"Luh, seryoso, pumikit ka? Akala mo siguro hahalikan kita? Yuck, nakakasuka, hoy!"
Malakas akong natawa. Humawak pa ako sa tiyan ko dahil sumakit iyon sa kakatawa ko. Paano kasi, pumikit siya tapos sobrang pula ng mukha niya. Mukha siyang na-estatwa. Kasalanan ko iyon pero mas okay kung aasarin ko na lang siya. At least hindi ako mag-iisip na ginawa ko 'yon sa buong buhay ko. Hindi ako hahalik ng kaibigan! Pero hindi ako nagsasabi ng totoo na nakakasuka iyon. Sabi niya nakakasuka raw kapag humalik ng taong hindi mo naman gusto? Bakit parang hindi naman?
"Sa'n mo tinago 'yong kutsilyo mo, huh? Sasaksakin kita!" Hinahanap niya iyong kutsilyo sa kusina.
"Matulog ka na lang, kung ako sa 'yo."
Itinuloy ko na ang pag-kain. Padabog naman siyang humiga sa kama ko.
"'Wag kang tatabi sa 'kin! Sasakalin kita kapag tulog ka na!" Nag-banta pa bago matulog.
Natawa na lang ako at nailing. Tinapos ko na ang mga gawain ko at tumabi sa kaniya sa pag-tulog. Sanay na kaming matulog na magkatabi. Halos dito ba naman kasi tumira 'tong tao na 'to. Hindi ko kayang sa couch ako matulog lagi!
Noong umaga ay back to normal na. Parang walang nangyari kagabi. Sabay kaming kumain ng almusal at tanghalian.
Pagkatapos kumain ay nauna na siyang naligo at sumunod naman ako. Nag-commute kami papunta sa mall na napag-usapan namin. Nakasabay pa namin sila Leighnash sa isang jeep papunta roon. Salubong tuloy ang kilay ko habang nasa byahe. Puro kasi kalandian 'tong si Nash.
"Fix your face." Bulong ni Sol nang makita ang hitsura ko. "Ang pangit mo. Ayusin mo na." Natawa ito.
Umiling ako pero inayos ko na ang kilay ko. Kalmado na ang mga ito ngayon. Pilit pa akong ngumiti at nag-thumbs up kay Sol.
"Okay na?"
"Better," natatawang sagot ni Sol.
Umirap ako at hinintay na lang na makababa kami. Nauna akong bumaba sa jeep at nauna rin akong nag-lakad papasok sa mall.
"Kalmahan mo mag-lakad. 'Di ako makasunod. 'Yong hakbang mo pang-dinosaur," hingal na sabi ni Sol habang binibilisan ang hakbang niya.
Binagalan ko ng kaunti ang lakad ko. Tutal, malayo-layo naman na kami kila Leighnash dahil naglalandian pa sila sa daan.
"Kanina pa kayo diyan?" tanong ni Ave.
Umiling ako. Nakaupo kasi sila sa isang hagdan sa tapat ng Tom's World at doon namin sila nakita.
"Sa'n 'yong iba?" tanong ko pabalik.
Itinuro ni Yoshi ang dalawang kalalabas lang ng Tom's World gamit ang hinlalaki niya. Si Heather at Kanao.
"Madaya, naglaro na kayo?! Bakit hindi niyo ako hinintay?!" Reklamo ko nang makarating silang dalawa sa kinaroroonan namin.
"Ang tagal mo kaya!" sabi ni Heather. "Isa pa 'to, dapat 'di na lang pala ikaw sinama ko!" Inis niyang hinampas ang braso ni Kanao.
"Luh, inaano ka?" Tinaasan naman ng kilay ni Kanao si Heather.
"Binuraot mo lang naman 'yong mga token ko!" Reklamo ni Heather.
"Shh, parang bata. Tara na! Sa'n ba tayo unang pupunta?" tanong ni Lily saka inilagay ang cellphone niya sa bulsa.
"Bookstore tayo?" tanong din ni Yosh.
"Hala, g! Tara na," sabi naman agad ni Lily.
Tumango na lang ang iba at sumunod. Nag-ikot ikot kami sa loob. Naghanap lang ako ng ballpen, kailangan ko ngayon. Paubos na tinta ng pens ko. Si Lily naghanap agad ng Wattpad books. Si Yosh, uhm, ewan. Puro pang-aral ang binili niya. Sila Nash at Sam, sumunod lang pero mukhang wala namang bibilhin. Si Ave, gano'n din. Sila Kanao at Heather, kung ano-ano lang ang tinitignan.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
AcakCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...