Chapter 19~ concert

92 2 0
                                    

OMG ate! Excited na talaga ako sa concert nila dito sa pilipinas, di ko inexpect na mapapaaga yon. Hahaha.. buti nalang marami na akong ipon, tatawagan ko mamaya sila venus para masabi ko yung mga dadalhin namin para sa concert. Ay oo nga pala! Kaylangan ko bumili ng gift para sa kanilang lahat! Ano kayang gusto nila?

Tss, ang aga aga, daldal na ng daldal to si cassie tungkol sa concert na yan. Ano bang nakaka excite don? Kakanta lang naman sila ng mga alien na kanta.

Ate ano sa tingin mo ang mga gusto nila? Diba nakasama mo na sila?

Ewan ko. -____-

Aish! bakit di mo alam?

Hindi porket na kasama ko sila, alam ko na mga gusto nila. Lagi lang naman sila kumakain pag nakikita ko. Kaya paano ko malalaman?

Tama! Pagkain nalang kaya ang mairegalo ko sa kanila? Ay.. kaya lang bawal nga pala ang pagkain sa araneta. Huhuhu... ano ba ang ibibigay ko? Tatawagan ko na nga lang si venus.

They're making their life's complicated. Tsk! Bakit ba kasi kaylangan pa magbigay? Pwede naman hindi.

Ate! Pupunta lang ako sa bahay ni venus. Gagawa kasi kami ng mga banners, sasalubungin daw namin yung exo sa NAIA bukas, Bye muna!

Hoy cassandra! Anong oras ka nanaman uuwi?!

Basta mamaya lang ate! Babye!

Tinignan ko si cassie na tumatakbo palabas ng pinto.

Tss! Bakit ba big deal ang pagpunta ng mga exo na yan dito? Ilang araw ng daldal ng daldal si cassie tungkol sa exo, Magmula ng iannounced sa T.V yung concert nila. Tapos yung notifications ko flood na din dahil sa mga sinalihan kong fanpage ng exo.

(Phone ringing..)

Mommy calling..

Sinagot ko agad yung tawag ni mommy.

Hello mommy!

Kamusta ang anak ko na sobrang ganda?

Ok naman po. Kayo po mommy ok lang po ba kayo dyan?

Yup, actually tumawag ako kasi may good news ako.

Ano po yun?

Kasi, na promote ako. At sabi ng boss namin ililipat nya ako ng branch ng company nila.

Talaga po? Wow. Congratulations po mommy, pero saan naman po kayo ililipat?

Di ko pa alam. Pero pag nalaman ko na sasabihin ko agad sayo. Ok?

Ok po mommy.

Oh sige. i-hi mo nalang ako sa kapatid mo ah, alam kong busy yon para sa concert ng exo.

Oo nga po mommy. Excited na excited para bukas.

Hahaha.. suportahan nalang natin ang kapatid mo. Ine-enjoy lang naman nya ang pagiging teenager.
Oh sige bye na anak. Medjo busy si mommy eh.

Ok mommy. Babye! Ingat po kayo.

Bye. Kayo din mag ingat lagi.

(Phone call ended.)

Kailan kaya kami mag kakasama ulit nila mommy. Matagal tagal na din nung nag trabaho sya sa paris. She's working as company manager there.

Hi bestie!

Oh mica, anong ginagawa mo dito?

Minsan si mica parang kabuti. Basta basta nalang sumusulpot.

Wala lang. Masama na bang bisitahin ang napakaganda kong bestie?

Disney Land Love Story (EXO Baekhyun fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon