1

49 0 0
                                    

**Dismissal**

habang nag-aayos ng gamit ang dalawang magkaibigan na si Cassie at Cayla "Cassie andyan na ba sundo mo?" tanong ni Cayla "Ummm text ko wait" sagot ni Cassie, lumipas ang ilang minuto "andito na daw, hanggang anong oras ba tayo?" tanong ni Cassie "Hanggang 5 kaya?" sagot naman ni Cayla "Kaya naman bakit ba?" tanong ni Cassie "Kasi magpapa-sama sana ako sayo sa comp lab mayroon lang ako kailangan tapusin" sagot ni Cayla habang sila ay naglalakad palabas ng classroom, tumango naman si Cassie at sabay sabi "Sige tulungan na din kita, tapos na din naman ako sa mga task ko sa computer" sagot nito. Nung sila ay nakarating sa computer lab ay agad na hinanap ang assigned computer ni Cayla "ayun" turo ni Cassie. Agad naman na sinimulan ng dalawang mag-kaibigan ang di tapos na task ni Cayla. Kalagitnaan nito ay pumasok yung nag-iisang crush ni Cassie na si Enzo, tinabig nito ang kanyang katabi na si Cayla at sabay madaling sinabing "Si Enzo. Si Enzo. Si Enzo andyan, kasama kaibigan niya ayun oh" sabay tingin sa may pinto, nginitian lang ni Cayla si Cassie "Nako Cassie lapitan mo na kasi, ayan na oh HAHAHHA" tukso nito. Lumipas ang sampung minuto ay agad din umalis si Enzo at ang mga kaibigan niya.

After 20 minutes, natapos na din si Cayla sa task niya

"teka lang Cassie sabihin ko lang kay Sir.Villafuentes na tapos na ako tapos pwede na tayong umuwi" biglang sumigla si Cassie (dahil nakita niya si Enzo) napag-isipan nito na "magandang idea" na tumakbo at mag-slide sa makinis na sahig ng kanilang paaralan, "Cassie ang likot mo, malalagot ka kay sir, new student ka pa naman HAHAHHA" pabirong sabi ni Cayla "Di yannn tamo, magka-vibes kami ni Sir tsaka busy naman siya HAHAHAHA" sabay takbo si Cassie, habang siya nag-iikot sa loob ng computer lab ay napansin niya ang isang lalaki, na hindi naman niya kakilala, sinilip niya ang ginagawa nito para sa makeup/continuation class/period, familiar siya sa ginagawa nito... practical test. Nakita ni Cassie na may mali sa ginagawa nito, itinuro niya  kung ano dapat ang nakalagay. Nahuli ng kanilang teacher si Cassie na tinuturuan nito and lalaking studyante "Ms.Dela Fuentes, wag mong tulungan, practical test yan" kalmadong sabi ni Sir.Villafuentes. "Ay sorry sir HAHAHA di na po" patawang sinabi ni Cassie (di naman in a disrespectful way) makulit toh si Cassie patago niya parin tinuro dun sa lalaki kung ano dapat nakalagay, at minsan niya pang "inagaw" yung mouse. Nung natapos, lumapit din siya kay Sir, at patuloy ng umalis sila Cassie at Cayla "kilala mo ba yun?" Tanong ni Cayla habang nagpipigil ng tawa, umiling si Cassie "hindi, sino ba yun?" Nakangiting tanong nito "si Ivan yon naging ka-klase ko dati, tingnan mo ka, nung ako yung kumausap sayo di mo man lang ako magawang kausapin ng diretso samantalang yon di mo kakilala o kaklase tapos tinulungan mo pa, nEw sTuDenT HAHAHA" tumatawang sabi nito. Nagkwentuhan ang dalawa habang naglalakad ng sila'y makarating sa parking lot "hayaan mo na nga hindi na naman na ulit natin or ko siguro makakausap yun" sabi ni Cassie sa kaibigan niyang walang tigil na pag "rant". "Oh geh na andyan na si daddy alis na ako" sabay kaway papunta sa kanilang kanya-kanyang sasakyan.

Complicatedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن