Pseudo-relationship or others call it MUTUAL UNDERSTANDING..
Ano nga ba ang Mutual Understanding?
Para sa karamihan, masarap magkaroon ng ka-MU. (Mutual Understanding.Malanding Uhugin. Malanding Ugnayan at kung ano ano pa.) Kasi daw, you get the feeling of being taken and the freedom of being single. Pero para naman sakin, hindi masarap ang magkaroon ng ka-M.U. Siguro kung may magandang kahihinatnan, pwede pa. Eh paano kung hanggang doon lang kayo? Hanggang M.U. lang? Yung umaasa ka na magiging kayo pa? Kung mahal ka ba talaga nya? Kasi ang sweet e. Parang kayo pero hindi naman kayo. Ang gulo noh? Yan ang mahirap sa MUTUAL UNDERSTANDING LANG. Kapag nagseselos ka dun sa kalandian pang iba ng ka-MU mo, di ka pwedeng magreklamo. Di naman kayo diba? Pero paano kung sakaling magreklamo ka? Manumbat ka? Ano sasbaihin niya sayo? "Bakit? Tayo ba?" Ang sakit kapag nakarinig ka ng ganyan. Yung kahit na nasasaktan ka na, di ka makapanumbat kasi hindi kayo. Wala kang pinanghahawakan. Sabi nga ni Dj Chacha, NO TO M.U. YES TO COMMITMENT. Actually, tama naman siya. Napakahirap at napakasakit. Marami akong kakilala na may mga ka-MU. Pati ako, naranasan ko yon. Pero nalagpasan ko yung moment nayun. Ngayon, yung mga kaibigan ko yung nahihirapan. May iba naman na masaya pa sa ngayon, pero di natin alam. Baka bukas, sa makalawa o sa isang linggo, umiiyak na yan. Kaya payong kapatid lang, kung makikipag-MU ka, make sure na magiging kayo. MAHIRAP UMASA.
------------------------
This story is based on true experiences..
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding.. doesn't work.
RomanceA story about two teenagers whose feelings are mutual. They were called "the campus perfect MU relationship" but I guess their Non-labeled relationship doesn't really work. No happily ever afters and no happy endings.