Arianne's POV
"Wahhhh! Arianne! tignan mo, si Ethan ung magiging asawa ko sa future. hihihi" kinikilig na sabi ni Sophie
"Ehhh inggit ako. Ako naman gawan mo ha?" sabi ko
"Sige sige. Si Alexander?" tanong ni Sophie
"Yep! Ang ilagay mo dun sa boys, Alexander, James, Anderson tapos ikaw na bahala don sa isa. ha??" sabi ko. Ang full name kasi ni Alexander ay Alexander James Anderson. Bagay na bagay sa pangalan ko. Arianne Dane Madrigal- Anderson. Perfect! hihihi
"Sige na! Madaya ka ha, dapat isa lang eh. Go go, gawin mo na assignment mo." sabi ni Sophie
"Yey thanks! Wag panget na lalaki ung isa ha?" sabi ko
"Oo na. Sama nito eh." sabi niya.
Tapos ginawa ko na ung assignment ko sa nakakadugong subject namin. Math! Hayy. Sayang di ko kaklase si Alexander. Nalate kasi siya mag enroll, yan tuloy di kami mag kaklase. Next time sabay na kami. dejk! hahaha
Ano kayang kalalabasan ng M.A.S.H. ko? Sana naman maganda future ko, kahit laro laro lang yun.Tapos dumating na ung math teacher namin na saksakan ng taray na mukhang laging may period!
"Good morning class!" sigaw ni ma'am. sabi sainyo eh, mag g-greet lang pasigaw pa.
"Ayy ma'am. nakalimutan ko po ung math book ko sa locker."sabi ni Sophie
"Anong gusto mong gawin ko? Ako pa kukuha?" mataray na sagot ni ma'am.
"Kung gusto niyo po, pero ako nalang po. nakakahiya naman po sainyo." sabi ni Sophie sabay takbo. Makapang bara talaga si Sophie eh, wagas. Nadala pa pala ni Sophie ung papel na may nakasulat nung M.A.S.H.
Pagdating ni Sophie nagstart nanaman manermon si ma'am tapos sa huli dumereso rin sa pag tuturo.
Blah
Blah
Blah
Lunch time na. Papunta na kami ni Sophie sa cafe.
"Sophie, ano nga ba ung nangyari sa M.A.S.H. ko? Si Alexander ba?" tanong ko
"Ha? Ah eh.... Arianne! Nawala ko ung M.A.S.H. mo. nahulog ko ata ung papel nung pumunta akong locker. Sorry." sabi niya
"Pero alam mo ung kinalabasan?" tanong ko
"Hindi si Alexander eh, si Troy ung lumabas eh." malungkot na sabi ni Sophie
"Naku Sophie, buti nawala mo. Kundi baka maawa ka sa papel na yon pag nakita ko." sabi ko. huhuhu, di siguro talaga kami meant to be ni Alexander. Tatlo nang pangalan ni Alexander yun iba parin. Kailangan ko na talagang mag move-on, laro palang wala nang pag-asa.
"Ang drama nito eh, laro lang yun." sabi ni Sophie
"Tss!" ako
Pagkatapos namin kumain pumunta na kami dun sa tambayan namin.
"Nga pala Arianne, nood tayo ng laro nila Ethan tutal friday naman." Sabi ni Sophie
"Hay nako, Ethan nanaman?" sabi ko
"Syempre! Sige na please" sabi niya
"Sige na nga" sabi ko
"thanks!" sabi niya. tapos may lumapit saking lalaki, si Ethan. kilig naman katabi ko.
"Arianne, pinapa punta ka ni Mr. Pres sa student council office." sabi ni Ethan.
"H-ha? Bakit raw?" tanong ko. Si Alexander kasi ang president ng student council. Btw, bestfriend ni Ethan si Alexander.
"Di ko alam eh." sabi niya
"Pano ka Sophie?" tanong ko kay Sophie
"Sige na, ok lang ako dito." sabi ni Sophie
"Ako na bahala kay Sophie." Sabi ni Ethan.
"Sige, salamat." sabi ko tapos pumunta na ako sa SCO. Sure ako kinikilig nanaman si Sophie. Pero kinakabahan ako. bakit kaya ako pinatawag ni Alexander?
Breathe in
Breathe out
Tapos pumasok na ako.
"Mr. President, pinapatawag niyo raw po ako." sabi ko.
"Sit down. I called you because I saw you threw your trash just somewhere." he said--- ay sabi niya. nahahawa na ako sa pag english niya eh.
"Ano pong trash?" tanong ko
"This" sabi niya sabay pakita ng papel
O_______O
Oh My Gosh! Ung M.A.S.H. ko! Tapos may nakasulat pa na pangalan ko sa taas.
"H-hindi po ako ang gumawa niyan." sabi ko
"If not you, who?" sabi niya
"Ginawan lang po ako ni Sophie niyan." sabi ko
"Sophie De Castro? okay, i'll ask someone to call her." sabi niya tapos tumawag.
Maya maya dumatinmg na si Sophie.
"Mr. Pres?" Sabi ni Sophie
"Ms. Madrigal told me that you made this." sabi ni Alexander. tapos tinignan ni Sophie ung papel.
"Opo, pero siya po ung nag pa gawa." inosenteng sabi ni Sophie.
"So, Ms. Madrigal. Why did you chose my name there?" sabi niya habang naka ngisi. nadidistract ako eh.
"Ah eh ih oh uh?" sabi ko
"Do you like me Arianne?" tanong niya. shems, tinawag niya ako sa pangalan ko.
"H-hindi po." sabi ko
"Again, do you like me?" tanong niya ulit
"Hin---"
"Gusto ka po niyan Mr. Pres, nahihiya lang po yan." sabi ni....
"Sophie!" sigaw ko
" ^___^V hehehe peace." sabi niya.
"Yun naman pala eh. Edi tayo na?" sabi ni Alexander
"H-ha? di ko gets" sabi ko
"Mutual pala feeling natin eh." sabi niya
"G-gusto mo ko?" tanong ko.
"Oo naman.Pati nga si Ethan gusto si Sophie eh." sabi niya
"Alexander!" sigaw ni Ethan
parehas kaming gulat ni Sophie
O___O - Sophie
O___O - ako
^____^ - Alexander
O___o - Ethan
"Para aminan na to' hahha."
"I love you Arianne Dane Madrigal" sabi ni Alexander
"I love you too Alexander James Anderson" sabi ko
At sa M.A.S.H. nagsimula ang lahat. :D