T.H.S. Chapter Fifthteen

909 45 8
                                    

Third Person's POV


"I have to go." Ang paalam ni Roishua sa mga kasama niya rito sa isang korean restaurant. Simula ng naganap kanina ay hindi na magawang kumalma ni Roishua. Hindi siya mapakali sa kaniyang upuan dahil naiisip niya ang kaniyang anak na umiiyak ng dahil na naman sa kaniya.

Alam niyang nasaktan na naman niya ito dahil sa ginawa niyang pag tanggi sa kaugnayan nila. May balak naman talaga si Roishua na ipakilala si Brian sa pamilya niya bilang anak niya ngunit hindi pa ito ang tamang oras para sa bagay na yon.

"Why are you leaving Roi?" Ang tanong ni Angeline sa kaniya.

"Something came up. Sorry but I really need to leave you guys. Enjoy." Ang sabi ni Roishua. Hindi na nito inintay pang mag salita ang mga kasama niya at lumabas na ng korean restaurant kung nasaan ang kaniyang pamilya at dating nobya.

Agad itong nag punta sa parking lot ng mall at pumunta kung saan naka park ang kotse niya. Nang marating niya ito ay agad siyang sumakay dito at inumpisahan ng paandarin ito.

Kailangan niyang puntahan ang kaniyang mag ama para humungi ng tawad sa bagay na ginawa niya kanina. Parang kahapon lamang ay hindi niya nagawang siputin ang asawa't anak sa dapat na pamamasyal nila, ngayon naman ay nakagawa na naman siya ng kasalanan. Pakiramdam niya ay patong-patong na ang mga kasalanang nagagawa niya sa kaniyang asawa at anak.

Ilang minuto ang binyahe ni Roishua at narating din niya ang village kung saan siya nakatira kasama si Brion at anak nilang si Brian. Buti na lang at hindi kagaya kahapon na traffic sa daan kaya naman mabilis siyang nakarating dito. Ngunit bago tuluyang makalapit si Roishua sa kanilang bahay ay natatanaw niya ang isang taxi sa harapan ng kanilang bahay. Sakto namang lumabas si Brion kasama si Brian at may bitbit na malaking maleta.

Agad na kinabahan si Roishua ng masilayan niya ang asawa at anak. Parang may binabalak ito na iwan siya. Parang nga lang ba?

Bago pa man makagawang makapasok ni Brion sa taxi ay agad ng nakalapit ang kotse ni Roishua dito. Agad itong bumaba ng kaniyang sasakyan at kinapitan sa braso si Brion para pinigilan itong maka sakay sa taxi. Ang anak namang nilang si Brian ay nasa loob na ng taxi at naka upo ssa back seat.

"Brion what are you doing?!" Ang may taas na tonong tanong nito sa asawa. Agad na tinaggal ni Brion ang pagkakakapit ni Roishua sa braso niya.

"We're leaving Roishua." Ang sarkastikong sagot nito. Papasok na sana muli ito sa loob ng taxi mg kapitan muli ni Roishua ang braso nito para pigilan.

"You can't leave me Brion!" Ang hiyaw nito. Nagpumiglas si Brion sa pagkakakapit ni Roishua sa kaniya para matanggal ang kamay nito na nakakakpit sa kaniyang braso at nag tagumpay naman siya rito.

"I can leave you Roishua! Wala ng dahilan para mag stay kami ni Brian dito." Pag uumpisa ni Brion.

"Dahil puro sakit at sama ng loob lang naman ang naibibigay mo sa amin! Let us leave Roishua! Hindi na natin kailangan pang patagalin ng isang buwan 'to! I'm tired. For fxcking seven years of being with you Roishua, ngayon ko lang naramadaman ang labis na pagod sa kung anong meron sa atin. I'm really tired to this shxt. Please let us leave kasi hindi na namin kayang umasa pa ng anak mo." Umiiyak na si Brion habang sinasabi niya ito sa asawa. Hindi niya mapigilang mag labas ng sama ng loob dahil labis na sakit na ang kaniyang nararamdaman.

Ayos lamang sa kaniya na saktan siya ni Roishua, physically or emetionally pero hindi ayos sa kaniya na saktan ni Roishua ang kanilang anak. Napahilamos naman si Roishua sa kaniya mukha gamit ang dalawang palad.

"Pag usapan natin 'to ng maayos Brion." Sabi ni Roishua. Napatawa naman ng sarkastiko si Brion.

"We don't need to talk Roishua. I'm done to this fxcking relationship. I'm done with you." Ang sabi ni Brion at sumakay na sa loob ng taxi. Isasara na dapat ni Brion ang pintuan ng taxi ng pigilan ito ni Roishua. Sinubukan niyang mag makaawa gamit ang kaniyang mga tingin ngunit masyado ng matigas ang kaniyang asawa.

"Please don't lea-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Roishua ng biglang sumabad ang kanilang anak na si Brian.

"Let us leave Mister Dela Verde." Ang sabi ni Brian habang may mga luhang pumapatak mula sa mata nito. Nanlambot naman siya sa sinabi ng anak at mas lalo niyang ikinalambot ang pag tawag sa kaniya ng 'Mister Dela Verde' ng sariling anak. Masakit sa kaniya na hindi siya nagawang tawagin ng anak ng 'Daddy'.

Bumitaw na lamang si Roishua sa pagkaka kapit niya sa pintuan ng taxi. Agad namn isinara ni Brion ang pintuan pagkabitaw pa lamang ni Roishua. Tumunog na ang makina ng taxi at nag simula na itong paandarin ng driver. Walang ibang nagawa si Roishua kung di tignan ang papalayong taxi kung saan naka sakay ang kaniyang asawa't anak.

Napaupo na lamang si Roishua sa tabi ng kanilang bahay at sinapo ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay. Hindi niya maiwasang tumulo ang ilang butil ng luha sa kaniyang mga mata.

Ngayon at tuluyan na ngang iniwan si Roishua ng kaniyang mag ama. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili kung bakit nga ba sila humantong sa ganitong sitwasyon.

"Ano ba 'tong ginawa ko?" Ang tanong ni Roishua sa sarili.

----------*****----------

"Room 206, this is the key Sir. Enjoy staying here Sir." Ang sabi ng babaeng empleyado kay Brion. Kinuha naman ni Brion ang susi at nagpasalamat sa babae. Inakay na niya ang anak at tinahak ang daan papuntang elavator habang bitbit ang isang malaking maleta kung saan naka lagay ang gamit nila.

Nang marating na nila ang elavator ay agad silang pumasok at sumakay dito. Pinindot ni Brion ang floor kung nasaan ang kwartong kanilang tutuluyan.

"Mama bakit po naandito tayo sa hotel? Bakit hindi po tayo nag punta sa house nila Lolo at Lola?" Ang tanong ni Brian sa kaniyang ama at tinutukoy ang mga magulang ni Brion.

Ang dahilan kung bakit hindi dinala ni Brion sa bahay ng mga magulang niya ang anak dahil hindi pa niya gustong sabihin sa mga magulang niya ang nangyayare sa kanila ng kaniyang asawa. Hindi pa siya handang magsabi dito. Hindi rin siya tumuloy sa bahay ng matalik niyang kaibigan na si Kate dahil baaka sugurin nito si Roishua sa labis na galit kapag nalaman nito ang ginawa niya.

Tumunghod si Brion at sinapo ang dalawang pisngi ng anak at nag bigay ng maaliwalas na ngiti.

"Nak, nasa vacation kasi si Lolo at Lola mo kaya wala sila sa house nila." Ang palusot na lamang ni Brion sa anak. Hindi na lamasg tumugon si Brian sa tinuran ng ama.

Tumunog na ang elevator, senyales na nasa floor na sila na kanilang tutuluyan pansamantala. Paglabas ng elevator ay agad nilang hinanap ang room 206. Nang makita nila ito ay agad pinasok ni Brion ang susi sa door knob nito at makalipas ang ilang sandali ay bumukas na ito. Pumasok na ang mag ama sa kwarto.

Simple lamang ang kwartong kinuha ni Brion. Hindi rin naman kalakihan ang kaniyang pera para kumuha ng mas maganda at mahal na kwarto. Ang kwartong kinuha niya ay sapat lang sa perang bitbit niya para sa ilang araw na pananatili nila dito.

Pinaupo na ni Brion ang anak sa kama at ang kanilang gamit naman ay ipinaton ni Brion sa tabi ng kama.

"Anong gusto mong kainin Nak?" Ang tanong ni Brion sa anak. Hindi pa kasi sila kumakain ng pananghalian dahil na postpone ang kanilang pagkain sa isang korean restaurant dahil sa naganap kanina.

"Kahit ano na lang po Mama." Ang sagot ng paslit sa ama. Nang marinig ni Brion ang sagot ni Brian eh agad siyang nakaisip ng kanilang kakainin. Pumunta si Brion sa telepono dito sa kanilang kwarto at nag dial upaang magpa dala ng pagkain. Nang makuha na ng isa sa mga staff ang gustong kainin ni Brion ay pinatay na niya ang telepono.

Bigla namang nag ring ang kaniyang cellphone na nasa kaniyang bulsa. Kinuha niya ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Roishua." Ang bulong na basa nito sa pangalan ng tumatawag sa kaniya. Walang pag dadalawang isip ay pinatay ito ni Brion.

Mahirap para sa kaniya ang iwan si Roishua dahil napamahal na rin siya rito. Ngunit hindi na nararapat na magsama pa sila dahil puro sakit na lamang ang ibinibigay ni Roishua sa kanila. Hindi na niya ito kaya pang tiisin dahil ang pinakang naaapektuhan na ay ang kaniyang mahal na anak. Humarap si Brion sa anak niya na ngayo'y nililibot ang paningin sa loob ng kwarto.

"Pasensya na anak, kung nararanasan mo ang bagay na 'to."

BrieMode45
January 21, 2020

DVB I: The Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon