Chapter 37.

667 35 3
                                    

JOAQUIN'S POV

"Natatandaan mo ba tong lugar na to Joaquin?"-Shar-

Napangiti ako. Pano ko ba naman makakalimutan? Ito ang pinaka memorable place sakin. Dito sa lugar na to kami nag aminan ng feelings sa isa't isa. Dito sa lugar na to naging kami, 5 years ago.

"Syempre naman."-ako-

Napangiti si Shar. Nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Magkahawak ang mga kamay natin.

"Alam mo ba Joaquin, nung araw na sinabi mo sakin na mahal mo ako ako. Nung araw na naging tayo. Ayun ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko! Ang araw na kahit kailan hinding- hindi ko makakalimutan. Ang araw na nakaramdam ako ng sobrang saya!"-Shar-

Ako din naman e. Nung naging kami ni Shar, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko sya sasaktan. Hinding- hindi ko sya iiwan kahit anong mangyari.

"Mahal mo pa ba ako Joaquin?"-Shar-

Napalingon ako sa kanya. Nagulat ako sa tanong nya! Posible kayang kinukwestiyon ni Shar ang pagmamahal ko sa kanya? Ang pakiramdam nya ba ay hindi ko na sya mahal?

"Shar anong klaseng tanong yan?"-ako-

Tumawa si Shar na peke! Halata naman e.

"Wala. Natanong ko lang."-Shar-

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Magagalit ka ba sakin Joaquin kapag nakipag break ako sayo?"-Shar-

Napatayo ako sa sinabi nya.

"Shar! Ano bang pinagsasabi mo? Ano bang nangyayari sayo?!!"-ako-

Tumayo si Shar pero di sya nakatingin sakin. Nakatingin lang sya sa dagat.

"Magagalit ka ba?"-Shar-

Hindi ako sumagot! Natatakot ako sa sunod nyang sasabihin.

"Joaquin. Mag break na tayo."-Shar-

Parang nawasak ang puso ko sa sinabi nya. Tumigil ata sa pagtibok. Ang sakit!

"Shar! Di magandang biro yan!"-ako-

"Seryoso ako Joaquin."-Shar-

Napaluha ako. Nakita kong napaluha din sya.

"Bakit Shar? May nagawa ba ako? Di mo na ba ako mahal? May mahal ka na bang iba? Sabihin mo sakin Shar!"-ako-

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Joaquin. Wag mo na akong pahirapan! Magbreak na tayo!"-Shar-

Bakit Shar? Anong dahilan? Akala ko mahal mo ako? Akala ko ba walang iwanan?

Madami akong gustong itanong sa kanya pero natahimik na lang ako kasi di ako makapaniwala sa mga nangyayari!

"Aalis na ako. Kakalimutan na kita kaya kalimutan mo na lang din ako!"-Shar-

Maglalakad na sana sya paalis pero niyakap ko sya mula sa likod.

Napaiyak na ako.

"Shar! Bakit? Kung may nagawa man ako, sorry! Wag mong gawin sakin to Shar! Wag mo naman akong saktan!"-ako-

Ang sakit! Ang sakit sakit!

Pilit syang kumakawala pero hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

"Joaquin. Nahihirapan ako. Please! Pagbigyan mo na ako!"-Shar-

Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari to! Isa lang tong bangungot! Gusto ko nang magising! Masyado nang makatotohanan ang nga nangyayari! Ramdam na ramdam ko ang sobrang sakit!

"Ayaw ko na Joaquin! Ayaw ko na!"-Shar-

Hindi ko mapigilan ang patuloy na pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

"Shar di ko kakayanin! Hindi ko kakayanin na mawala ka sakin! Hindi ako mabubuhay ng wala ka!"-ako-

Narinig kong humikbi sya.

"Hindi.na.kita.mahal.Joaquin!"-Shar-

Pakiramdam ko, nagkapira- piraso ang puso ko sa sinabi ni Shar. Sobrang sakit! Bakit? Bakit mo ako sinasaktan Shar??!

---------------

Vote nyo po and comment :D thanks readers!

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon