Chapter 62

37 4 0
                                    

Heon P.O.V.

Nang panuoorin ko ang paglabas ng tatlo ang siya namang paglapit saakin ni Diana

" Let's talk, Follow me" Utos nito saakin kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya

Nang makalabas kami ay  mabilis niya akong isinandag sa pader

" Ano ang ginagawa mo!?" Galit na tanong niya pero hindi ako umimik

" I'm your girlfriend heon! Anong sinasabi mong si Dime yon!?" Naiinis na tanong niya kaya hinawakan ko ang nakakuyom na kamay niya

" We need her Diana, Please makinig ka muna saakin" Pakiusap ko pero itinulak niya parin ako

" Hindi natin siya kailangan! Bakit ba ayaw mong ipaglaban ako!?" Sigaw niya na kami lang ang nakakarinig

" Sinusubukan ko Diana, Sinusubukan ko na ipaglaban ka kaya please makinig ka naman sakin" Pakiusap ko pero sasampalin na sana niya ako ng may pumigil doon

" Hindi ko hilig ang makealam pero siguro naman ay may karapatan ako?" Nakangising tanong ko

Tinignan ko si heon at inalis sa kinaroroonan niya saka tinignan kung may galos siya

" Ngayon magusa--" Di ko naituloy ang sasabihin nang mabilis na lumagkit ang mukha ko

" Oh my god" Histerical na sigaw nila

" Ang lagkit niyan" Natatawang pahayag naman ng ilang classmate namin

" Ang lakas ng loob mong sumingit dito" Galit na pahayag ni Diana

" Bakit Dime Rosaly ipinagmamayabang mo ba na ampon ka ng mga Prism?" Parang nasisiraang tanong nito

" So hindi niya kaano ano ang mga prism"

" What a fake!" Sigaw naman ng ilan

" Well halata naman sa itsura niya ngayon ang katayuan niya" Pahayag ng mga dumadaan

Sasagot na sana ako ng may mabilis din na nagtapon ng juice sa mukha nito

" Opps.. Sorry" Maarteng pahayag ni Yeri saka ngumisi sa harap ko

" Bakit Diana? Pinagmamalaki mo din ba ang katayuan mo ngayon? Kung ampon ang bestfriend ko eh ano ka pa? Sampid?" Nangaasar na sumbat nito

" Hindi ko maintindihan kung bakit galit ka sa bestfriend ko Pero tandaan mo sa katayuan niyo ngayon mas karesperespeto siya" Singhal nito

" At kayo naman kala niyo eh ang gaganda niyo eh Singkwenta pesos lang yang damit niyo sa ukay ukay" Singhal nito sa mga nagbubulungan sa tabe kaya bago pa man siya makahirit ulet ay pinigilan na siya ni Luis

" Karesperespeto? Sa pagsingit niya sa relasyon namin Karespe-respeto ba yon?" Takang tanong nito

" Oo nga naman Ms Prism Karespe-respeto ba naman ang gawain iyan? Eh halos alam na ng buong school na nobya niya to?" Singit ng presidente sabay turo kay Diana

" Kung sabagay wala namang magagalit kung aagawin mo sa kanya ang boyfr--" Naputol ang sasabihin nito ng inihawak ko ang kamay ko sa uniform niya

" Wahh!!! Oh my god! Oh my God! Ang lagkit niyan!!" Sigaw niya saakin

" Hindi ko kailangan ng opinyon mo at ng mga salitang ilalabas ng bibig mo " Kalmadong saad ko

" Mas makakatulong ka pa kung mananahimik ka na lang " Sumbat ko pero sa mahinahong boses parin

Saka ako tumalikod at sinulyapan lang si heon at saka nagtuloy tuloy ng paglakad papaalis

" Let's talk later" Rinig kong saad nito at nagulat na lang ako ng hatak hatak niya na ang kamay ko

Trapped into Bad Girl's Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon