Therra P.O.V.
Pagkalabas ko sa Classroom ay nagmadali akong maglakad sa hallway dahil late na ako sa trabaho
Pero laking gulat ko ng may malakas na pumalo sa likod ko kaya napasalampak ako sa floor
' Firststrike ang kingina' Inis na pahayag ko
Nakaramdam pa ako ng hilo dahil doon naramdaman ko din ang pagtulo ng dugo at sigawan ng mga school mate namin pero hindi ko iyon pinansin at mabilis na tumayo
" Hey san ka pupunta dadalhin ka pa namin sa hospital" Nagaalala pero maarte paring sumbat ng ilan
" Tss galos lang yan at kaya kong pumunta don ng magisa" Mayabang na saad ko saka kumapit sa mga pader para makalakad ng maayos
Iniling iling ko pa ang ulo ko dahil sa nararamdaman kong hilo ng makakita ako ng taxi sa parking lot
" Sa Hospital " Utos ko pagkapasok
" Sang Hospital Ma'am?" Nagaalalang tanong nito
" Tss kahit saan manong wala akong oras para mamili ngayon" Inis na pahayag ko saka inilabas ang panyo at ipinunas sa mga dugo
" Pero malayo po ang mga--"
" Edi dalhin niyo ako sa mas malapit Manong " Inis na sumbat ko kaya nagmadali itong ipinaandar ang sasakyan sa kalapit na hospital ng school
" Nurse! Nurse!" Sigaw nito ng makapasok kami sa hospital
" Ano pong nangyari!?" Gulat na tanong ng nurse
" Nauntog ako kaya nagdugo ng ganto " Singhal ko sa kanya pero nakaramdam na ako ng panghihina kaya unti-unti akong bumagsak sa sahig at hindi na narinig pa ang sinasabi nila
YERI P.O.V.
Nang makarating kami sa lugar na tinuro ng bata kanina ay puro dugo na lamang ang nadatnan namin doon kaya napahawak ako sa ulo at buhok dahil sa inis
Sigaw pa kami ng sigaw para mahanap siya pero wala ni isang sumasagot saamin ng biglang tumunog ang cellphone ni Luis
" Hello Sir, This is Chaniel Hospital "
" Yes" Sagot niya saka napahawak sa noo
" Okay Pupunta na kami Thank you" Pahayag nito
" Halika na nasa hospital na daw siya" Nang masabi niya iyon ay mabilis siyang tumalikod at naglakad pero napatigil din kalaunan dahil sa hindi ko pagsunod
" Hey? Sabi ko tara na" Nagtataka at puno ng pagaalalang anyaya nito
"Mauna kana kailangan ka niya don" Utos ko
"Ikaw? what are you planning to do? Hindi to ang oras para gumanti " Inis na pahayag niya
" Hindi, Hindi ko kayang magpunta doon at hayaang matuwa ang taong gumawa sa kaibigan ko ng ganoon " Inis na sumbat ko
" Yeri!" Inis na tawag nito kaya huminto ako at lumingon sa kanya
" Wag mo kong pigilan Luis dahil hindi ko kayang patawarin ang gantong klaseng kalokohan nila" Seryosong sambit ko
" Daanin na nila tayo sa kahit anong paraan ng pananakit matatanggap ko dahil alam ko kung anong ugali ang meron tayong tatlo pero wala sa vocabulary ko ang ihatid o makita ang isa sa atin sa kahit anong hospital ng bansang to" Galit na sumbat ko sabay pinulot ang baseball bat
Habang naglalakad ay natatakot pang napapatingin ang mga kaklase namin dahil sa dala ko
" Babasagin ko talaga ang ulo ng babaeng yon pag nalaman kong may kinalaman siya dito" Inis na muni ko sa sarili
BINABASA MO ANG
Trapped into Bad Girl's Love [Completed]
Dla nastolatkówCién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa paaralang ito kung makapasok ang pinaka walang galang at masungit na babae sa loob ng paaralan? Hindi...