"Ate i can't do this! AYOKO AYOKO! Hindi ko gagawin yang utos niyo sakin! Nakakapangkonsensya!" pumunta ako sa salas para sundan ang ate ko na mukhang walang ibang gusto kundi ang patahimikin ako. But i'm sure hindi niya na tatangkain pang patahimikin ang isang nag-aalburutong Scarlet.
"Iniisip ko pa lang na masasaktan sila? Iiyak sila? ATE! My heart will shatter into pieces, feeling ko ako na yung pinakamasamang tao sa mundo!Please ate, talk to dad, tell him all the reasons kung bakit against ako sa-" bigla akong nakaramdam ng pagkamanhid sa kaliwang pisngi ko.
"That slap shut you up? I must to that more often para hindi ko na marinig yang kaartehan mo!" kumuha siya ng tissue at nagpunas ng kamay. "Ano bang pinuputok ng butchi mo? Nagpapakalinis ka? Sa tingin mo Santa ka na niyan?" tinalikuran niya ko at nagdial sa phone.
"yeah... mm-hm.. she'll do it" sabi nito sa kausap niya na sa tingin ko ay yung client namin habang sinusuri ang kanyang polished nails " No, she won't..." sabay tingin sakin "I won't let her... kung hindi kakayaning sa matinong usapan, eh di daanin sa MAS matinong usapan... okay."
Agad niyang tinago ang phone niya at inabot ang isang envelope sakin. Sa flip nito may nakasulat na pangalan...
Keith Dylan Lopez
I stared at her, not believing what i'm seeing. Seryoso na ba talaga siya? Hindi ba niya pinakinggan yung mga sinabi ko sa kanya? Wala ba siyang naintindihan?
"You're kidding right? AYOKO!" at binalik sa kanya ang envelop na ngayon ay nalukot na sa tindi ng hawak ko.
Gusto ko ng umalis sa lugar na'to. Masyadong manipulative ang mga nakatira to the point na hindi kakayanin ng konsensya ko ang mga utos nila. Nakapagdesisyon na'ko...
Kinuha ko aking bag at mabilis na nagtungo sa pintuan nang biglang tumawa ng malakas si ate
"Do you think running away will solve this crap? Do you think na sa pag-alis mo, matatapos ang ganto?" lumapit siya sakin at hinawakan ang collar ng damit ko "For God's sake sis, never 'tong matatapos. Dumadaloy na sa katawan natin ang dugo ng mga taong mapanira ng buhay ng iba. Simula kay greatpa to daddy... alam mo ang cycle ng kabuhayan ng pamilyang 'to. This is the reason kung bakit nakasuot ka ng ganyan kamamahal at branded na damit, at kung bakit sagana tayo sa buhay. Wag kang magmatigas dahil kahit baliktarin mo ang mundo, Villegas ang pinanghahawakan mong apelyido."
Pinagpag niya ang shoulders ko na parang nagtatanggal ng dumi "Understood?"
Lahat ng sinabi niya, pasok sa kanang tenga at labas sa kaliwa. Ayoko ng ganitong buhay. Tinignan ko lang siya sa mata at umalis na leaving her there.
Sinabunutan ko ang sarili ko habang napaupo sa silya outside ng salas. Nag-iisip ako ng mga possible excuses para lang makatakas sa una ang huling trabahong iniatang sakin. This is crazy!
1 msg received
From: *
Did your sister give the documents? Report everything to me ASAP
Humigpit ang hawak ko sa phone nang bumungad sakin ang text ni daddy...
Ang totoo niyan, ayoko talaga sa buhay na kinalalagyan ko ngayon pero Mas ayokong iwan ang daddy ko. Kaya pag kaharap ko siya, umaarte akong okay but deep within my soul, hindi talaga ako okay.
"Oh bakit nandito ka pa?" Nakataas ang kilay na tanong sakin ni ate.
"Ate, ayo-" magsasalita sana ako baka kasi mahikayat ko siya na i-exclude ako sa ganitong usaping pamilya... na kahit ngayon lang pagbigyan nila ako...nang agad niya kong putulin.
"Pshh, tell dad about declining the task? Pleading to him about letting your ego first before family? Not happening."
"Pero at_"
"GAHD Hindi ka maninira ng Buhay! You'll just ruin it dahil ayun ang nasa utos ng client. Wala kang gagawin kundi ipaglayo ang dalawang tao sa kahit anong paraan pwera lang ang pagpatay. Hindi pa ba pabor yun sayo? Konting salita at actions lang magkakapera ka na? Dad trusted you with this one sis, Isa na nga 'to sa pinakamadaling case compared with our cousins na kailangan pang magpabuntis sa uugod-ugod na business man para mabitawan ang kumpanya.... geez."
Agad akong napatungo...
"Anyways, It's either you do it or not. the choice is yours. Isama mo na lang ang magiging reaksyon ni daddy kapag nalaman niyang ang prinsesa niya ang unang susuway sa nakagawian ng pamilya." Iniwan niya ang envelop na binalik ko kanina at agad na umalis.
Ayoko. AYoko..
Pero hindi ko alam, mas naguluhan ako. Buo na ang desisyon ko na iwan ang pamilyang 'to kapag pinilit ako, but thinking about my dad ... hindi ko kinakaya....
"This Crap runs in my blood. I really can't do this but i must do it....Isa akong Villegas, Isa akong Ruiner."
BINABASA MO ANG
Ruiner
Romance"This Crap runs in my blood. I really can't do this but i must do it....Isa akong Villegas, Isa akong Ruiner."