"Louise, you stay," I was still standing there, thinking, when Dale came out of his room and asked me to sit on the chair in front of him.
Masama ang tingin na binibigay niya sa akin. Ako naman ay nanatili lamang na nakatungo dahil sa galit na nakita ko sa mga mata niya sa hindi malamang dahilan. May ginawa ba akong masama? Bakit ganito siya makatingin? Sa naaalala ko ay wala naman.
I gather all my strength to face him and asked, "What is your problem?"
"What is my problem? Really you're asking me that? What are you doing?" madiin niyang pagtatanong sa akin. Kunot-noo naman akong tumingin sa kaniya matapos niyang sabihin yun, nagtataka sa mga salitang binitawan niya.
"You know what? You're confusing me. What are you talking about? I didn't do anything wrong," naiinis na talaga ako sa kaniya. I don't know what to think anymore.
Bumuka ang bibig niya para magsalita pero muli niya iyong itinikom at hindi umimik. Ako naman ay naguguluhan sa kaniyang inaakto. Tumungo siya at namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
Tumayo na ako at sinabing, "I should pack your things so I can go home."
"You don't need to. I have my clothes in there," sabi niya tinutukoy ang lugar ang lugar na pupuntahan namin.
Nakalimutan ko doon nga pala siya nakatira, that made me think, if he had clothes in there, then why did he asked me to stay?
Nagtataka akong tumingin sa kaniya at tinanong, "then why am I here?" Hindi agad siya nakasagot pero the time na ibinuka niya ang bibig niya ay talaga namang nakakagulat ang sinabi niya.
"Don't flirt with my cousins," natulala ako nang sabihin niya iyon. Flirt, wow, kailan kaya ako nakipagflirt sa mga pinsan niya. Wala akong matandaan na nakipaglandian ako, and worst sa pinsan niya pa.
"What! Flirt? Ako? Wow. You really make me stay to tell me that?! That was so sweet of you," sarkastikong sabi ko sa kaniya. May pa stay stay pa siyang nalalaman, yun lang pala sasabihin. Buset!
"Gusto ko sanang isipin na kaya mo sinasabi yan dahil gusto mo din ako, kaso ang naiisip ko ang baba ng tingin mo sa akin. You think I am that kind of girl? Well, think thrice," halos maiyak na ako nang sabihin ko iyon, pinigilan ko lamang dahil ayokong makita niya na nasasaktan niya ako. Ayoko ng awa niya.
"I have no business in here. I'll go now," madiin kong sabi nagmamadaling naglakad patungo sa pintuan para makaalis na. Hindi ko na kinakaya ang nangyayari. Kahapon lang sinabi niya sa akin na mali ang nangyari at di na mauulit, ngayon naman eto. Flirt with his cousins. What the hell! Oo gusto ko siya pero yung sabihan niya ako ng ganun, hindi naman ako manhid, alam ko na ayaw niya sa akin. Kahit minsan nararamdaman ko na parang may iba. Hindi ko na lang pinapansin kasi baka nagkakamali lang ako.
Sometimes kasi we misinterpret the way people treat us because that is what we want to think and that is in favor of what we want to happen. But unfortunately, they are just like that, because it is their nature to care. So nothing is special when it comes to you, kasi ganun siya sa lahat.
Nang makita ko ang kotse ko ay sumakay agad ako at doon ibinuhos ang lahat inis at galit na nararamdaman ko. Ilang sandali din akong nakasubsob lamang sa manibela ng aking sasakyan at umiiyak bago napagpasyahan na umalis na.
Sa ngayon ay hindi ko maramdaman ang tuwa na makakasama ko siya sa araw ng bukas. Nagdadalawang isip ako kung dapat pa ba akong sumama sa kanila o wag na lang.
Mabilis akong bumaba sa kotse at umakyat sa condo unit ko. Hindi na ako nagpalit ng damit at dumiretso na sa higaan. Minabuti kong matulog na lang at wag isipin ang mga nangyari nitong nakaraan. Matagumpay ko naman yung nagawa at nakatulog ng mahimbing.
Nagising ako sa ingay ng nagdodoorbell sa labas. Bumangon ako at papikit-pikit na binuksan ang pintuan. Nagulat ako nang bumungad ang nakangiting mukha ni Thunder pagbukas ko ng pinto.
Nanlalaki ang mga mata at nakatakip ang bibig na sinarado ko ulit ang pinto. Bukod sa kagigising ko lang ay hindi pa din ako nakakapag-sipilyo. Sh*t, pati ang lakad ngayon ay nawala din sa isip ko. Kinalma ko ang sarili ko bago binuksan muli ang pintuan.
"I'm sorry. Pasok ka," sabi ko matapos siyang pagbuksan ulit ng pintuan.
"Nakalimutan kong may pupuntahan nga pala tayo ngayon. Hindi pa ako nakakapaghanda ng gamit," napapahiyang sabi ko sa kaniya.
Ngumuso naman siya at tatawa-tawang tumingin sa akin, na hindi maintindihan ang uunahin.
"It's okay ate. Don't worry and take your time, maaga pa naman tsaka sigurado naman akong hihintayin nila tayo," kampanteng sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Sabagay iiwan ba naman nila itong si Thunder, malamang hindi. Kaya naman sa halip na magtanong ay tumango nalang ako sa kanya at pumasok sa kwarto para ayusin ang gamit na dadalhin ko. Mabilis akong naligo at lumabas para makaalis na kami dahil nakakahiya naman na mag-antay sila sa akin ng matagal.
Alas singko na nang makaalis kami sa condo. Kami na lang din ang hinihintay nila. Lahat sila ay nakasakay sa van na si Dale ang nagmamaneho. Agad na sumakay si Thunder sa backseat nang mailagay ang mga gamit ko sa likuran ng van. Hindi niya ako hinintay na sumakay at sa halip ay inilock pa ang pinto ng backseat. Ayoko sa unahan dahil nanduon si Dale kaya kinatok ko ang bintana at binuksan naman ito ni Thunder.Nagtatanong ang aking mga mata pero sinabi niya lang na, "Dyan ka na sa unahan ate."
Iling lang ang sinagot ko sa kaniya para iparating na ayaw ko, nang biglang bumukas ang pinto sa unahan mula sa loob at nagsalita si Dale.
"Get in, you're consuming too much of the time. Tanghali na aabutin tayo ng traffic", padabog akong sumakay at buong lakas na isinarado ang pinto ng sasakyan.
Tahimik lang kaming lahat habang nasa biyahe at nabulabog nang may tumunog na cellphone.
"Kanino bang phone yun ayaw agad sagutin!?" sabi ko sa medyo inis na boses.
Napapakamot naman sa ulo silang lahat at parang may gustong sabihin pero di maituloy. Tiningnan ko sila ng masama at sila naman ay dahan-dahang tinuro ang aking bag.
Oh shoot. Sa akin pala. Jeez. Nakakahiya tuloy. Pero dahil galit ako, I don't care. I answered the phone as soon as I got it in my bag at nakita na tumatawag si Jewel.
Bumungad sa akin ang masiglang bati niya na nakabawas sa init ng ulo ko.
"Hello din. Goodmorning.... oh I'm sorry... I am going to Batangas...... Hindi na ako nakapagsabi kasi biglaan...... Hayaan mo sa susunod isasama kita, wag ka ng magtampo.... Sige na.... Bye beb.... See you when I get back.... okay loveyah," sabi ko at pinatay ang tawag.
Muntik na akong mauntog at mabitiwan ang cellphone ko dahil sa biglaang pagpreno.
Masamang tingin ang pinukol ko kay Dale at sinabing, "do you have plan on killing us all!?"
Siya naman ay tiningnan ako ng masama at nagpatuloy sa pagmamaneho but this time mas mabilis at parang galit.
Mayamaya pa ay may tumawag na naman pero sigurado ako na hindi na sa akin yun. It was Dale's.
He reached out for his phone na nasa dashboard and answered it. Because he is driving he put it in loudspeaker. It was his girlfriend Belle.
"Why did you call?!" pagalit niyang tanong na ikinagulat naming lahat. Hellow, si Belle yun. Bakit ganun?
Napasinghap ang nasa kabilang linya, marahil ay nagulat din siya sa tono ng pananalita ni Dale. Ilang sandali din natahimik si Belle bago nakaimik.
"Ah I ah was just checking on you, seems like you are not in the good mood. I'll just call later," nauutal na sabi niya at mabilis na pinatay ang tawag.
Parang balewala naman kay Dale ang nangyari at patuloy lang na nagmaneho.
Dumaan kami sa gas station at ako naman ay lumabas para gumamit ng comfort room sandali. Nagulat ako paglabas ko dahil nanduon si Dale. Lalampasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso na nagpatigil sa paghakbang ko.
What he said made my world stop.
"I'm sorry."
☆abby☆
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...