"uy alam nio ba, yung president daw ng student council nasa hospital?"
Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko sa likuran.
"oo nga, kawawa naman, ang bata pa niya pero may sakit na sa puso", hirit pa ng isa kong kaklase.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila.
Nang biglang...
"president ng student council? ", gulat kong sambit.
"oo bakit, nagulat ka ata? ",tanong ng isa kong kaklase.
Si troy, tama,si troy nga pala ang president ng student council namin,nasa hospital siya?
Kinabahan ako sa nalaman ko, wala kase ako sa sarili nung araw na yun dahil sa kakaisip ng pinagtapat sakin ni troy.
"teka, alam niyo ba kung saang hospital siya dinala? ", madali kong tanong sa kaklase ko.
"jrmmc, yun ang rinig namin", sagot nito.
"jrmmc? ",
Teka, nandun ngayon si samuel.
Dali-dali akong umalis para pumuntang hospital.
After 30 minutes nakarating na ko.
Nagtanong ako dun sa nurse section kung saang room naka-confine si troy.
"uhm, excuse me nurse, saang room si mr. Troy De Vera? ", tanong ko sa nurse na naka duty dun.
"Mr.Troy de Vera?,wait lang po sir ah"
Tiningnan niya dun sa records na hawak niya.
"sir, sa room 143 po",
"sige salamat"
Dali-dali akong pumunta sa room 143.
"troy? Sam? ", bungad ko nang makita ko silang magkasama.
"wait sojie, it's not what you think", sagot ni sam.
"troy akala ko ba inatake ka? ",tanong ko sa kanya.
"pinapunta ko siya dito, it's about time", sabat ni sam.
"time for what? ", nagtataka kong tanong..
"sinabi ko na sa kanya lahat, na kunware lang ang relasyon natin nung una para pagselosin siya, but now totoo na ang nararamdaman ko", paliwanag ni troy.
"ngayon sojie, mamili ka samin", hirit ni sam.
"sorry, pero i didn't love anyone of you", malungkot kong sagot.
"what? ", gulat na tanong ni sam.
"oo, pumayag ako sa favor ni troy na pagselosin ka para magkabalikan kayo, that's all, besides, troy is my ex, and your troy's ex", paliwanag ko.
"and so? Ano naman kung ex niya ko", hirit ni sam.
"ayoko pang pumasok sa relationship, hindi ako ready sa kung ano mang concequences ang dumating"
Nangako ako kay Khiel na hihintayin ko siya.
Kahit hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ako.
Masyado ko nang kinakawawa ang sarili ko.
Oo mahal ko pa rin si troy at si sam, pero ayokong magulo ang lahat, so i choose no one of them.
Iniwan ko silang dalawa at lumabas na ko ng hospital.
Hinabol ako ni troy pero hindi ko hinayaang pigilan niya ko.
Wala ako sa sarili habang tumatawid, nang biglang...
"sojieeeee!! ", sigaw nang isang pamilyar na boses.
May tumulak sakin pero hindi ko alam kung sino, natumba ako at nang makatayo nakita ko ang duguang katawan ni troy, walang malay.
Hindi ko alam ang gagawin ko that time,umiiyak akong humingi ng tulong sa paligid.
Since malapit lang sa hospital naganap ang accident,mabilis nadala si troy sa hospital..
He's in a critical condition ayon sa mga doctor, at may possibility na hindi na siya magising.
Dumating ang parents ni troy, niyakap ko ang mama niya since kilala na niya ako.
Kapwa kami umiiyak sa nangyare.
Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.
Hindi sana mamgyayari to kung hindi dahil sakin.
Nang gabing yon, hindi ako nakatulog.
Iniisip ko pa rin ang nangyare kay troy, and it haunts me.
Paano kung hindi na siya magising?
BINABASA MO ANG
Yesterday's Promise
Non-FictionNormal lang na magkagusto ang isang lalaki sa isang babae, at ang babae sa isang lalaki. Pero paano kung ang isang lalaki ay magkagusto sa kapwa niya lalaki? At ang babae sa kapwa niya babae? Normal lang ba yun? Kung ako ang tatanungin, OO. Maybe sa...