Fifth

524 21 1
                                    


5 - Commitment


"Bakit bigla mo naman naisipan yan?" tanong ni Simon sa akin habang naglalakad kami papunta sa isang bench sa school grounds. Dala-dala nya ang bag ko at pati na ang mga libro na hiniram ko sa library maliban sa sarili nyang gamit. Habang ako na ang tanging dala ay cupcake at iced tea

Oo, kanina lang nangyari ang pagtatanong ko sa kanya. Mag-change location lang kami kasi gumawa ako ng eksena sa cafeteria.

Namumula pa rin ako dahil sa nangyari. Sa sobrang pagkagulat ko sa pagpayag nya ay napatayo ako at napasigaw ng "EH DI NGA?!!!" Kaya halos ng tao sa cafeteria ay napalingon sa aming dalawa. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko at di alam ang gagawin dahil sa sobrang hiya. Mabuti na lang mabilis kumilos si Simon, isinuot nya ang baseball cap nya sa akin at dinala ang mga gamit namin. Iniabot nya ang mga pagkain sa akin.

Nakakahiya kasi ang bibigat ng mga librong yun na gagamitin ko as references sa thesis ko. Inagaw ko sa kanya ang iba pero ayaw nya ibigay.

"Ano ka ba? Sabi mo nga kanina gentleman ang boyfriend mo." bulong nya sa akin kanina bago kami umalis sa cafeteria.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko, nakakahiya." sabi ko. At ibinaba ko lalo ang pinasuot nyang baseball cap sa akin para matakpan ang mukha ko.

Tumawa sya at hinila ako para maupo sa bench. "Di ako pumapayag na makipagbreak sa'yo ng ganun lang."

"Di ako nakikipag-biruan sayo, Simon." angal ko.

"Ako din. Kaya sagutin mo ako, bakit mo ginagawa yan? Anong iniisip mo?" seryoso nyang tanong.

Natakot ako at kinabahan. There's no use in lying. Pag di sya pumayag, di ko na talaga itutuloy yun.

Huminga ako ng malalim. "I just thought it as a project. Maghahanap ako ng lalaki na papayag na maging boyfriend. I'm just curious what will it be like if I have one."

Tapos sinabi ko na din sa kanya kung paano ako nagkaroon ng ganung idea.

"Gale, having a boyfriend is entering a relationship. Relationship needs commitment. You two must be willing to commit yourselves to your partner."

Sa sinabi nyang yun, para akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpagising sa akin sa katotohanan. Maling-mali talaga ako.

"I know. I'm sorry. I'm taking things lightly."

Tama si Simon. Hindi ganun kadali. Part of my brain is telling me, "I told you so!" At hindi lahat ng gusto ko ay masusunod basta- basta.

Grabe!! Naiiyak na ako sa katangahan ko. Nararamdaman ko na magtubig ang gilid ng mga mata ko.

"Hey..."

Nilingon ko si Simon. Maamo ang mukha nya. Mabait talaga sya para sa akin. Para syang kuya na papagalitan ka pag gumawa ka ng mali o katangahan.

"Ang mahalaga ay naiintindihan mo na. "

Pinahid nya ang lumandas na luha sa pisngi ko. Ngumiti siya.

"Tama na ang pag-iyak. Ayokong nakikitang umiiyak ang girlfriend ko. Di ba sabi mo nga, mabait ako."

Napatingin ako sa kanya.

"Wag ka nang malungkot. I'll be your willing subject for your project."

Literal na napanganga ako sa sinabi nya.

"Pumayag na ako, di ba? Hindi ko naman binawi yun. Tsaka gusto ko lang na malaman mo na isang seryosong bagay ang relasyon. Hindi basta-basta ang pagdedesisyon natin at dapat pinag-iisipan nating dalawa ng mabuti."

Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko at marahan nyang hinaplos.

"Stop crying, girlfriend. Smile."

---------------(•////3/////•)--------------

Looking forward for your feedbacks! Do comment, please!


Thank you!

The Boyfriend Project (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon