Adrielle's POV
Kanina pa ko wala sa sarili. Nakakainis! Bakit ba kasi hindi siya mabura- bura sa isip ko?
Tsk! Tanga ka talaga Adrielle. Araw-araw mo na nga palang ginagawa ito.Ewan ko sa'yo. Makinig ka nalang kasi sa guro niyo. Lakas ko talagang makamonologue. Napatampal na lamang ako sa aking noo.
"Is that already a yes, Miss Ramirez?"
"Ha? Eh ano po. Ah-eh- o-opo ma'am," sagot ko na lamang sa guro namin. Ayan tuloy, nauutal na ako. Hindi ko alam yung tanong eh. Mahirap na, baka mapagalitan. Kaya oo nalang yung sinagot ko.
"Kyaaaah! Ang swerte naman ni Adrielle," sabay-sabay na hiyawan ang mga kaklase ko.
"Bessy, sama ako sayo sa susunod na araw ha? Aaaaayy! Masaya to!", dagdagan pa nitong bestfriend kong timang na tili ng tili.
Seriously? Saan ba ang lakad? Bakit naman nito ako sasamahan?
"A-aaaray! "
Sinapok ba naman ako sa ulo. Masakit yun ha? Itong bestfriend ko kasing si Angela, may pagka-sadista.Na-gets niya siguro yung seriously-anong-nagyayari look ko. Pero okay lang. Siya lang rin naman ang nakakapagtimpi sa araw- araw kong pagsesenti.
"Teka muna. Sandali lang. Ipaliwanag mo nga sa akin kung anong nangyayari? "
"Baliw ka talaga kahit kailan! Yung totoo, nakinig ka nga ba kanina? Eh, bakit ka umo-o kung hindi mo alam? Sus! Overwhelmed ka lang siguro na ikaw yung pinili ni ma'am na alam mo yon, yung parang mag-g-guide sa transferee dito sa school? Oh diba? Imported daw eh at siyempre, gwapo. Model daw siya sa isang top fashion line sa Canada."
Akma na niya sana akong babatukan ulit nang may humarang na kamay kaya hindi ako natamaan.
Oh! I have a bet of who could it be . Syempre, ang walang- kapaguran kong stalker, si Kenshin.
Stalker ang turing ko sa kanya kahit simula pa nung gradeschool ay magkakilala na kami.
Kasi naman, para siyang linta na dikit ng dikit sa akin. Yun ang kinaiinisan ko sa kanya.
Deadma ko lang siya. Di naman na mean ako. Nagkataon lang na naiinis ako sa presence niya.
Pero honestly, gwapo talaga siya. Chinky-eyed at maputi. Half- Korean eh.
Yung mother niya is Filipina kaya simula ng 8 years old na siya, dito na sila sa Pilipinas tumira.Iyon ang dahilan kung bakit naging magkaklase kami.
Tsk! Asar na asar na nga ako sa kanya eh. Sa tuwing may lumalapit sa akin na ibang lalake na nakikipagkaibigan ay agad ba naman nitong sisinghalan at agad sa aking lilingon na may kasamang wink-wink pa.
Biruin mo! Ugggh! Gusto ko na talaga siyang ipalapa sa buwaya kung nagkataon.
Kenshin's POV
"Are you okay Adriella?," tanong ko sa kanya. Hinarang ko lang naman yung kamay ng sadista niyang bestfriend.
"Yes! Pero pwede ba, huwag kang makialam sa usapan ng may usapan," bulyaw niya sa'kin.
"Pero sinasaktan ka niya. I just wanted to protect you from her."
Umarte naman ako na parang nanlulumo kaya napabuntong-hininga siya.
"Okay. Sorry naman! I didn't mean to yell at you."
Ayos! Nakonsensya. Talikuran ko nga. Tingnan natin kung susundan niya ko.
"Psst! Sorry na. At...at.. thank you!"
Nauutal yung crush ko. Ang cute- cute niya. Does it mean, may gusto rin siya sakin?
BINABASA MO ANG
My Long- Lost Lover
RomanceFor some, it took days and weeks to become close and months or even years to build trust. Pero para kay Adrielle, it only took a minute. Pumakawala siya ng isang malalim na hininga habang nakatitig sa kawalan. "I'll be back for you..." "I'll be back...