Chapter Five: Ngiti

3.3K 22 4
                                    

N/A: PAUMANHIN PO SA MGA NAGBABASA NITONG STORY NA ITO MASYADO PONG SLOW ANG PAG UUPDATE NITO PARANG YUNG WRITER LANG PO HAHAHAHHA...^_^ PERO SALAMAT PO SA MATYAGANG NAGBABASA NITO KAHIT HINDI PA KAYO NAG IIWAN NG INYONG KOMENTO AY AYUS LANG PO SA AKIN ANG IMPORTANTE PO AY NAKIKITA KO PONG MERONG BUMABASA NITO... AGAIN MARAMING SALAMAT PO SA INYO....

Naitulak ng malakas ni Nica ang binata dahil sa pagkabigla nito, bumuntonghininga ang dalaga at pinukol niya ito ng nakakamatay na tingin. “Kung inisip mo na mauulit mo sa akin ang namagitan sa atin ng gabing yun, P’wes nagkakamali ka dun!. Oo at nadala ako ng gabing yun pero yun na ang una’t huling mangyayare yun.! Hindi na ako papayag pangmaulit yun naiintindihan mo?! Oo nung una natakot ako sayo pero ng iniyak ko na ang lahat ng yun nawala na lahat at sa dinami ng pinagdaan ko simula ng mamatay ang nanay ko, natutu akong maging matatag at hindi nagpapaapi kahit na kanino. Kahit sayo panglumapastangan sa akin.!”

Matapos masabi ni Nica ang lahat dinampot nito ang tray na pinaglagyan ng pagkain ng kanyang amo. Nagmamadali itong umalis, habang naiwang tulala ang binata hindi mapakapaniwalang sa pinakitang tapang ng dalaga.

Nananatiling nakatayo ang binata kahit na sampung minuto nang wala sa paningin niya ang dalaga, unti-unting sumilay ang makahulugang ngite sa labi ng binata. Nagsalin ito ng alak sa baso at ininom ito ng deretso. “Tignan natin hanggang saan ang tapang mo Nica.!” Bulong nito sa sarili.

Matapos ang ilan paginom ng alak hinubad niya ang kanyang mga damit at tanging boxer short lang ang tinira. Nagumpisa na itong lumangoy sa pool na nasa harap nya, ng makaramdam ito ng pagkapagod umahon ito at nagsalin muli ng alak sa baso.

Nakaramdam ng pagkainis ang binata ng maalala niya ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Nica. “Wag mo akong subukan Nika hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin sayo.” Humigpit ang pag kakahawak ng binata sa kupitang hawak nito.

Sumandal ang binata at mariing pinikit ang kanyang mata. Sobrang yamot ang nararamdaman nya ng mga oras nayun, bukod sa iniintindi nya ang paghahanap sa nawawalang kapatid dumoble ito ng dahil sa dalaga. Muli itong nagsalin sa kupitang hawak, nilaro nito ang lamang alak habang malalim ang iniisip nito.

Biglang tumayo ang binata, pabalik balik na paglalakad sa gilid ng pool ang ginawa ng binata, maya maya pa ay binato niya ang basong hawak. “Damn you Nika! Damn!” Mabilis na nilisan ng binata ang lugar, habang sa isang sulok ng bahay ay lihim palang nakamasid ang dalaga sa pag alis ng binata.

Hindi nya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha dahil sa hindi nya maipaliwanag na nararamdaman. Humakbang ang kanyang mga paa patungo sa pinuntahan ng binata, hindi nya alam kung bakit niya iyon ginawa hindi nya din alam kung bakit?.

Humantong siya sa tapat ng pintuan ng binata, matagal niya itong tinitigan hangang kusang bumukas ito at iniluwa nito ang binata. Pareho silang natigilan dahil sa pagkagulat sa isat-isa. Nagtama ang kanilang mata ng  pareho silang magangat ng tingin. Unang nakabawi ng pagkabigla si Matthew kaya’t mabilis ang paghila niya sa dalaga papsok ng kanyang kwarto.

 

“May sasabihin ka ba sa akin?” Agad na tanung ni Matthew kay Nika ng tuluyan na silanng nakapasok sa loob. Pero nanatiling tikom ang bibig ng dalaga sa tanung ng binata. Lalong humigpit ang pagkakahawak ni matthew sa braso ng dalaga ng hindi padin ito umiimik. “Talk to me Nika or else..!” Pagalit na turan nito muli.

Nagangat ng tingin si Nika ng marinig niya ang huling turan ng binata sa kanya. “Hindi ko alam sir Matthew kung bakit at ano ang nagtulak sa aking sundan kayo ngayon dito”.

Tinitigan niya sa mata ang binata at muling nag salita. “Ang alam ko lang gusto kong humingi ng pasensya sa nasabi ko kanina sa inyo, alam ko naman kasi na wala kayong naging kasalanan ng gabing iyon. Aaminin ko nagustohan ko din ang nangyare na yun pero hindi ko alam kung bakit naguguluhan ako.” Lumandas sa pisngi ng dalaga ang luhang hindi nya alam kung para saan.

Dahil sa narinig at nasaksihan kinilos ng dalaga unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa dalaga, Inangat niya ang muka nito upang magtama ang kanilang mga mata. Ngumite ang binata at pinahid nito ang tumulong luha sa magkabilang pisngi ng dalaga. “Stop crying Nika, I don’t what you to cry because of me. Sorry ok, sorry for what I did to you few weeks ago. I admit and I blame my stupid self, again sorry Nika”.

 

Tumingin sa binata si nika, kahit pa nahihiya ay tumango siya bilang sagot sa tinuran sa kanya ni Matthew. Lumahad sa kanya harapan ang binata, Muli siyang tumingin dito na may pagtatanung sa kanyang mata. Ibubuka palang ni Nika ang kanya bibig upang magtanung ngunit naunahan siya ng binata.

 

“Hello Im Matthew and you are?” Nakangiti ito ng ubod ng tamis sa kanyang harapan habang ang kamay nito ay nakalahad sa harap ni Nika.

 “Jhennica Sandoval po sir Matthew”. sabay abot ng kay ng binata.

                 

“Tssk Matthew na lang alisin mo na yung Sir ok”. Sabay silang napatawa ng mapagtanto nilang para silang mga bata na nakahanap ng bagong kalaro.

 

“Ah sige po sir..” Hindi pa natatapos ni Nica ang kanyang sasabihin ng muling sumabat ang binata sa kanya. “I told you Its Matthew try to call me with sir again I’ll kiss you on  your lips”.  Nakakunot nitong saad sa dalaga.

“Hindi ninyo pa po kasi ako pinatatapos itatama ko naman kaso sumabat po kayo agad. Saka pakiusap ko lang pwede po bang wag po kayong masyado mag English kasi sa totoo lang dumudugo na po yung tenga ko, pwede po ba yun?”

Natawa si Matthew sa huling sinabi ni Nica sa kanaya. “Tss crazy woman” Bulong ng binata sa sarili sabay iling.

“Ahh Sir…” Muli sanang sasabat ang binata ngunit maagap na tinaas ni Nika ang kanyang kamay.. “Hep hep hep ok Matthew nga kasi sabi ko nga bakit ba kasi ang kulit ko” Biglang naiba ang kaninang ilangang nararamdaman ng dalawa dahil sa pinakitang kakulitan ni Nika na matagal niya  naisang tabi dahil sa hindi nila magandang unang pagkikita.

 

“Ohh pano MATTHEW ako ay lalabas na at marami pa akong aasikasuhin at gabi na po kasi at baka ako’y hinahanap na din ni Ate Linda sa baba”. Natawa na ng tuluyan ang binata dahil sa sinabi ng dalaga. Tatalikod na sana ito ng muling siyang hawakan sa braso ng binata.

 

“Nika sorry ulit sana mabago ko pa yung unang pagkakakilala mo sa akin”. Pagkatapos na marinig ng dalaga ang sinambit sa kanya ng binata, agad siyang tumungo sa pintuan ng akmang lalabas na siya ay muli itong  lumingon.

 

“Salamat na din sa nangyare”. Bago makapag salita ang binata ay tuluyan ng  nakalabas sa pintuan ang dalaga.

Nananatiling nakatingin si Matthew sa pintuang pinaglabasan ng dalaga, naguluhan man sa huli nitong sinabi ay binaliwa  nalang nito. Napangiti na lang si Matthew at lihim na napailing sa bilis ng pangyayare. Kanina lang ay ganun na lang ang galit ang ipinakita nito sa kanya. Kaya ganun nalang ang kanyang pagtataka ng pagbukas niya ng kanyang pinto ay nakatayo ang dalaga na parang pinagiisipan kung kakatukin ba siya o hindi.

Samantalang paglabas ni Nika sa kwarto ng binata may munting ngite ang sumilay sa manipis na labi ng dalaga. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fingers On Her Bra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon