Chapter 18

337 8 1
                                    

We're here in The Bards. Nakaupo kaming anim sa paikot na table. Sa table namin naroon ang mga beer. Sobrang dami noon at si Chelsea pa talaga ang nagbayad lahat.

Inikot ko ang paningin ko sa bar na ito, parang may napansin kasi akong kakaiba. Feeling ko kasi may nakatingin sa akin.

Agad akong kinabahan sa sobrang sama ng tingin ng mga matang iyon sakin. Wearing his white long sleeves na nakatiklop hanggang siko. Halatang galing pa sa trabaho at hindi na naisipan pang magpalit.

Oh I see. He's done with his work. Kaya nandito na naman siya. Para ano?

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Dahil kinakabahan ako. Mabilis kong kinuha ang beer na nasa harapan ko at ininom lahat iyon para mabawasan ang kaba ko sa mga tingin ni Luke.

"Whoa! Ayos ah, lakas mo pala uminom. Kaya ito pa inumin mo," inabot sakin ni Kian ang isang bote ulit ng beer.

"Ikaw uminom niyan, Kian" Mariing sabi ng pinsan ko.

"Joke lang pala!" ngumisi pa siya.

Babawiin na sana niya iyon pero agad kong kinuha at ininom. Pagkatapos kong ubusin yung isa ito ako uminom ulit. Naramdaman ko ang init na dumaloy sa lalamunan ko. Hindi ako sanay uminom!

"Oh man! Anong nangyayari sa pinsan mo?" rinig kong bulong ni Kian sa pinsan ko na katabi lamang niya.

"Are you okay?" tanong sakin ni Chels.

"Chandrea, dahan dahan lang sa pag iinom." paalala ng pinsan ko.

I just nod to them. I'm so out of my mind to answer them. Ang tanging naiisip ko lang ay maubos ko ang dalawang bote ng beer.

Tinignan ko ang cellphone ko. Hilong hilo pa ako habang tinitignan ang mensahe ni Luke. Tumingin ako kung saan siya nakaupo kanina. Wala na siya doon at mga kasama na lang niya ang natira.

Luke: Stop drinking and let's talk.

Luke: I'm here at parking lot. Let's talk, Chandrea. Please.

Agad akong napatayo. Dahil sa beer na iyon bigla akong nahilo. Ang lakas pala ng tama sakin. Ewan ko pero may sarili atang desisyon ang mga paa ko at naglakad patungo kung saan si Luke.

"Where are you going?" Rinig kong tanong ng pinsan ko.

"I'm going to meet, Luke" sabi ko sa kanila na agad napatahimik sa kanila.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko na sila hinintay pang tumugon. Pumunta na agad ako sa parking lot.

Ang lakas ng loob ko dahil nakainom. Nilibot ko ang paningin ko pero parang nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang pagkahilo. May nakasalubong pa akong gusto magpakilala pero hindi ko pinansin.

Pagkarating ko sa parking lot, agad na may humawak sa baywang ko. Magrereklamo na sana ako pero alam kong si Luke ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad.

He's supposed to be there kung saan man ang fiance niya. Tinignan ko siya. Kumunot ang noo niya.

"I'm here to visit my girlfriend." marahan niyang sabi.

"Girlfriend, huh? What about your fiance? You should be with her!"

Hindi ko na napigilan pang umiyak. Ang lakas ng loob kong sabihin lahat sa kaniya ito dahil sa epekto ng alak sakin.

"Baby, what are you talking about?"

Dinikit niya pa ako lalo sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Huwag kang pa-inosente dito Luke! You have a fiance!"

"Fiance? You are my girlfriend, Chandrea. So, you want to be my fiance now?"

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon