Dear Diary,
Break na kami ng crush ko....
Eto yun eh! ganito yung masasabi mo if may nilalandi yung crush mo. Ikaw naman tanga,nagmamahal ka ng patago. O sobrang talkative ka nga,pero pipi ka naman para magtapat. Its funny when you realise that your heart is broken without him noticing.
" Ai ateng, konti nalang tutulo na yang sipon mo. Makaemote lang. Ano bang problema mo?"
"meron siguro ngayon."
"Ajujujuju... Ang saket mga ateng!"
"Masakit pala. Edi huminge ka ng gamot sa clinic."
"May gamot ba sila dun para sa mga broken hearted?"
"Aba meron! Huminge ka ng isang garapon. Lunukin mo lahat pati garapon. Siguradong mawawala ang problema mo..mawawala ka na rin sa mundo."
"Ang emotera much! Wala ka namang boyfriend diba? Bat ka mabo-broken hearted?"
"Akala nyo lang wala! pero....wala naman talaga. Ateng! malapit na ang valentines day! Wala na siyang time saken. Lumandi na siya agad. Ajuju."
"Gaga. Hindi kayo at saka walang kayo."
"Halika na nga. Nagbell na oh..."
"Ateng naman eh.. Ang KJ mo." I stamp my feet then pout.
"Ang tanga mo din. Wag ka ngang mag-pout. Para kag pato."
Kelan talaga di naging suportive tong mga kaibigan ko saken. Kitams! Iniwan pa ako. Aish! makaalis na nga dito.
'ehem ehem. may text ka ganda, may text ka'
Hay.. mabuti pa tong ringtone ko marunong mag-compliment.
'Hi.' Unkwown number,, hay.. Sorry ka nalang. I don't entertain strangers.
'ehem ehem. may text ka ganda, may text ka'
'ui..reply ka naman jan. Busy ka na naman kakaisip jan.' huh? tumingin ako sa paligid. Wrong move! Nakita ko kasi yung Crush ko. The one who broke my heart secretly. Ang landi landi talaga niya! ajujuju.. Bitter ang peg.
'ehem ehem, may text ka ganda. may text ka." Oo na. Ako na maganda. Nafa-flattered na ako sa ringtone ko. hehehe..
'Nakakamatay yang ginagawa mo. Di mo ba alam?' Anong nakakamatay? At saka hindi ko naman talaga alam kung anognpinagti-text neto. Baka naman nawro-wrong send lang to? Baka nga..(moo..moo..) hehe.. text ng text eh.. I tap the letters in the screen trying to compose three single words.
'wrong send ka.' After that, I press send.
'ehem ehem. may text ka ganda. may text ka.'
"Maria Eleonor Ocampo Wang. Im warning you. Keep your cellphone silent or else i'll confiscate that."
"eee..Sir naman. Complete name talaga." I face him then give him a puppy eyes. hahaha.
"oh no no.. hindi mo ko madadala jan Miss Wang."
'ehem ehem. may text ka ganda.may text ka.' Aish! ini-off ko na cellphone ko. Ang sama na ng tingin saken ng mga classmate ko. Kala siguro nila nagpapapansin ako sa tatay ko. Yup! Tama ang nababasa niyo. Tatay ko ang teacher ko.
Hay sa wakas tapos na rin ang klase. Sabi ni papa hintayin ko nalang daw siya sa parking lot. Tumuloy na ako papunta dun. Ini-on ko na ang cellphone ko. Nobody would mind or care kung mag-iingay pa to pero ang nakakainis lang, sunod sunod yung narereceive kong text and note, kay unknown number galing. Hindi ba siya nakakaintindi na wrong send siya. Binuksan ko yung first message.
![](https://img.wattpad.com/cover/32270402-288-k108055.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Diary (One Shot)Completed
Teen FictionDear Diary, Break na kami nang Crush Ko!