Nagising ako sa sinag ng araw.Kinapa ko ang phone ko sa side table ko.Gamit ang isang matang nakabukas,sinilip ko kung anong oras na.
"What the hell?!"napa-balikwas ako ng tayo ng makita ko ang oras. "Bakit ganitong oras na kong nagising...jusko naman"ani ko habang nagma-madaling ayusin ang kama ko bago dumiretso sa banyo upang mag-ayos ng sarili.Dapat na kong maligo.
Halos mabitawan ko lahat ng mahawakan ko habang naliligo sa sobrang pagma-madali."Okay,kalma..."huminga akong malalim bago nag-patuloy sa ginagawa ko.Binilas ko ang kilos ko ngunit mas maingat na ngayon.
Pag-labas ko ng banyo ay dumiretso ako sa walk-in closet ko.Nagpu-punas ako ng buhok habang nagha-hanap ng isususot ko.Pinili kong suotin ang grey sweat pants ko at isang loose white shirt na may print sa gitna.Napa-ngiti ako ng maalala kong halos ganun ang suot niya kagabi,ngunit napawi ng maalala ko kung gaano rin ako naging dismayado kagabi.
"Aish!Umayos ka nga..."iling ko habang pinapangaralan ang sarili ko.Nag-bihis ako bago lumabas ng kwarto.
Pagka-baba ko ay nakita kong nag-hahain na ng mga pag-kain ang ilang katulong.Naka-pwesto naman na sila Tito Jayden at Tita Beth.Hindi ko alam pero bigla akong nahiyang dumiretso sa hapag lalo na kapag naa-alala ko yung kagabi.Halos hindi ko matagalan ng tingin si Tito Jayden dahil hindi ko alam ang iaakto ko kung sakaling mag-lipat ang tingin niya saakin.Hindi padin kami nakakapag-usap.
Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Hazel.Nakita ko naman siyang galing kusina at may dala-dalang isang pitsel ng juice at baso naman sa kabilang kamay niya. "Juice kayo dyan--oh!Good aftieee!Gising ka na pala"malawak ang ngiti niyang baling sakin.Gusto kong hatakin pababa ang mga buhok niya ng maagaw niya ang atensyon ng lahat at mag-lipat ng tingin sakin.Una kong nilingon si Tito Jayden at hindi nga ako nag-kamali,naka-tingin siya sakin.
Niyuko ko ng bahagya ang ulo ko. "G-goodmor-ahm,ehem.Good afternoon po,Tito...Tita."ani ko.Tinaasan naman ako ng kilay ni Hazel ng hindi marinig ang gusto niyang marinig.Pinakita ko pang nagta-taka ako.Pinan-lakihan naman niya ako ng mata sabay senyas sa gawi ni Tito Jayden na parang binabalaan pa ko. "Ah..."ani ko ng makuha ko ang ibig niyang sabihin. "Good aftieee!...Sis."ngayon ay mas nanlaki ang mga mata niya sa gulat.Hindi niya siguro inaasahang tatawagin ko siya sa paraan ng pag-tawag niya sakin kagabi.
Sinenyasan niya ako kanina dahil kapag hindi ko siya binati ay iisipin ni Tito Jayden na magka-away kami kahit hindi naman.Hindi lang talaga normal samin ni Hazel ang mag-batian.Mag-asaran at bwisitin ang isa't isa ay maaari pa.
Lumapit siya sakin."Tara na,kain na tayo."aya niya.
Nawala naman ang kaba at hiya ko ng mag-simula kaming kumain ng normal.Hindi din naman galit ang aura ni Tito,nakikipag-usap siya sa isa't isa ng normal kaya naka-hinga naman ako ng maluwag.Kumuha ako ng baso ng tubig at nag-simulang uminom.
"Bakit kayo nagpaka-lasing kagabi."agarang tanong ni Tito Jayden.Nasamid ako dahil don.
Nakita ko naman ang tingin ni Tita Beth sakin. "Tama yan,Jade.Nawiwili ang mga 'yan kakalabas ng gabi at halos abutin ng umaga sa labas."
Ganyan si Tita Beth,laging present sa twing pinag-sasabihan kami ni Tito Jayden.Though there's nothing wrong with it,especially sila naman na ang tumayong guardian ko ever since.
"Don't we deserve an explanation from the two of you?"tanong ni Tito Jayden matapos uminom ng tubig.Tapos na siyang kumain.Ngunit umpisa na ng sermon.
Nag-tinginan kami ni Hazel at sa tingin niyang 'yon ay mukang alam ko na.Ako nanaman ang unang magpa-paliwanag.
"Ahm,as we all know,you guys allowed us to drive,went out somewhere,drink,so..."I low key defend our side.I saw Tita Beth scoffed.
BINABASA MO ANG
45 Calibre
RandomShe's living, and it feels like she's in debt. Blind by an owe, she does dirty work. It's giving it all in like she already forgot who she really is or what she's not. (c)Pinterest(story cover)