Status: Broken Hearted kay Crush

333 3 4
                                    

Status: Broken Hearted kay Crush

Ang saya ko ngayong araw na to, kasi nakita ko yung crush ko. Yung makita ko lang siya sa araw araw masaya na ako. Hindi na ako naghahangad ng iba pa. Yung ngitian niya lang ako at simpleng hi o hello ay sapat na para sa akin.

“Nikki, nakita mo ba yung crush mo si Troy? Andyan siya kanina ah.” Sabi nung isa kong tropa.

“Oo, nakita ko siya, nag hi pa nga siya sakin e.” Sabi ko.

“Kaya pala ngiting ngiti ka dyan. Ang kati mo, bigyan kita ng canesten dyan e.” Sabi niya.

“Hayaan mo na, si Troy lang naman ang kaligayahan ko dito e.” Paliwanag ko naman.

---

Ang saya kapag yung crush mo bigla na lang magtetext sayo, ang saya sa pakiramdam, daig mo pa yata yung taong nanalo sa lotto, lalo na kung siya yung mauunang magtext sayo, kulang na lang magthumbling ka sa sobrang kasayahan na nararamdaman mo.

“Yieeeeeee!!!” Napasigaw ako sa sobrang saya ko.

“Oh bakit? Anong nangyari sayo?” Tanong sakin ni Jelly, bestfriend ko.

“Tinext kasi ako ni Troy.” Masayang sagot ko.

“Kaya naman pala, eh di ikaw na, ang haba ng hair mo neng ah.” Jelly

Ang saya saya ko talaga, minsan hindi ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko kasi magkatext na kami ni Troy, minsan yung mga message niya, kahit walang kwenta sinisave ko pa din, kasi natutuwa ako sa tuwing mababasa ko yung mga yun.

~'''

Mas lalong masaya kapag si crush ay nakikicooperate sa pbb teens. Yung tipong kayong dalawa yung nagppbbteens, tapos kahit na joke lang sa kanya, tuwang tuwa ka kasi pabor na pabor para sayo. KASO LANG, hindi sa lahat ng panahon, kasiyahan lang ang mararamdaman mo. Kasi kahit gaano man kaperfect ang samahan niyo, may dadating at dadating talaga para guluhin yon.

Oh, nakasimangot ka?” Jelly

“Wala, nakita ko kasi si Troy kasama si Tricia.” Ako

“Ano naman ngayon?” Jelly

“Wala lang, ang sweet kasi nila e. Baby pa nga yung tawagan nilang dalawa e.” Ako

“Oh-uh. Si Troy ayun, kasama nga si Tricia.” Jelly

“Best, ang sakit pala, crush ko lang siya, pero ang sakit pala na makitang may kasama siyang iba, ang sakit na sakin hindi man lang niya nagawa yun, ang sakit pala kapag nakikita mo lang sila tapos ako wala akong magawa kundi panoorin lang sila kung gaano sila kasaya. Ang sakit.” Ako

“Makadrama ka naman, akala mo may relasyon kayo ni Troy, crush mo lang naman si Troy.” Jelly

“Yun nga e, crush ko na nga lang si Troy nabrobroken hearted pa ako.” Ako

AYAN, MAY BAGO KA NG RELATIONSHIP STATUS: BROKEN HEARTED KAY CRUSH.” Jelly

---------------

Lahat tayo dumadating sa puntong ultimong kay Crush lang e nabrobroken hearted pa. Ganyan siguro talaga ang buhay. Dinededicate ko nga pala tong story na to kay LYRA MAE ESTRELLA! :D

Status: Broken Hearted kay CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon