Kabanata 2
Kiss On The Cheeks
Wala sa sariling napabuntong hininga ako habang nakapamewang habang pinagmamasdan ko anh magulo kong kwarto. Here I am, currectly cleaning my whole room. In-organize ko lang ang mga gamit koand nagpalit ng bed sheet.
Sandali lang akong nagpahinga bago ko ibinalik ang mga hinamit kong mga panglinis sa bodega. At papalabas na sana ako nang mapansin kong nahilig mula sa lumang cabinet ang dalawang litarto.
Nangunot naman ang noo ko. Anh lumang cabinet 'to ni kuya Malach at sa pagkakaalam ko ay wala ng gamit dito. Pinulot ko ang pictures.
I smiled when I saw that it's the picture of kuya Malach and I. Nangunot lang ang noo ko dala ng pagkirot ng ulo ko nang sinubukan kong alalahanin kung kailan at ano ang nangyari sa mga panahong kinuhanan kami ng litratong 'to. Nakakapagtaka lang na wala akong maalala ni isang detalye. Weird.
Naka angel costume ako at villain naman siya. Naka wacky kaming pareho, nakaakbay siya sa'kin at nakayakao naman ako sa baywang niya. We look so young here.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang isa pang litrato namin ni kuya Malach. Nakahawak siya sa baywang ko at nakayakap naman ako sakaniya. Same costume parin kami pero this time, nakahalik ako sakaniyang pisngi. Napalunok ako.
Sobrang laki ng ngiting nakapinta sakaniyang mga labi, dahilan ng paglitaw ng dalawang malalalim niyang pisngi.
Kuya Malach is so tall, six footer. He has this fit body. He has a wide back which made him look more masculine. His jawline is on fleek. His eyes are deep and he has this thick brows and and pretty long lashes. He also has this two deep dimples which made him look so charming. His thick lips are also popping, dahilan siguro ng pagkakahumaling sakaniya ng napakaraming babae. May girfriend na ba siya ngayon? Is he planning to be married?
Hindi ko na alam kung ano ang itsura niya ngayon. Napalunok ako nang maalala kong limang taon na pala simula no'ng pumunta siya ng Amerika. At hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin kung bakit siya pumunta ro'n nang hindi nagpapaalam sa akin. Kailan ko kaya siya ulit makikita?
Ibinalik ko nalang sa cabinet ang mga pictures saka mabilis na lumabas ng bodega. Nagpahinga lang ako saglit bago ako maligo.
Simpleng oversized t-shirt at maikling shorts lang ang isinuot ko since nasa bahay lang naman. Minadali ko ang sarili ko sa pag-aayos dahil sa kailangan ko ring bumaba agad dahil sa ngayon pupunta ang Helix dito sa bahay. Since captain si kuya Zachario, sakaniya lagi ang huling desisyon kung saan ang benue nila for celebration. Celebration? Yup, nanalo sila kahapon.
Kadalasan, dito sila sa bahay nagcecelebrate since wala nga ang parents namin dito. Ang mga maids lang namin ang mga kasama namin dito ni kuya Zachy kaya okay lang.
Siyempre, matic na ang pagdating nila Sachzna at Zerachiel na ngayon ay ginugulo at kinukulit ako tungkol sa pagiging late mamaya mi Thiago.
"Hi, bundat!" Bungad sa akin ng walang hiyang si Xaerex pagkababa ko ng hagdan.
Plain black at pants ang suot niya tsaka white sneakers. Kakagupit lang din niya kaya mas lalong umaliwalas ang pagmumukha ng anak ng diablong 'to.
"Invited ka pala?" Pagtataray ko naman dito. Tinawanan lang niya ako.
Ka-batch ko si Xaerex at classmate ko siya sa isang subject kaya't may oras kaming magsama. The worst part is, mag katabi kami! At sa tuwing magkasama kami, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang patayin ako sa galit. Sobrang lakas niya mang-asar. Hindi naman ako makaganti dahil tikom talaga ang bibig ko dahil sa isang bato pa lang ng pang-aalaska niya ay talagang sumasabog na ako.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...