Whirlwind

200 16 17
                                    

Nana


Tagaktak ang pawis at habol ang hininga akong napabalikwas ng bangon nang umagang iyon.


Panaginip...


Tama. Isang panaginip lang iyon..


I just shrugged my thoughts away then directed my eyes on the calendar. One week na pala mula nang mangyari yung aksidente.


I heaved out a sigh.


Pupuntahan ko nalang si Zane.


Lumabas agad ako ng bahay kahit hindi pa ako naliligo o naghihilamos man lang. Isang linggo ko na rin naman 'tong ginagawa. Matapos madischarge ni Zane mula sa hospital, araw araw ko na siyang pinupuntahan sa bahay nila. Makakatulong daw iyon para mas mabilis siyang makarecover. Bukod kasi sa physical injury, malala din yung trauma na inabot niya.


Kung hindi ko lang sana siya pinilit na magroad trip gamit ang motor niya hindi sana kami maaaksidente. Hindi sana nagkakaganito si Zane.


It was all my fault...


"Good Morning, Z!" I immediately faked a smile as soon as i opened the door of his room.


I onced heard na sinabi ng doctor ni Zane sa mama niya na hindi raw makakatulong kung makikita niyang malungkot ang mga tao sa paligid niya kaya dapat magpakita kami ng katatagan dahil sa panahong ito, kami ang lakas niya.


Ngumiti lang siya sa direksyon ko habang nanatiling nakaupo sa kama.


Hindi niya ako binati..


Pinilit kong ngumiti at pasiglahin ang boses ko sa kabila ng bigat na nararamdaman ko. "Sabi ng mama mo ayaw mo nanaman daw lumabas ng kwarto kaya dinalhan nalang kita ng pagkain. Pasaway ka talaga no?!" Pabirong singhal ko sa kanya habang nilalapag sa harap niya yung tray na may lamang pagkain.


Medyo madilim sa loob ng kwarto niya kaya hinawi ko ang kurtina sa bintana para mas lumiwanag.


"Itong bintana dapat laging nakabukas. Diba ilang ulit ko nang sinabi iyon sayo?" Sabi ko saka umupo sa harapan niya, "Sige na kumain ka na" Utos ko pa.


"Pag nandito ka, nawawala ang lungkot ko" Nakangiti niyang sabi kaya napangiti rin ako. Sinimulan na niyang kumain.


"Para ka talagang bata" Mahinang usal ko. Tumawa siya nang bahagya.


"Huwag kang mag alala, Araw araw akong pupunta dito kahit na wala pa akong ligo para lang dalhan ka ng almusal kaya magtiis ka sa amoy ko" Biro ko ulit sa kanya pero hindi na siya sumagot.


Pinanood ko lang siya habang busy siya sa pagkain. Masaya ako na kahit paunti unti ay bumabalik na siya sa dati, Nung mga unang araw kasi kailangan pa siyang kabitan ng dextrose para lang magkaroon siya ng lakas ayaw kasi talaga niyang kumain. Palagi lang siyang tulala at parang wala sa sarili. Naiintindihan ko kung bakit ganun nalang ang epekto sa kanya nung nangyari kasi kahit ako, hanggang ngayon hindi pa rin pinapatahimik ng nangyari.

Whirlwind (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon