THE DAY SHE SAID GOODNIGHT

4 1 0
                                    

The Day She Said Good Night
Written by: Wade Artemis

"Love,"
"Kenzo saan ka ba galing ha!? Anong oras na oh!"
She's Ara. She's my girlfriend for almost 4 years. Ideal wife si Ara dahil bukod sa maalaga ay mapagmahal at maintindihin siyang babae. Mas inuuna niya ako kaysa sa ibang bagay na dapat ay ginagawa niya. Siya rin yung tipo ng babae na hindi ako pipilitin sa mga bagay na ayaw kong gawin. Sa halos ilang taon naming magkasintahan kilala na namin ang isa't isa. Ultimo maliit na detalye ay alam na namin.

Kilala ko nga ba siya o siya lang ang nakakakilala sa akin?

"Ano hindi mo sasagutin tanong ko Kenzo?"

"Diyan lang sa bahay ng tropa ko." Maikling tugon ko rito ngunit hindi pa siya tumigil sa pagtatanong niya sa akin dahilan para mainis ako. Palagi na lang ganito ang scenario naming dalawa. This past few days alam kong may nagbago kay Ara dahil hindi naman siya gaya noon na pala tanong kung saan ako magpupunta. Once na magpaalam ako sa kanya hindi na niya ako tatanungin kapag umuwi ako pero ngayon halos mag-away kami dahil sa tanong siya ng tanong.

"Sinong tropa?"

"Fine sinamahan ko si Kylie!" sigaw kong sabi rito dahilan para manahimik siya.

Kylie is my girl bestfriend at aaminin kong masaya ako kapag kasama si Kylie. Hindi ko alam kung bakit dahil siguro sa may lihim akong pagtingin kay Kylie. Mahal ko si Ara pero hindi ko maiwasang magkagusto kay Kylie.

Panloloko na ba ito? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko minsan mas pinagtutuunan ko ng oras at atensyon si Kylie at nakakalimutang ko nang may girlfriend ako. Kung minsan ay nagsisinungaling ako kay Ara makasama ko lang si Kylie. Mabait si Kylie at masayang kasama kaya never akong nakakaramdan ng pagka-bored every time na kasama ko siya.

"Puro na lang Kylie, Kenzo. Baka nakakalimutan mo ako girlfriend mo kailangan ko rin ng atensyon at oras mo."
"Puro ka Kylie."
Laging ganito ang sitwasyon naming ni Ara. Away bati minsan napapagod na rin ako kaya nakakapagbitiw ako ng salitang hindi ko pinag-iisipan.

"Alam mo nagsasawa na ako sayo mas mabuting maghiwalay na lang tayo Ara!" sigaw ko rito at tinalikuran siya. Akmang aalis na ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang dumampi sa katawan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong bitawan. Ramdam ko rin ang mga luha niyang pumapatak sa likuran ko.

"Please.... Ayusin natin 'to apat na taon na tayo Kenzo ngayon mo pa ba ako susukuan." Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan sa mga sinabi ko at ramdam ko rin kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko na kasi siya mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya noon. Pero wala akong magawa kundi manatili sa tabi niya dahil hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin. Nakokonsensya ako kapag nakikita ko siyang luhaan.

Awa na lang ba itong nararamdaman ko sa kanya? Gulong gulo na ako.
"Hindi na ako magseselos kay Kylie 'wag mo lang akong iwan." Umiiyak niyang sabi sa aking nang humarap ako sa kanya. Tanging yakap at halik na lang ang naging tugon ko sa kanya dahil hindi ko rin naman kayang magsabi ng hindi ko siya iiwan kung hindi naman ako sigurado.

Ilang linggo rin kaming naging okay ni Ara. Ilang linggo na rin kasi kaming may tampuhan ni Kylie kaya mas nagkaroon ako ng oras kay Ara.

"Love pwede mo ba akong samahan mamaya sa mall? Mamimili lang ako ng damit."

Papayag na sana ako ng maka-received ako ng text mula sa kaibigan ni Kylie.
*message*
Kenzo, si Kylie sinugod sa hospital.

Halos nanlamig ang buong katawan ko ng mabasa ko ang message na 'yon. Agad kong kinuha ang jacket at susi ko para puntahan si Kylie.

"Ara sinugod kasi siya sa hospital kailangan ako doon." Nag-aalalang sabi k okay Ara. Kitang kita ko ang lungkot sa mukha nito pero kailangan kong puntahan si Kylie.
Ngumiti naman ito sa akin bago siya magsalita.

"Hmm sige puntahan mo na siya ingat ka ha I loved you." Sabi nito sa akin habang nakangiti. Nang marinig ko ang pagpayag niya ay agad akong lumabas ng bahay at pinaharurot ang motor ko.

Hindi ko alam kung mali lang ako ng pagkakarinig sa I love you niya. Hindi ko na pinansin 'yon at mas pinaharurot pa ang motor ko. Ilang oras pa ay nakarating na rin ako sa hospital kung saan sinugod si Ara. Parang tinutusok ang puso ko nang makita ko siyang walang malay.

Ilang linggo na ako rito sa hospital para bantayan si Kylie. Halos hindi rin ako kinukulit ni Ara pero mas ayos na 'yon hindi ko rin naman siya maaasikaso. Nakaupo lang ako rito at hinihintay magising si Kylie nang maka-received ako ng message kay Ara.

*message*

Hi love, I know na hindi ka na masaya sa akin alam kong hindi na tayo tulad ng dati pero ito tatandaan mo okay mahal na mahal kita kahit pa sa iba ka na masaya. Goodnight.

I just seen her message. Ewan ko ba pero bakit ganito? Bakit nakakaramdam ako ng kaba? May nangyari ba or what? Pero nabawi ang kabang nararamdaman ko ng tawagin ni Kylie ang pangalan ko.

3 days had passed.

Maayos ang lahat nakauwi na rin si Kylie at hanggang ngayon walang Ara ang nangungulit sa akin. Ewan ko ba parang may kulang o sadyang nami-miss ko lang yung pangungulit ni Ara. Dati rati kasi palagi niya akong chinachat or tinetext pero ngayon ilang linggong walang Ara na nangulit sa akin.

Naglalakad ako papunta sa condo ko ng biglang may humarang sa akin at pinagtutulak ako. He's Jaxon. Ara's boy bestfriend. Alam kong may gusto si Jaxon kay Ara at alam kong matagal na niyang tinanggap na kami ni Ara kaya nagtataka ako kung bakit galit na galit siya sa akin.

"DAHIL SAYO WALA NA ANG BABAENG MAHAL KO!" sigaw nito sa akin. Gulong gulo ako sa sinabi niya.
"PINAUBAYA KO SI ARA TAPOS SASAKTAN MO SIYA! NGAYON WALA NA SIYA!" dagdag pa niya. Halos matulala at manlamig ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.

"Syempre hindi mo alam haha inuna mo lang naman ang iba. May sakit si Ara at ikaw walang ibang ginawa kundi saktan siya. Yung time na iniwan mo siya para kay kylie inatake siya that time." Pagpapaliwanag nito halos lumuha ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"You saved other girl while your girlfriend is also suffering." Malamig na sambit nito sa akin bago ako iniwang umiiyak sa daan.

I saved other girl while my girlfriend is also suffering. Naging selfish ako. Mas inuna ko ang bagay na nagpapasaya sa akin habang naghihirap at nasasaktan ang babaeg mahal ko.

                                                       —S U P R E M O O N.

A/N:

This is my own version of owwSIC's the day she said goodnight.

MY IMAGINATION [ONE-SHOT STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon