Chapter Nine

42 33 3
                                    


Yumi POV

-lunch-

Nandito kami ngayon sa cafeteria upang kumain ng lunch.

"Kumusta yung test results nyo?"  tanong ni Reika

"Okay naman, ganun pa din sa dati"  sagot naman ni Lance

Well ako? Ayoko sabihin. 

Disappointed ako sa scores ko..

"Eh ikaw Yumi?"  tumingin ako kay Reika

"Ah mababa"  simpleng sagot ko

Nagkatinginan sila Lance at Reiko.

Yung tingin na parang hindi makapaniwala.

"May problema ba?"  tanong ko sa dalawa

Nagtaka ako nung lumapit sa akin si Reika at hinipo yung noo ko

"Wala ka naman lagnat" sabi nito

Ano ba nangyayari sa kanila

Promise ang weird nila ngayon.

"Yumi alam mo bang ang taas ng nakuha mo score ngayon?"  seryosong sabi ni Lance

Huh? Paano nya nalaman yung score ko

Ngumiti siya at may inilapag na papel sa table.

Tinignan ko ito.

Ito yung test paper ko kanina ah?

Binigyan ko sya ng 'paano napunta sayo yan' look

He smiled

"Nahulog mo kanina sa corridor" simpleng sabi nito

"Ang taas nga, tapos sinasabi mong bagsak?" saad ni Reika

Hawak na pala nya ung test paper ko.

"Yumi" simpleng sabi ni Lance

Tumingin ako sa kanya

Seryoso yung mukha niya

"Ano ba talaga nangyayari sayo?" seryosong tanong tanong niya

Ibinaba ni Reika yung test paper ko at tumingon sa akin.

"H-huh anong sinasabi nyo dyan?" tanong ko at binigyan sila ng pilit na ngiti

Nagtinginan silang dalawa na parang nag-uusap kung sasabihin ba o hindi.

Tumayo na ako

"Mauna na ako sa inyo" sabi ko

"Wait Yumi, yung pagkain mo-" Reika

"Wala na akong gana"  simpleng sabi ko at kinuha yung gamit ko at lumabas ng cafeteria.



Reika POV


Kaaalis lang ni Yumi.


"Ano ba talaga nangyayari sa kanya" bulong ko sa sarili ko

"Yun nga din ang gusto itanong since kayong dalawa ang close" sabi ni Lance

"Huh?"  nagtatakang tanong ko

 "Madalas ko syang nakikitang wala sa sarili, tulala at minsan umiiyak at yung score nya? ang taas na dun pero bakit hindi pa din sya kuntento?" sabi ni Lance

Well totoo nga, dati kahit makalahati lang yung scores niya sa exams masaya pa sya. Lagi nya sinasabi na okay lang yun atleast hindi bagsak.

Nagtataka ako kung ano nangyari sa loob ng isang taon na wala sya.

Oo wala sya, nagtransfer sya sa ibang school, pero ngayon nandito na ulit sya.

Naalala ko pa nung last na birthday nya, hindi ko sya macontact yun ang unang beses na magpatay siya ng cellphone sa kaarawan nya, dati dati kasi excited siya tuwing dumarating ang araw na yun. And nung gabi tinry ko ulit sya tawagan sinagot nga nya pero parang may iba sa boses nya. 

After noon hindi ko na ulit siya nakausap, nagulat na nga lang ako nagtransfer back ulit sya dito sa Academy eh.

 "Nasaan na kaya si Yumi ngayon?" tanong ni Lance

Tinignan ko sya

"Ewan?" sabi ko sabay kibit balikat ko

Inayos ko na din yung mga gamit ko

"Mauna na din ako " paalam ko

"Sabay ka ba mamaya?"  tanong niya

"Oo, punta nalang ako sa room ni Yumi" sabi ko at umalis na

It's Okay not to Be Okay (UNEDITED)Where stories live. Discover now