Kabanata 3

729 68 3
                                    

Kabanata 3

Is it you?

Hindi ko alam kung papaano ako nakaramdam ng antok kagabi pero sigurado akong mahaba-haba ang naging tulog ko.

Pero hindi ko parin maiwasang hindi mabanas. Alas sais pa lang kasi ng umaga pero pakiramdam ko ay mabigat na agad ang simula ng araw ko.

'Because I hate gays!'

Muli akong napabuntong hininga nang maalala ang linyang 'yon ni Thiago. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang utak ko dahil pinaalala pa ito. Marahan akong pumikit at pilit ko nalang na iniwaksi ang isiping iyon saka bumangon na at dumeretso sa banyo.

Mabilis lang akong naligo at nagpalit bago bumaba. At doon nga ay naabutan kong kumakain na ng agahan si Kuya Zachy at naka uniporme narin.

Hindi ko na kinibo si kuya dahil mukhang badtrip siya. Baka sa'kin pa mapasa ang galit niya. Tahimik nalang akong kumain na hindi ko rin naubos dahil sa binabagabag talaga ako no'ng sinabi ni Thiago kagabi.

Sa kotse, hindi parin lami nagkikibuan ni kuya Zachy. Hanggang sa bigla nalang niyang binasag ang katahimikan.

"Darating sina Malach next month," seryosong sambit niya na deretso parin ang tingin sa daan.

Agad naman akong nabuhayan ng loob sa narinig ko.

"Really!?" Hindi makapaniwalang tanong ko, napaharap pa ako sakaniya.

"Sad to say, yes." Halatang inis siya sa
pagkakasambit no'n.

Bwisit rin kasi 'to eh. Hindi ko naman alam kung ba't kulong-kulo ang dugo niya kay kuya Malach

"Kailan ba kayo mag-aayos ni kuya Malach?" Iritadong tanong ko habang deretso parin ang matalim kong tingin sakaniya.

Nakita kong nag igting kaniyang mga panga. Sobrang seryoso ng mukha nito. Halatang galit siya.

"Zaicho Eldhin Fortalejo, I know you already know the answer." May halong pagbabanta ang tono niya.

Natikom naman ang bibig ko. Ang seryoso naman masyado ng isang 'to. Lagi niyang sinasabi na never na raw sila mag-aayos ni Malach. Pero hindi ako naniniwala do'n. Tatlo na nga lang kaming magkakapatid, mag-aaway-away pa kami. Hindi ba dapat, bilang kapatid, nagkakampihan?

Bigla ko tuloy maalala no'ng ilang taon bago sila umalis para pumunta ng Amerika. Halos lahat yata sila ay galit kay kuya Malach... at dahil lang 'yon sa magkasama kami sa motor!

~FLASHBACK~

"Kuya!" Tawag ko kay kuya Malach nang makita ko siyang nagsisimulang imani-obra ang motor sa harap ng bahay namin.

"Oh, baby? Why are you still here? Marami ng lamok dito." Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kuya Malach ko.

"I wanna learn that thing eh!" Nakanguso pang sambit ko, pumapadyak-padyak pa ang mga paa.

Nakangisi namang bumaba ang kuya ko sa motor niya at nagsimula siyang maglakad papalapit sa'kin.

"Kuya, you're sweat!" Sigaw ko bago ko pa ituro ang noo niya nang makita ko ang mga butil ng pawis dito.

Bakas rin sa damit ni kuya ang pawis. Kanina pa kasi siya naglalaro ng basketball eh.

"Hmm.. My baby is concern, huh?" n
Nakangising sambit ni kuya nang makalapit siya kaya nakita ko ang dalawang malalalim niyang biloy sa magkabilang pisngi.

Nakanguso naman akong tumango. Ginulo lang niya ang buhok ko bago pa ako akbayan at higitin papunta sa kaniyang motor.

Isinakay niya ako sa harapan niya at pumunta siya sa likuran ko. Agad niyang inilagay ang dalawang kamay niya sa dalawang manibela kaya ngayon ay tila ba nakakulong ako sa dalawang mga braso niya patalikod. Sobrang lapit namin sa isa't isa, as in. Kaya naaamoy ko ang kaniyang pabango kahit pa na pawisan siya.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now