𝓟𝓻𝓸𝓵𝓸𝓰𝓾𝓮

7 4 3
                                    

*****

“Brylle, please—"

"No rain, Ayoko na." Sabay alis ng kamay ko sa braso niya,

Bakit? Bakit lagi na lang ganito? Ako na lang laging iniiwan? Wala na ba akong karapatan na sumaya?

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa kanina pa sa kakaiyak, ngunit sapat pa rin na makita ko ang hubog ng katawan ni Brylle na papalabas sa restaurant na kinainan namin,

Walang rason.

Wala man lang siyang rason.

Kung bakit niya ako basta-basta lang iiwan.

Nagsawa na ba siya? Hindi, hindi naman maaari yun kasi lahat ginagawa ko naman para sakanya, para mapasaya siya.

May ginawa kaya akong mali? Pero sa pagkakatanda ko wala naman, halos lahat nga ng gusto niya ginagawa ko.

May mali ba sa'kin? Para iwan niya ako ng walang dahilan?

"Ma'am? Sorry po sa istorbo pero magsasara na po kami." Nag-taas ako ng tingin sa lalaking nagsalita sa harapan ko,

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan ang oras, napatingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras at nakitang alas-onse na ng hatinggabi,

Kinuha ko na ang bag na nasa tabi at saka tumayo, nagpasalamat muna ako sa lalaking nagtatrabaho ata dito sa restaurant bago lumabas,

Dalawang taon mahigit na kami, tapos bibitawan niya lang ako na para bang wala lang sakanya?

Pero baka may dahilan lang siya kaya niya ako iniwan? Alam ko kasing malaki ang problema niya sa pamilya nila eh.

Siguro tatanungin ko na lang siya bukas o kaya sa makalawa, pero paano kung hindi niya ako kausapin? Bahala na.

'di ko nadala yung kotse ko kasi sinundo niya ako kanina, ang hirap pa namang mag-hanap ng taxi sa bayan na 'to ng ganitong oras,

Sana lang hindi umulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Must Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon