Friend Zoned

420 3 3
                                    

Friend zone?

ANo ba yun? 

Yun ba yung kapag nabasted si guy? 

Tapos hanggang friends lang yung tingin sa kanya ng taong mahal nya? 

Eh pano kapag yung girl yung basted? 

Friend zoned din ba yun? 

I'm Jasmin Zuñiga. 16 years old. Graduating nako sa Smart High. 

And i think i'm inlove with my enemy. 

Si Kobe Paras. Yung taong laging nangaasar sakin since first year palang kami. Matalino yan, heartthrob ng campus, at captain ng basketball team. Matangkad, mayaman, gwapo, maputi etc. Lahat na yata ng hinahanap ng isang babae sa lalaki, nasa kanya na. Ang swerte nga ng girlfriend nya e. Si Patrisha Tan. Syempre, dahil gwapo si Kobe, maganda rin si Patrisha. Mahaba buhok, at parang model. 

Monday nun. Maaga akong pumasok kasi may training yung volleyball players. Yup! Varsity ako ng vball. 

"Araaaayyy!!"  Pinagtatawanan na'ko ng mga students sa gym. Kasi naman nag dive ako para masave yung bola. Edi eto ako ngayon, nakasalampak sa floor, hindi makatayo at namumula na sa sobrang kahihiyan. 

"Ang clumsy mo!!"  

Nagulat ako sa nagsalita. Si Kobe, papalapit sakin. 

"Sorry ha? Ganun talaga e. Kailangan kong saluhin yung bola para hindi sya mahulog lang kung saan. Ngayon, kung nandito ka para asarin ako. Lumayas kana!" 

Yan nalang nasabi ko habang umiiyak. Eh kase naman, ang sakit talaga ng gasgas sa tuhod at sa braso ko. Ang hapdi, parang puso ko lang. 

"Tsk tsk"   yan lang narinig ko sa kanya. 

Eto pa ang kinagulat ko. Binuhat nya ako na parang pangkasal lang. 

Yan nanaman ung mga taong nagbubulungan. Nakakahiya! 

"Huy!! Ibaba mo nga ako!!" 

Aba't snob? Tuloy tuloy parin sya sa paglalakad. -.- 

Pero na touch parin ako. Kasi kahit na lagi nya kong inaasar, hinahampas at kung ano pang ka brutalan. nandyan parin sya pag kailangan ko ng masasandalan. 

"Bestfriend nalang kita ha?" 

Nagulat ako nung bigla nalang yan lumabas sa bibig ko.  Hala ka?

Pero teka! Huminto sya. tapos tinignan nya 'ko ng naka smile. 

"Oo ba!" 

Napasmile ako sa sagot nya.  Can you believe it?Yung crush ko na lagi kong kaaway. Bestfriend ko na ngayon? =)))))))) 

Months has passed. And yung mga months na yun, palagi kong kasama si Kobe. Lagi kaming naglalaro, naghaharutan, nagtatawanan, etc. Na dumating sa point na......

Nagalit sakin si Patrisha. Kasi umamin ako kay Kobe na matagal ko na syang mahal. Pero ok lang naman yun sa kanya. kaya lang nalaman ng girlfriend nya. 

"Kobe ano ba? You have to make your choice. Ako ang girlfriend mo diba?  Pero sya yung mas nabibigyan mo ng oras. It's just between me and Jasmine. Ano na?" 

Nandito kami ngayon sa garden. Kaming tatlo. 

Tinignan ako ni Kobe. 

"Jasmine? Bestfriend parin kita ha?" 

Nagsmile nalang ako at tumango. 

"Oo naman!" 

Tapos hinug na nya si Patrisha. 

Napayuko nalang ako. Trying to stop my tears. 

"Patrisha, Kobe, una na 'ko ha? May klase pa kasi ako. Goodluck sa inyo." 

Then i left. 

Isa lang naman ibig sabihin nun. Pinili nya si Patrisha. Syempre girlfriend nya yun e. Sino ba ako? Isang hamak na bestfriend lang naman, na kailangang intindihin sya. Nung tinanong nya kung bestfriends parin kami. Sobrang sakit. Parang pasan ko yung buong universe. Tapos paulit-ulit na sinasaksak yung puso ko.  =( Wala naman akong magawa. Kundi umiyak para mapagaan yung loob ko. Wala naman akong bestfriend na dadamayan ako. Dahil yung bestfriend ko mismo na mahal ko yung may cause kung bakit ako nagkakaganito.  

THE END =) 

A:N/  Sup guys? Sorry naman kung sabaw.  One shot lang kaya ko e. =) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon