Property of Pandora's Heart
[Adrienne's POV]
"Kung pwede lang mga pre ha. I am not really in a good mood. I hate this project. I hate her being my wife, ok?" Naku! Mukhang galit na nga talaga itong si Gab. Pero grabe naman ang sinabi niya.
*sob *footsteps
May narinig akong umiyak pero isang sob lang ang narinig ko. Tapos mga paang patakbo palabas. Ako kasi ang nasa pinakadulo kaya ako lang ata ang nakarinig nun. Tumingin ako. Si Vera. Narinig kaya ni Vera yun? Siguro. So siya ang umiyak?
Si Veranon Gael Paras. Ang babaeng patay na patay na kay Gab ng 8 taon. Ang babaeng tinapon ang pagka-Filipina at nanligaw kay Gab. Ang babaeng kinaiinisan ni Gab dahil sa mga pinaggagagawa niya sa kanya at dahil dun eh naging tampulan ng asar siya sa aming magkakakaibigan.
Ako nga lang ata ang nakakaalam sa buong pangalan niya eh. Sa pangalan niya. Lahat ng nasa tropa eh hindi alam ang pangalan niya at ang tawag lang eh yung babaeng patay na patay kay Gab. Ganun din sa Gab. Nakakaawang babae. Bakit ko alam? Eh kasi nga na curious ako kung ano ang totoong pangalan niya. Hindi ko kasi gustong tawagin siyang babaeng patay na patay kay Gab. Kawalan naman ng respeto yun para kay Vera. After all eh babae pa rin siya.
Anyway, balik sa storya. Sinundan ko siya. Hindi ko na sila pinakealaman. Baka mainis lang ako sa mga sasabihin niya at nila. Hindi ko nga alam kung paano ako napasok sa tropang ito eh. Mga masasama ang pakikitungo sa mga babae.
Sa bagay, lahat ng naging karelasyon ko eh niloloko lang nila ako ipinagpapalit para sa ibang lalaki. Masyado daw akong mabait para sa kanila. Grabe! Kasalanan ko bang maging mabait. Eh kung sa nirerespeto ko kasi ang mga babae eh.
Only boy lang ako sa pamilya. Si papa eh once in a blue moon lang magpakita kasi masyado siyang busy sa pagtatrabaho sa Switzerland. Owner siya ng isang kumpanya doon. Ewan ko kung ano. May tatlo akong kapatid na babae. Tapos si mama tsaka si tita. So only boy lang talaga ako sa bahay. Mahal na mahal nila ako at ganun na rin ako kaya naman ang laki lang talaga ng respeto ko sa mga babae.
Nakita ko siyang umiiyak. Nakarating na kami sa gym at nakaupo siya sa isa sa mga bleachers. Grabe! Kawawa talaga ang babaeng ito.
Nilapitan ko siya at tumabi ako sa kanya.
"O!" sabay abot ko sa kanya ng panyo ko. Napatigil siya sa pag-iyak at tiningnan ako tapos yung panyong inaabot ko.
"Thanks" sabi niya. Pinilit niyang ngumiti pero naiyak ulit siya.
"Pagpasensyahan mo na si Gab ha. Wala talagang pake yun sa mga babae. Hindi ata marunong magmahal yun eh" sabi ko without looking at her. She keeps on crying.
"Ang tiyaga mo nga eh. Walong taon kang nagtiis sa unrequited love. Bakit ba mahal na mahal mo yung bastardong yun"
"Ewan ko nga rin eh. Para sa isang halik lang eh na-inlove na agad ako sa kanya. Pero actually, hindi naman on the spot ako na inlove sa kanya. Basta isang araw na realize ko na lang na siya na lang ang laging nasa isip ko at iba na ang nararamdaman ko towards him" sabi niya na medyo naiiyak pa rin. "Alam ko namang hindi niya ako mamahalin eh.. kahit kailan" nagulat ako nang sabihin niya yun.
"Eh k-kung ganun.. bakit ka patuloy sa pagbibigay sa kanya ng mga bagay-bagay at nagpapahiwatig na may gusto ko talaga sa kanya?" takang tanong ko na nakatingin pa rin sa kanya.
"Eh kasi... eh kasi..." tapos umiyak na naman siya. "Eh kasi mahal ko siya. Mahal ko siya kahit alam kong one sided love lang. Mahal ko siya kahit na.. kahit na nasasaktan na ako. Kahit ang sakit sakit na" umiiyak pa rin siya. Ginagamit niya yung panyo ko pantakip ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?