paano niya 'yon malalaman?"
Kunot-noo kong tanong. Kung kailangan kong magresearch, gagawin ko!
"Nag-away ba kayo?"
"Hindi naman.."
"*sighs* Dumiretso ka dito sa condo. Pag-usapan natin 'yan."
"Kailan tayo magpapakasal?" Nakangiti kong tanong sa kaniya habang nakatingin sa kawalan. Bigla lang iyong pumasok sa isip ko.
"Dawn, you're still young."
I arched my brows. "So?" I looked at him. "Sa mga nabasa kong articles, kapag totoo mo daw na mahal yung isang tao, nasa isip mo na agad na pakasalan siya at makasama habang buhay." Mahina kong saad.
"Ikaw? Naisip mo na din ba 'yon?"
Umiwas siya ng tingin. "No.. Masyado akong busy sa trabaho para idagdag pa 'yan sa isipan ko. Moreover, seryosong bagay 'yan at hindi basta-basta."
"So?"
"So?" Galit niyang balik sa 'kin. Napahagikhik ako. "Ang bilis mong mainis ngayon. Ang bilis mo din tuloy tumanda, hindi kita mahabol!"
Biro ko sa kaniya.
"Tsss."
"Be honest, love. May itatanong ulit ako."
Nilingon niya ako ng nagtataka. "What is it again?"
"Do you love me?"
I asked. "Yes,"
"But I thought you don't know the meaning of love? How can you say so?" Tanong ko habang nakangiti.
It was supposed to be a joke. Pero unti-unti, nawala ang ngiti sa labi ko. Walang nagbago sa ekspresyon niya kaya mas naramdaman ko ang pagtuyo ng lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
Suspicious Love
Teen FictionBoth are inlove. Both are sensible. However, both are unsure. Shall they risk? Or not? Why not?