Starring: Rhainer & Sharlot ♥
Warning! : NOSEBLEED :D
-----Sharlot: sorry na Rayn, mahal naman kita eh, di nga lang pwede.
Rhain: Pinag lalaban naman kita ah ? Bat di mo magawa ?
Sharlot: may tamang panahon para dyan, mag-aral tayo, baka mabagito
Rhain: Marunong ako. HAHAHAHA XD
Sharlot: heh ! tumigil ka nga
Rhain: HAHAHAHA XD di ako tanga
Sharlot: lahat nagiging tanga pagdating sa larangan ng pag-ibig
Rhain: Walang magiging tanga kung gagamiting ang puso at isip hindi puro bugso ng damdamin
Tatandaan mo yan. Pinaglalaban kita pero wala kang ginagawa.
Sharlot: ginawa ko naman lahat, sadyang hindi pa ito ang tamang oras at panahon para sa ating dalawa
Rhain: Walang tamang oras kung nasa tamang pag iisp na tayo. Alam natin ang bawat galaw at bugso ng puso. Hindi tayo tanga.
Sharlot: Marami pa akong nais makamtam, sana maintindihan mo, may isip ka, kung tayo, tayo talaga
Rhain: Hindi ako makakahadlang sa iyong mga pangarap. Bagkus akoy magiging instrumento upang iyong makamtan ang mga ito.
Sharlot: Lagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng panahon ay pwedeng madaliin ang lahat, hindi nga tayo tanga ngunit hahayaan mo nalang ba na magpatuloy ito kahit alam naman natin na hindi pa tayo handa?
Rhain: Alam mo at higit na alam ko na handa na tayo. Dahil sa bawat pag pitik ng pulso at puso ko. Alam ko ikaw lang ang laman nito.
Sharlot: ang puso ko'y nagagalak dahil sa pagmamahal na ipinadadama mo, ngunit hindi pa ako handa, maaring sa tamang panahon makakaya na kitang ipaglaban ngunit hindi ngayon, hindi ko pa kaya.
Rhain: Hanggang kailan ako mag hahantay ?
Hindi kaya ng puso ko na maranasan ang malalamig na gabi kasama ang munting lampara sa aking tabi. Ikaw lamang at wala nang ibang kailangan dito sa puso at isip ko. Ano ba ang pagkukulang ko ? Pakibigkas mo.
Sharlot: wala kang pagkukulang. ako, ako ang nagkulang, nagkulang ako ng lakas ng loob upang ika'y ipaglaban. ikaw lamang ang nilalaman ng aking puso ngunit bago ko ibigay ang aking buong puso at pagkatao sa iyo, nais kong ayusin muna ito
Rhain: Haharap ako sa iyong ina at ama. Ipapakilala ko ang aking sarili ng saganoy malaman nila na tayo ay tunay na nagmamahalan. Kahit ilang bituwin ay kaya kong bilangin para lang sayo aking sinta.
Natatakot ako sa bawat pagbigkas mo ng mga salitang hindi mo na kayang ituloy ang pag iibigan natin.
Sharlot: hindi na kailangan mahal kong Ulan(rhain). sapat na ang iyong nagawa upang masalba ang ating pagmamahalan, ngayon ako naman ang lalaban para sa ating dalawa. hintayin mo lang, paalam aking mahal, hanggang sa muli
Rhain: Kung yan ang iyong ninanais aking irog. Aking maluwag na tatanggapin sa aking puso. Alam kong masakit at magdurugo itong aking puso. Pero para sayo. Lahat ay aking gagawin. Maghahantay ako. Maglaho man ang mga bituwin sa langit. Paalam aking mahal na syarlot.
Alaala may nakakalimot. Ngunit ang puso koy mananatiling ang pintig ay ikaw. Paalam.
Sharlot: maraming salamat, mahal kita ng buong puso, paalam. tatanggapin ko kung habang ika'y naghihintay ay may magpupuno ng aking pagkukulang. ngunit sana mali ako. Paalam
Rhain: Naway ako parin ang magiging laman niyan. Paalam.
Sharlot: kahit kailan ma'y mananatili ka dito. ikaw at ikaw lamang. Paalam (for real)
---
Masyadong malalim ang mga wordings nila. XD #whogoatthis hahahaha. Labyu Rhain and Sharlot ♥♥
BINABASA MO ANG
Sa Aming Group Chat
Teen Fictionsaksihan ang mga kwento, hugot, kacornihan, kabaliwan at etc. namin :3 #TeamUnexpectedBessprenss♥ #SWIFTIESph