Hinala
Damn him.
Bakit iyon ang ring tone nya!?
Tumingin saakin si Patrick na tila nagulat dahil sa ringtone ni Karl. Umubo naman si Ches na parang nagpaparinig. Nakaawang ang bibig na tinitigan naman ako ni Kenzo.
Umiling ako.
» Recess
"Yung kanina..?" Panimula ni Pat habang naglalakad kaming apat nina Kenzo, ako, siya, at Cheska patungong cafeteria.
"Darn it!" Humalukipkip ako.
"Pinaasa mo daw sya!?" Sabi ni Ches at tumawa.
"Ako!? Pinaasa ko sya? Ako ba talaga, ha?" Sabi ko habang umuupo kami sa favorite venue namin sa canteen.
"Baliktad na ata ngayon para sakanya," umirap si Kenzo.
"Whatever. Anong order nyo?" Tanong ni Pat.
"Strawberry shake + waffle + chocolate slice of cake for me," ani ni Cheska.
"Mango shake and ham & cheese pizza lang akin," sabi ko naman at kumuha ng pera sa wallet ko.
"Sa'yo, Kenzo?" Tanong ni Pat.
"Lilibre mo ako, ah?"
"Nah, next year," bumelat si Pat, "Ano nga?"
"Kpayn (k, fine), BOLA-BOLA siopao and Orange juice for me,"
Bola-bola.
"Nananadya ka ba, Kenzo!?" Tumaas ang kilay ko.
Tumawa sila kaya natawa na rin ako.
"Peace," aniya at nag-peace sign.
Makalipas ang ilang minuto na paghihintay ay dumating na rin ang order namin. "Eto na, mga madam!" Ani ni Patrick at nilapag sa lamesa ang mga pinamili nya.
» Dismissal
Nakaalis na ang karamihan sa mga kaklase ko pati na rin sina Ches, Pat, at Kenzo. Naghihintay na lang ako sa may labas ng school para sa sundo ko.
Matinding awkwardness ang bumalot sa paligid nang nakita kong magkalapit kami ni Karl. We were three seats apart from each other. At doon sa mga upuan sa pagitan namin, walang nakaupo.
Nagsisimula ng kumulo ang dugo ko. Napapansin ko rin syang tumatagilid ang ulo, tumitingin saakin. Bakit ba!?
Nagulat na lang ako ng may apat na babaeng lumapit sa may kinauupuan namin, mga grades 6 ata ito.
"Kuya, gusto sana naming tabi-tabi kami. Pwede usog ka na lang po doon sa tabi ni ate?"
No, no, no, not this freaking time!
Bakit ba kasi anim lang ang upuan dito? Tch. He had no choice but to sit beside me. Nalaglag ang panga ko sa ginawa nyang pagtabi saakin. I knew he hesitated at first pero tumabi pa rin. Damn the awkwardness.
"Katrina, nandyan na sundo mo," sabi nung guard.
Yass, thankfully.
Tumayo ako at parang hindi ko sya kilala nang walang pakealam na dinaanan lang sya. I then knew he was looking at me. FΠck it.
» At home, dinner time
"Bakit ang tamlay-tamlay mo the whole month, K?" Tanong ni mommy.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko galing sa hapag-kainan pero natigilan ako dahil sa tanong ni mommy.
"Oo nga, kahit nung new year, di nya feel yung kasiyahan," ani ni Anthony.
"Mommy... baka tungkol na 'yan sa love, ah?" Sabi ni Ate Aleja.
Nanginig ako.
"Is there something I need to know, K?"
BINABASA MO ANG
How to Unlove You (On an indefinite break)
Teen FictionIt's easy to forget you, it's painless to find another one to replace you, it's simple to get over you, but how can I do these things, if I don't even know how to unlove you?