-Krystal-
Halata na ang sanggol sa tiyan ko sa laki nito. Pinatigil na muna ako sa pagtratrabaho ni Dean sa kalagayan ko. Hindi naman nakakabagot dahil break ng mga bata mula sa pag-aaral.
"Daddy gave me this Dino! It's not yours!" Narinig ko ang sigaw ni Deanna mula sa sala. Napamasahe ako sa ulo ko. Hindi nga nakakabagot, palagi naman silang nag-aaway.
"Babies, remember what daddy told you? Huwag pasaway. Gusto niyo bang makita ni baby na nag-aaway ang ate at kuya niya?" I asked them, kaagad naman silang umiling.
"Okay, I'll let you borrow it" Deanna rolled her eyes and handed the toy on her brother.
"Do you want to come with mommy? Bibili akong groceries" I told them. Umangat ang tingin nila sa 'kin at tumango.
"I'll take a bath mommy" pagpapaalam ni Deanna bago tumakbo papunta sa kwarto nila.
Hinayaan ko munang maglaro si Dino sa sala at bumalik na sa niluluto ko. Pinagluluto ko rin kasi si Dean para sa lunch niya. Hindi niya alam na pupunta ako roon, I want to surprise him.
"Let's go, mommy!" Excited na sabi ni Deanna habang inaayos ko ang mga pagkain.
"Let's wait for your brother" I said to her. Masyado siyang excited, papabili lang naman siya ng chocolates.
"Dino is done already. Let's go, let's go!" Masayang sabi ni Deanna at lumapit papaunta sa 'kin. Hinihila niya ang damit ko, gustong gusto ng umalis.
"I'll carry that for you mommy. Daddy said you can't carry heavy things" Dino smiled at me. Napangiti ako dahil doon kahit bag lang ng kainan ang dinadala ko.
"No, I will carry it!" Pakikipag- agawan ni Deanna.
"I will!" Sagot naman ni Dino.
"Stop fighting please" I told them. Binitawan ni Deanna ang bag at hinayaang si Dino ang magbuhat ng bag.
I locked the door before walking towards them.
"Shotgun!" sigaw ni Deanna. Binuksan niya ang pintuan ng shotgun seat at doon umupo. Himala at hindi nakipag-away si Dino at pinayagan ang ate niyang doon umupo. Lagi silang nag-aaway kung sinong uupo sa shotgun seat everytime na kami lang tatlo.
"Dr. Davis please" I told the office nurse of Dean.
"Sit there and wait for your turn ma'am" the nurse said. Pinagpasensyahan ko nalang dahil mukhang bago lang.
"I'm actually his wife" I informed her. Tinignan niya muna ako nang maigi, pati ang mga bata bago sumenyas na maghintay kami.
"Doc asawa niyo raw po" rinig kong sabi niya. Nasa labas pa rin siya at nakasilip lang sa pinto.
Napakurap ako nang nasa pintuan na kaagad si Dean at napaatras ang nurse sakanya. Ang bilis niyang makarating sa pinto ah?
"Daddy!" Kaagad na nagtakbuhan ang kambal papunta sakanya.
"What's this?" tanong niya nang iabot ni Deanna ang lunchbox sakanya.
"Lunch mo" I answered him. Hindi naman alam ni Deanna kung anong laman non kaya ako nalang ang sumagot.
"Thanks" He smiled and walked closer to me. He leaned to give me a smack kiss before walking towards the table to prepare his lunch.